17: UNTAYTELD AMPEG

8.2K 161 30
                                    

Kendall’s POV

“Ken, can we talk?” I was shocked nang bigla na lang sumulpot ang ulo ni Ate sa pinto ng aking kwarto. May pagka-ninja talaga eh.  Kasalukuyan akong nakatunghay sa salamin habang tinitignan ang mukha ko, ngayon ko lang na-internalize na ang gwapo ko pala. XD

“Sure, pasok ka ate.” I said then mabilis pa sa jetplane na nakatabi na agad siya sakin at nagpapakyut na rin sa salamin. Tuluy-tuloy na kami nang halos isang minutong pagwa-whacky pose sa  salamin hanggang sa nagtawanan na kaming dalawa.

“HAHAHAHAHAHA Ang panget mo talaga ate Daph!” Panglalait ko kay ate kahit hindi naman totoo, lahat yata ng mga Foyer eh magagandang lahi.

“WOW KEN HAHAHAH NAHIYA ANG MUKHA KO SA KAGWAPUHAN MONG LECHE KA HAHAHA!” At pinaghahampas niya na ako ng kung anumang makuha niyang gamit gaya ng tsinelas, damit, suklay, gel, etc. Hinayaan ko na lang siya hanggang mapagod na ito. Umupo kaming dalawa sa kama and dun niya na sinabi ang talagang sadya niya sa akin.

“Okay bro. What did you do yesterday? Why are you out of the house? Is this concerning Cleo? Don’t you know that Ram’s already in love with Cle----“ she spontaneously asked that I can’t help but interrupt her

“Ate wait lang isa isa lang pwede? And ikekwento ko naman talaga siya sayo eh. Chill ka lang.” Nangingiti kong saad dahil alam ko namang hindi ako nito pipigilan hangga’t hindi niya napipiga lahat ng impormasyon galing sakin.

“Okay sige go na push.” Atat talaga siya noh? Kaya naman ay kwinento ko lahat ng pangyayari. Mula sa Ram get-up ko, sa pagdala kay Cleo sa Lucena, sa muntikan na niyang pagkahuli sakin, ang supposed to be sweet moment namin na sinira nung Jace, at syempre yung paghatid ko sa kanya.

As usual, kilig na kilig naman si Ate, kaya lang ay tawagin ba raw akong malandi? Hindi naman eh. Kay Yoyo ko lang naman ako malandi eh. ^_^

Pagkatapos ng story-telling ko ay umalis na rin siya, yun lang pala talaga ang pinunta niya rito. Mabuti na lang talaga at maaga pa, hindi pa ako male-late.

Pagdating sa may building ay hinintay ko ulit na lumabas si Cleo ng building, at sa pagkadismaya ko ay kasama niya paglabas ang kambal kong si Ram. Masakit man isipin kung anong nangyare sa loob ay hindi ko na lamang ininda, sinabihan ko na si manong na ituloy na ako sa eskwelahan.

-----------------------------------------------

Lunch Break, nakapalumbaba ako sa isang bench habang pinagtitinginan ako ng mga kaibigan kong sina JV, Joseph, at Paolo.

“Ayos ka lang ba talaga ‘pre?” Nagtatakang tanong nila at tinanguan ko lang ang mga ito. Ahead ako pero nakakasabay naman ako sa kanila  dahil isang taon lang naman ang agwat namin eh. And ayokong tawaging kuya dito dahil lang dapat college na ako ngayon, I still prefer ‘pre or brad.

Kanina pa ako tuliro dahil hindi mawala sa isip ko yung eksena kanina. Parang noong unang makita ko si Ram na lumapit at hinalikan ang ex ko. Hindi na naman ako makapag-isip at makapag-focus nang maayos. Ayoko naman kasing bumalik na naman sa bahay at magmukmok, I just realized that doing that was a childish act.

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Where stories live. Discover now