Another Hunch

1.8K 71 22
                                    


This is purely raw. Ginawa ko ito ng isang upuan. Simula 5 ng hapon, pumapalo ng three hours. Imagine how my brain cells work? Hahahaha. Salamat sa vote, I can't name you all. Pero sana pagbigyan niyo akong marinig ang inyong hinaing patungkol sa eksena. Salamat at God bless us all.


"Pumasok kayo sa loob at magpalit ng damit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Pumasok kayo sa loob at magpalit ng damit. Baka sipunin kayo sa ginagawa niyo!"

"Opo, Mang Sito!" korong sagot ng dalawa sa gilid ko, inalalayan ako sa pagtayo. Habang ako ay nananatiling nakatingin sa matanda. Ganoon din siya sa akin.

Maraming nagsasabi na kamukha ko ang aking ina. Malakas ang kutob kong nakilala niya ako. May alam siya sa nakaraan. Kilala niya ang magulang ni Frank. Kilala niya ang mga Garcia. Kilala niya ang pamilya ko. Kilala niya ako.

Siya ang huling alas ko!

Habang naliligo ay iniisip ko ang nangyari sa akin. Hindi naman ako nalunod. Sanay akong lumangoy, kaso naipit ng pisi ang braso at paa ko. Ang magpinsang Villareal at Augustus ay pinapanood ako. Tiyak bago mangyari ang lunuran ay nasagip nila ako, pero bakit pakiwari ko ang tagal ko sa tubig? At ang pagtalon ni Frank sa tubig upang sagipin ako.

Pagsagip nga bang totoo iyon o gusto niyang tiyakin na mamamatay ako sa mga kamay niya?

Nang makapagtuyo ng buhok at makapabihis ay dumiretso agad ako sa sala. Lahat ay naroon, bukod kay Mang Sito at Montmeyer.

"Nalaglag ka pala sa bangka, Juls. Okay ka lang ba?" bungad ni Margot.

Lumapit ako. "Okay lang naman. Ikaw? Kamusta ang pakiramdam mo?" Isa-isang tiningnan ang nakahain sa hapagkainan. Inihaw nila ang isdang nahuli ni Clifford.

Sayang ang isdang nahuli ko.

Tumabi ako kay Margerine. Patay malisyang dumampot ng plato at nakisali na sa pagkain.

"Okay lang naman ako. Natakot kasi ako sa ahas kaya nalaglag ako."

Habang nagsasalin ng tubig ay tumango ako. "Bakit parang may kagat ka ng ahas?"

"Nagkataon lang. Yung isa natusok habang ang isa ay hindi ko alam. Hindi naman masakit. Malayo sa bituka."

"Kaya pala hindi napansin ni Juls. Una niyang nakita 'yung sa'yo," sabad ni Margerine. Tumayo ito upang pumasok sa kusina bitbit ang mangkok ng kanin.

Nagpatuloy ang pag-uusap. Panay ang lingid ko sa paligid, hinahanap kung nasaan 'yung dalawa. Hanggang sa makabalik nalang si Montmeyer at tapos ng kumain ay wala pa rin ang matanda.

"Are you okay now?"

Sa sobrang seryoso ko sa pag-iisip ay bahagya akong nagulat. "O-oo, Calum. Salamat! Am... Gusto ko sanang matikman ang tea ni Mang Sito."

This is the only reason I can use to talk to him. But how am I going to kick Calum from my private concern?

"Alright. This way." He showed me the way.

The UnnoticedWhere stories live. Discover now