Old Lover

1.9K 58 7
                                    

NAWALAN ng malay si Montmeyer kaya natataranta kami

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAWALAN ng malay si Montmeyer kaya natataranta kami.  Dinala namin siya sa Imperial Hospital sa tulong ng private jet ng daddy ni Jody.  We ride it and landed at the deck of the Hospital. Uncle Albert was there with his team. He first approached me before Margot. I am very hesitant and suspicious but I realize I have to act normal.

That was three hours ago. We are all looking at the door of Operating Room now.

"Akala ko ba, magiging okay na siya?"

My attention flew at my cousin. Namumutla at mukhang iiyak na naman siya. Sa tabi nito si Margerine at Jody. Hindi ko siya masisisi. Matapos lang kasi namin kumain ng miryenda ay nakita niyang namumutla ang kanyang boyfriend.

Pumikit ako at muling nananalangin. I don't usually do it, but this time, I have to believe with his miracle.

"Margot!"

Napalingon ako sa humahangos na si Tita Daniella. Dire-diretso ito sa anak. Niyakap nang mahigpit at may sinabi.

Huminga ako nang malalim. May kung anong inggit ang sumibol sa aking sistema. Gusto kong maranasan ang ganyan sa aking tunay na ina. Pero paano mangyayari 'yon ngayon?

"Daniella, kamusta si Margot?"

Uncle Jonathan voice made us glanced with them. Compare with auntie, he is way calm. He is with my grandmother, helping her to walk. At the back was Nanay Mercy.

Lahat sila ay nasa tabi ng pinsan ko. Hindi nila ako napansin. May kung anong bumigat sa dibdib ko. Pero naibsan dahil sa kamay na siyang pumatong sa balikat ko.

"Juls, umuwi muna kayo. Kami ng bahala kay Yso."

Hindi ko nilingon si Clifford sa gilid ko. I keep my attention with Tita Daniella. Her back stiffened at the mention of my name. Nilingon niya ako. Malamig. Kasing lamig ng trato niya noong unang dating ko sa Imperial Mansion ang mga titig niya.

"Tama siya. Umuwi na tayo. Bakit? May masama ba sa'yo?"

I don't feel the sincerity with it. Why I didn't notice them from the very beginning? Or I just don't suspect them from all of this mystery? I thought blood is thicker than water? Until now, I wanted to believe that someone did this. My eyes shifted with Uncle Jonathan, Lola, and Nanay Mercy.

The real suspect doesn't belong with them. I am still hoping.

"Nakita ko si Frank bago kami umakyat sa Mt. Peru." Minainam kong tumitig sa damit ni Jasmin. Hindi ko siya kayang harapin matapos ng huling pag-uusap namin. Pero kailangan ko ng tulong niya.

Hindi ako sumama kila Margot umuwi kagabi. Hindi pa ako handang makasama sila. Sa ngayon gusto kong tuparin ang pangako ko kay Mang Sito. Gusto ko rin magkaayos kami ni Jasmin, miss ko na sila. Ang kinalakhan kong pamilya.

"Ah."

Nahuli ko siyang umirap sa kawalan. Halatang nagtatampo pa rin.

"Jas... pasensiya ka na sa inasta ko. Nalilito kasi ako. Hindi ko alam... hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwaaan ko. Dahil sa mga naalala ko. Hanggang ngayon." I closed my eyes and looked away. Nahihirapan akong tanggapin ang katotohanan. "Nagkamali ako."

The UnnoticedWhere stories live. Discover now