Secret Conversation

2.7K 88 23
                                    

Author's note: FYI on the spot ko pong ginagawa ang update ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's note: FYI on the spot ko pong ginagawa ang update ko. 4-5hours ang nilalaan ko para rito, ots din ang Update. Wala ng proofread, if you see an error or typo, loophole or anything that confuse you. I am allowing you to correct me. 😊 SalaMUCH! Happy reading.

❤️❤️❤️

IKATLONG araw kong pagbisita kay Coach sa Imperial Hospital. Nagpapagaling siya ng sugat at nagagawa pang tumawa habang nakikipaghuntahan kay Gatus at Jasmin. Taliwas sa inaasahan kong malungkot na atmosphere. Ang positibo talaga niyang tao.

"Anong oras ang lakad niyo bukas?" usisa nito nang sabihin kong bibisita ang mga kaibigan ko galing ng Paris.

Dumampot ako sa hinihiwang apple ni Jasmin bago sumagot. "Ten ang dating nila rito. Baka Nine kami lalakad."

"Girl, 'yung Red ba kasama?"

Mula kay Coach ay napatingin ako kay Gatus. Hindi ko kasi masabi sa kanila ang tungkol sa nararamdaman ni Red sa akin. Ang sinabi ko lang ay mga kaibigan ko. Kaya heto siya, pinapantasya ni Gary Tuazon Sopre!

"Oo. Kaso si Lapeetah may guesting sa isang movie kaya hindi makakasama," sagot ko.

"Okay lang girl na puro boys lang. Kayang-kaya ko sila lahat i-assist."

"Gatus, kasama ka ba? Sa pagkakaalam ko kami lang ni Juls."

"Hoy, Jasmin! May baby ka, 'wag ka na. Pang-single party lang 'yon."

Tumayo si Jasmin. "Excuse me. Kasama ko ang buong pamilya ko."

Hagalpak ni Coach ang umalingawngaw. Ako naman ay napabuntong hininga nalang. Tumayo na at nagpresintang bibili ng ice cream na kanina pa pinapabili ni Coach.

"Away lang kayo riyan. Bili lang ako!"

Sa hallway ay napansin ko ang paparating na si Doctor Alberto. May kasama itong mga Doctor at mukhang may malalim silang pag-uusap. Pero nang makalapit na ako ay tumigil siya upang batiin ako.

"Magandang hapon din po, Doctor Imperial."

"Kamusta si Giselle?"

Tumingin ako sa pinanggalingan ko bago ngumiti. "Ayon po. Tawa nang tawa."

"Mabuti kung ganoon. Saan ka niyan?"

"Sa labas lang po bibili ng ice cream. Sige po, Doc."

"Sige Georgina. Ingat!"

"Ho?"

"Julienne. Ingat ka, Julienne." Malumanay itong ngumiti bago tumalikod.

Nanatili ako roong pinapanood ang paglayo niya. Paulit-ulit na inusal ang pangalang Georgina. I don't have any idea who's Georgina, but my heart suddenly familiarized that name. As if the owner of that name was close to me. Someone precious and warm.

The UnnoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon