19: MY HART

7.6K 148 35
                                    

Cleo’s POV

“OH MY G! Talaga beks? No joke?!” Gulat na gulat na bulalas ni Yhannie nang sabihin ko sa kanya yun ngang plano kong pagtigil na nga sa supposed to be ‘true agenda’ ko kay Randell. It was so not me, but I still feel that what I’ve done was the right thing to do. And I think, I think I’m falling too.

“Huy Cleo anuba sumagot ka!” At nakaramdam ako ng pagsabunot sa aking buhok. Tinitigan ko nang masama si Yhannie at nag-peace sign lang ito. Tsk. Sayang ng matagal kong pag-aayos ng buhok ah!

“Wow teh di makapaghintay?! Nagmomoment eh! By the way, yun na nga, I want to end the plan already, sa tingin ko kasi’y hindi makatarungan ang gagawin kong pagpapasakit sa kanya kung alam kong inosente naman siya, yung kapatid niyang ugok ang nanakit sakin, hindi siya.” Madrama kong sagot with matching hand gestures pa.

Dahan-dahang pumalakpak si Yhannie at umiling-iling pa na parang bilib na bilib siya sa sinabi ko. “Wow teh! Pang-OSCARS ang peg ng acting! Bonggeyyyy!! HAHAHAHAHA”

Dahil sa sobrang inis ay pinasak ko sa nakabukang bibig ni Yhannie ang kalahating siopao na kinakain ko. Akala ko pa nama’y seryoso kong makakausap ang isang ‘to. Kasalukuyan kasi kaming nasa 7/11, hinihintay ang dalawa pang bakla dahil may girls’ night out kami mamaya, it’s Sunday naman eh.

Balik tayo, maubo-ubo si Yhannie kaya ang ginawa ko’y pinainom ko siya ng slurpee (bait ko talaga!) at natuwa naman ako dahil kahit sandali lang ay nanahimik ang bruha. Nang tapos na siya’y masamang-masama na ang tingin niya sakin at alam kong sabunutan na ang next activity.

Malapit na ang mga kamay naming sa buhok ng isa’t-isa nang may kamay na lumapat sa mukha ko at ni-shove ako paatras. Nang pag-alis ko sa kamay ay nakita kong ang nakangising si Kim pala ang may-ari nun. Pagtingin ko sa kabila ay nandun naman si Klei na mukhang ginawa rin kay Yhannie yung ginawa ni Kim sakin.

“Jusko guys magsisiraan na naman kayo ng kanya-kanyang buhok, mabuti pa’y maupo na lang tayo’t may ichichika ka raw samin Cleo. #eggzoooiiiiteeeddd!!” Maligalig na saad ni Kim na nakapag-pakunot ng noo ko. Alam na agad nilang may sasabihin ako?

“Who told you that?” I asked, confused dahil wow naman ah agad agad?!

“Yhannie texted me.” Sabay na sagot nina Kim at Klei. Pagtingin ko kay Yhannie ay sumisipol-sipol pa ito habang nakatingin sa ibang direksyon. Acting like he’s not guilty of anything, the nerve! Ang bilis talagang magtext niyan, siguro’y nakapagtype na agad siya nung nagdadrama pa lang ako.

“Tsk. Okay so ganito nga…” at kinuwento ko na rin sa kanila. Base sa kanilang mga reaksyon ay mukhang wala namang tumutol, and I know na wala naman talaga dahil sila na nga yung nagta-try noon na patigilin ako eh.

“That’s definitely the best thing to do. Walang masasaktan di’ba?” Saad ni Klei and we all nodded our heads. Tama nga naman, this way, walang masasaktan.

“But what if Ken returned? How can you handle the situation? Remember, you’re in a relationship with your ex’s twin, and we all know that it’s hard dealing with that.” Makahulugang wika ni Yhannie, and I know what he means. I just do not know if it is still true this days especially that Ram is already capturing my attention.

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Where stories live. Discover now