First Date

2.8K 93 43
                                    

HIINATID ako ni Frank sa unit namin ni Susan kaya hindi na nakabalik

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HIINATID ako ni Frank sa unit namin ni Susan kaya hindi na nakabalik. Noong una tinataboy ko na siya, pero mapilit siyang sumama hanggang sa matiyak na nasa loob ako ng kuwarto. Hindi ko tuloy alam kung pagsasarhan ko ba siya ng pinto o hihintayin ko siyang umalis.

"I'll see you by Saturday to discuss your contract."

Tumango ako. "Okay. Good night, Frank."

"Good night. Closed the door," he commanded.

Tumango ulit ako. Isasara na ang pinto pero pinigil niya.

"No touch. No hold. No hugs with other boys, Julienne. You hear me?"

Ang mga mata'y seryoso ngunit nakakaptupok na parang apoy. Nanunuyo ang aking lalamunan. "O-oo. Ikaw din." Binigla ko ang sara at napasandal sa pinto upang bigyan ng buhay ang naghuhurumentado kong dibdib.

Did we just? Did we just indirectly tell that we like each other?

Kinabukasan ay makahulugan akong tinitigan ni Jasmin. Ang iba naman ay casual lang, hindi nagtaka sa hindi ko na pagbalik. Lalo si Gatus na ibinibida sa amin ni Jasmin ang nakita niya.

"Daks talaga si Red. Naabutan ko sila ni Arthur na nagbibihis. Hihimatayin ako. Promise!"

Ngumisi ako at umiling nalang. Namataan sila Red at Arthur na abala sa pagkausap sa mga bangkero. Dahil sa sinasabi ni Gatus, hindi ko maiwasang sulyapan ang tinutukoy ni Red.

Malaki ba talaga? Bakit hindi bakat?

Sumagi sa isip ko ang scenario kahapon. Noong umaahon si Frank sa tubig. Napuna ko ang bakat niyang kuwan.

Napakurap-kurap ako. Umatras nang magdaan si Glen habang buhat ang dalawang taong baby nila paakyat sa bangka. Katatapos lang namin mag-agahan at handa na para sa boat riding namin.

"Bakit hindi ka na bumalik kahapon?" parinig ni Jasmin.

Nasa likod ko siya at katabi ko si Susan. Si Gatus ay nasa harapan. Katabi niya si Red. Sa unahan nila si Arthur na siyang punong-abala sa pagkuha ng video namin.

"Sumama ang pakiramdam ko."

"Talaga? Nawala rin si Frank kahapon. Don't tell me, Baks."

"Shhhhh— 'wag kang tamang hinala."

Tinantanan niya ako noong kumilos na ang malaking bangka. Tuwang-tuwa ang anak ni Jasmin na si JR sa view. Lalo sa drone ni Arthur na malayang lumilipad sa himpapawid. Dinala kami ni Manong sa Bat Cave. Inabisuhan kaming huwag mag-iingay kaya sumunod kami. Hanggang sa makalabas diretso sa iba pang magagandang tourist spots.

Tama nga ang hinala ko. Nakita ko sila Sander pero wala na si Frank. Kaninang umaga ay nag-text siya sa akin na flight niya pabalik ng Paris. Ibig sabihin sumadya lang siya rito para makausap ako. Para makita ako!

The UnnoticedWhere stories live. Discover now