He Calls My Name

3.3K 81 26
                                    

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


NAGSIMULA ang sikretong kontrata namin ni Jasmin. Sa unang Linggo ay tatlong beses kaming may blog kasama si Halsey at Sharon. Mahirap sa una dahil hindi namin kasundo ang dalawa. Nalaman ko pang galing sila sa Owl City University at angat sa buhay. The intimidation they possess rubbed my nerves. They even demanded the expensive location and best one since it's an outfit promotion, plus the fact that my followers don't grow.

"Juliene, gusto kong umupo ka sa mesa at malungkot ang expression," hiling ni Gatus.

Inipit ko ang tikwas na buhok sa aking tainga ng mahuling sumusulyap sa gawi naming ang dumadaang estudyante ng OCU. Sinunod ko ang sinabi ni Gatus. Totoong malungkot dahil sa resulta ng isa sa subject ko sa exam. Pasado naman ngunit mababa. Iyon ang unang pagkakataon na makatanggap ako ng gano'ng marka.

Wala sa sarili kong ipinatong ang kaliwang paa sa upuan at piniga ang hawak na mandarin sequence pouch.

"Gosh! I love that. Take that!" Gatus murmured on the photographer.

I sighed. Nag-review naman ako, bakit gano'n ang naging resulta? Napasulyap ako kay Jasmin dahil sa hand gesture niya sa akin na thumbs up. Akala niya siguro kina-career ko ito.

Malungkot talaga ako.

"Juliene?"

Agad akong napatayo nang makita ang paparating na si Charl, lalo sa kasama niya sa likuran na hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Ang totoo nakatingin siya kila Halsey.

"I didn't see you for the whole two weeks. Anong ginagawa mo rito sa Owl City University?" tanong ni Charl. Ang mga titig niya sa akin ay naninibago ngunit nanatili sa kasuotan ko. "You are better with that... but I don't think that's your thing?"

I was too shocked that I wasn't able to speak. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.

Sumulpot si Jasmin sa harapan ko, malamang ay naramdaman kung gaano ako kakaba. Kasama si Gatus na titig na titig sa dalawang lalaki sa harapan.

"Chuck? Kilala mo sila Juliene?" sabad ni Halsey. Lumapit sa dalawa upang humalik sa pisngi. Ganoon din si Sharon na casual na umakbay kay Frank.

Saglit akong natulala ng mahuli kong ngumiti si Frank matapos bulungan ni Sharon. Ang ngiti niyang iyon ang nagpalikot sa matagal ng tulog kong alagang paru-paro. It's dangerous yet warm and genuine. Nahuli ko pa si Gatus na nanatili ang titig dito. May kakaibang pagnanasa sa mga mata ng umalingawngaw ang masarap na tawa ni crush.

"Are we done?" tanong ni Halsey kay Gatus.

Tumango si Gatus, sumulyap sa akin. "See you next week. Same day and time." He slightly pulled me for a peck before he tapped Jasmin from the shoulder and walked away with the photographer.

Bakas kay Charl na gusto akong kausapin, pero hindi ako ang pakay nila rito at halatang kaibigan nila sila Halsey kaya hinila ko na si Jasmin paalis.

The UnnoticedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang