Letting go a Treasure

2.9K 79 37
                                    

Authors note: Ang bigat sa dibdib ng eksena

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Authors note: Ang bigat sa dibdib ng eksena. Tho,  promised to UD two chapters per day so this story won't hang next year. Please bear with me with some typos, but I assure you to bring an emotional and not in hurry updates. I hope you support me all day. Vote at comments naman para ma-boost ang gana ko sa pagsusulat. :D

THE MOMENT I regained my consciousness the only person I had in my mind is Charl.

"Charl?" sigaw kong nilamon lang ng dilim at lakas ng ulan. I tried to get up, but I can't. Nakalubog ang kalahati ng katawan ko sa putik, damay ang parehas kong braso. Luminga ako, ngunit walang bakas ng kahit ano.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa Camp Site. Naapektuhan din ba sila? Hinahanap na ba nila kami? Si Charl? Nakaligtas ba siya? Paano kung hindi?

Umahon ang takot sa aking dibdib.

"Charl? Nasaan ka? Pakiusap sumagot ka!" sigaw ko sa nanginginig na boses. Naluluha sa kaisipang baka natabunan siya ng landslide. Sinubukan kong ikilos ang aking dalawang braso, ngunit malamig ang tanging naramdaman ko roon. Sa manhid ng parehas kong binti ay hindi ko na ito maramdaman.

"Charl? Sumagot ka naman, o! Huwag kang ganyan. Hindi nakakatawa." Parang tanga akong lumuluha habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Unti-unting tumila ang ulan kaya kadiliman at katahimikan ang nanaig.

Sinubukan ko ulit ikilos ang dalawang braso ko. Pilit kumakawala sa nakadagang makapal na lupa. Nasa ganoon ako nang may tumama sa aking mukha ang ilaw mula sa flashlight.

"Tulong! Pakiusap! Tulungan niyo ako!"

"May survivor dito!"

Dalawang kalalakihan ang matiyagang hinukay ang katawan ko. Iyak ako nang iyak dahil sa pakiramdam na ligtas na ako. Nang makita ko na ang tuhod kong punong-puno ng putik, walang pasabi kong ikinilos iyon. Hirap man at namamanhid ay tumakbo ako patungo sa puwestong alam kong naroroon si Charl.

Gamit ng aking mga kamay ay pilit kong hinuhukay iyon.

"Miss, anong ginagawa mo? Kailangan niyo muna pong bumaba. Kami ng bahala sa iba pa."

Naluluha kong nilingon 'yung lalaki. "Pakiusap. Tulungan niyo po akong hanapin si Charl. Narito siya. Pakiusap. Kailangan niya ng tulong." Kahit masakit ay hindi ko tinigilang hukayin iyon.

Ang isang lalaki naman ay hinawakan ako sa braso. "Miss, ihahatid ka na namin sa baba. Kami ng bahalang maghahanap sa boyfriend niyo."

Matigas kong hinablot pabalik ang aking braso. Inagaw ang palang hawak nito, pursegidong hinukay ang gawing alam kong naroroon si Charl. "Hindi niyo ako naiintindihan manong. Narito siya sa ilalim, buhay at naghihintay. Ililigtas ko siya. Hinihintay niya ako! Charl, ito na ako. Ililigtas kita. Pakiusap, hintayin mo ako."

"Leave it with them, Julienne!"

Nabitin sa ere ang pagbayo ko sa lupa dahil sa boses na iyon. Nanginginig at naluluha kong nilingon ang paparating na si Frank. Sa likod nito ang ilan pang hindi ko kilala na mga kalalakihan. May sinabi siya sa mga ito bago lumapit sa akin.

The UnnoticedWhere stories live. Discover now