Linger

5K 106 38
                                    

BUHAT ng encounter ko kay Frank ay hindi na ulit nag-krus ang landas namin

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

BUHAT ng encounter ko kay Frank ay hindi na ulit nag-krus ang landas namin. Buong dalawang Linggo ang lumipas ay hindi rin siya dumadalo sa practice nila sa basketball. Lalo tuloy akong naging pursegido na makabili ng cellphone para malaman ko ang event niya sa Instagram.

"He did a Skydive in Dubai. Did you see it?"

"Yeah. Nag-reply siya sa comment ko sa isang post niya na nakatungtong si Chuck sa balikat niya. Ang cool nila!"

Tahimik akong lumapit mula sa likuran ng dalawang ito na nagmula sa HRM Department upang silipin ang tinitingnan nila. They are stalking his profile. Bago lang ba ang post tungkol sa Skydive? Paano kaya 'yon?

Suminghap ako at lumakad na patungo sa mismong event ng Volleyball Finals. Bente minutong lakaran pero maaga pa 'yon. Makakapag-warm-up pa ako.

The busy polluted road was the same. The street is full pack of many different people. Sa palagi kong pagdaan dito, kilala ko na sa mukha kung sino ang tiga-rito sa hindi. At kapag bago ka at hindi mo alam ang daan na ito ay madudukutan ka.

Huminto ako upang lingunin ang bilihan ng cell phone. Nakita ko ang eksaktong unit ng phone ni Frank. Na-excite ako sa kaisipang dalawang sahod nalang ay mabibili ko na ito. Ano kayang pakiramdam ng may cell phone? Para sa mga gaya kong salat sa buhay, kailangan ko pang magkayod ng ilang taon para makapag-ipon. Hindi gaya ng mayayamang papalit-palit ng unit na magustuhan nila.

Gusto kong maging gaya ni Frank. Blogger. You can post every activity that you like. What's going on with you? Something unique, new, and special. But I don't have an idea. Hindi naman kasi ako mayaman gaya niya na kayang magpunta sa kahit saang parte ng mundo. Iniisip ko palang na wala akong pera para makapunta sa ibang lugar dito sa Owl City, pinapangunahan na ako ng pagkalumo. Walang interesante sa buhay ko, bukod sa may special ability ako ay natural blue at brown ang kulay ng buhok ko.

May mag-follow kaya sa akin?

I kicked the medium size stone and followed where it landed. Sa gilid ng paa ng magandang babae na tatawid. At dahil naka-pula pa ang signal ay prente siyang naghintay doon. Sa kaparehas na daan ko siya patungo kaya lumapit ako, ngunit agad ding huminto ng makita ko ang posibleng mangyari sa babae. May truck na mawawalan ng preno at mahahagip siya.

Nagpawis ang noo ko nang makita ang paparating na kaparehas na truck. Mabilis akong tumakbo at hiniwakan siya sa braso upang hilain.

"Hey! Ano ba! Bitawan mo a—"

It's just an inch away from her arm when the truck dashed on her side and went through the flower shop. Tilian at nagkagulo ang mga nakasaksi sa malakas na pagbangga. Nagkalat ang babasaging salamin. Humalimuyak din ang mga bulaklak. Iyak ng bata ang sumunod kong narinig at sigaw na humihingi ng tulong. Natulala ako sa nakitang nakaipit na katawan ng matanda sa ilalim ng gulong ng truck. Kung hindi ko hinila itong babae, baka isa na rin siya sa walang buhay gaya noon.

The UnnoticedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant