30.1: MANTSARE

5.9K 111 28
                                    

Hi guysssss, matagal akong hindi nakapag-update kasi nagkaroon ang pamilya namin ng isang problemang masakit masyado sa loob ko at naisip kong kung magsusulat ako habang nasa panahon iyon, baka mapatay ko agad sa istorya ang mga bida. Ngayon po ay naisaayos na ang lahat at handa na ulit akong maglingkod sa inyo rito sa wattpad.

 

Also, as much as gusto kong basahin ang mga istorya ng new boyxboy writers ngayon, hindi ko magawa dahil sa rami ng mga gawain at dinanas ko. Pero ngayon ngang nakaluwag-luwag na ako, sisiguraduhin kong mababasa ko na lahat ng mga nasa library ko na new boyxboy stories. To the readers, wala pong sawa nating suportahan ang mga bagitong boyxboy writers dahil sila ang magtutuloy ng mga nasimulan ng mga nauna.

 

To my fellow KPOPStans especially SMStans, Let’s continuously pray for the safety and success of EXO’s Kris, f(x)’s Sulli, SNSD’s Jessica, and EXO’s Luhan outside of the KPOP World. May Sulli eventually return from her hiatus and may these issues already subside. ‘Di ko matanggap na ikakasal na si Sungmin (I criiii).

 

But we have to move ahead, and I actually need to get over the fact that my three year crush would already ask someone for Promenade and it’s not me. Not happy tho…

 

ANYWAY HIGHWAY!!

 

Salamat po sa pagbabasa. Enjoy the update!!!

 

-------------------------------------------------------

 

CHAPTER 30.1

Monthsary

 

Cleo’s POV

“My, maganda po ba talaga sa lugar na iyon? Sigurado po ba kayong mae-enjoy namin ni Labs ang first monthsary namin sa Bicol?” Tanong ko kay mommy na ngayon ay busy sa pagma-manicure. Jusko talaga, maglagay ba naman ng cuticles eh pulang-pula. Tapos naka-pulang dress pa siya ngayon, lakas maka-red riding hood este lady in red hahaha

“AY ABA OO NAMAN!!”

“Ay My kailangang sumigaw? 10 kilometers away ang kausap?” sita ko kay mommy na agad namang nag-peace sign pa sakin. Bagets pa rin talaga ang turing niya sa sarili niya.

“Sigurado akong masisiyahan kayo roon dahil sa Bicol din kami unang nagkakilala ng Daddy mo and on the spot, nahulog siya sakin. Ganda ko noh?” Natatawang kwento niya at talagang nagbuhat pa ng sariling bangko. GGSS (Gandang Ganda Sa Sarili) din pala to si Mommy.

Sabagay, maganda nga naman talaga siya. Kanino pa ba ako magmamana? (^---^)v

“Push pa more sa pagpuri sa sarili mother dear! Pero.. ‘Yun na ba ‘yun? Nagkita lang kayo tapos nainlove siya tapos kayo na agad?” I asked, suddenly interested with my parents’ love story.

Tuluyan nang binitawan ni Mommy ang hawak niyang cuticle brush at nagdaydream na parang labing-anim na taong gulang na dalaga. Kulang na lang ay mag-seizure ito sa sobrang kilig na nadarama. Naisip ko lang, kung nire-recall niya pa lang eh ganyan na siya kapraning, pano pa kaya kapag nagkukwento na?

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Where stories live. Discover now