Playful Friend

3.2K 84 11
                                    

NOT MOVING at all, just staring back at him with a key flying on my side

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


NOT MOVING at all, just staring back at him with a key flying on my side. Frank caught it sexily before he shifted on the driver seat and turned on the engine. Another sexy smile before he glanced on our way— obviously, inviting us. Pero ramdam na ramdam ko ang munting paru-paro sa aking dibdib na malayang lumilipad.

Nagitla ako sa paghawak ni Charl sa kamay ko.

"Tara na, Juls."

Nagpahila ako sa kanya. Doon kami sa back seat sumakay at si Frank ang driver. Inaasahan kong awkward ang mangyayari, pero pinawi ng dalawa ang kalungkutan ko. Dumagdag din sa grupo namin si Sander Cristobal. Mahabang biyahe at tawanan ang nangyari.

Natuklasan kong mahilig mag-exhibition si Frank, Sander at Charl. Iyon ang hindi isinasama ni Frank sa kanyang blog na madalas naman i-post ni Sander.

"Kumakain ka ba ng sawa, Juls?" tanong sa akin ni Sander ng mapansing tulala ako.

Kakatapos lang nila mag-photoshoot para sa makailang ulit na back flip sa dalampasigan. Ilang beses na sumablay si Frank, samantalang si Charl at Sander ay expert. Hindi ako humihinga sa kaba. Takot na takot akong baka mapaano siya.

"H-ha?"

Pinigil ni Sander ang huwag matawa dahil sa reaction ko. Matapos nila akong pakabahin kanina, ngayon naman ay dinala nila ako sa isang Exotic Restaurant. Kakaiba rin ang trip ng tatlong ito. Ganito pala sila mag-celebrate!

Mula sa likod ay sumulpot si Frank. Saglit kaming nagkatinginan bago nito dinibdiban si Sander. "You should give to her the chicken. I want the scorpion and horse penis."

Did I hear him right?

"Scorpion? Akala ko ba 'yung sawa ang kakainin natin dito— fuck man!" reklamo ni Sander ng si Charl naman ang sumuntok sa balikat nito. "Sawa nalang kasi!"

"Bahala kayo. Basta ako 'yung uod na puti," komento ni Charl. Kinindatan ako bago umakbay kay Frank. "Nahirapan akong mag-park. Dapat kasi, hindi tayo sumabay sa opening."

Nagkakamot ng batok si Sander bago umalis.

"There is no perfect time to eat penis, Chuck!" komento ni Frank. Ang kanyang mata'y naglilibot sa paligid. Inosente sa nagdaang grupo ng kababaihan na pare-parehas na nakatingin sa kanila ni Charl.

I bit my lower lip to control my lips to smile. The way Frank drop a humor seemed plain, but it was really kicking. Ang malakas na tawa ni Charl ang magpapatunay noon.

"Makasalanan ang restaurant na 'to."

Sang-ayon ako sa sinabi ni Charl. Sa dinami-rami ng ihahain, bakit pati 'yung kuwan ng kabayo ay idadamay?

Bahagyang umabante si Charl ng mapansin ang pananahimik ko. "Hindi ka namin ibibili ng exotic, Juls. Gusto mo ba ng steak? Roasted Chicken?"

Nanuyo ang lalamunan ko ng dumapo sa akin ang atensyon ni Frank. Saglit lang iyon dahil bumalik na si Sander na may ngiting alam mong gagawa ng kalokohan.

The UnnoticedWhere stories live. Discover now