25: AWT AND PRAWD

6.5K 143 41
                                    

CHAPTER 25

Sa totoo lang, hindi po ako talaga master of kilig factor kaya please bear with me harhar.

 

Cleo’s POV

It hurts. Di ko alam na ganito pa rin pala kasakit ang makita siyang nasasaktan. I loved Ken, I loved him kaya’t hindi ko rin matanggap na sa ganito kami hahantong. Pero I have to move on with my life, and what I believe is a life without him. At alam kong siya rin ay dapat mabuhay sa isang lugar na wala ako at hindi ako ang kasama niya.

Nang maaninag ko na ulit ang kotse ni Ram ay pinilit kong ngumiti at pinalis ko ang mga luhang natitira sa pisngi ko. Alam kong nasasaktan ko na siya dun pa lang sa paglihim ko ng nakaraan namin ni Ken at ayoko na yung dagdagan pa, kahit pa sabihin niyang wala na yun sa kanya ay kita ko pa ring nasaktan siya sa pag-amin ko. But it’s okay now, maaayos rin ang lahat sa amin ni Ken. Darating din siguro ang panahon na magkikita kami at wala nang grudges sa isa’t-isa, just pure friendship and smiles.

Hindi pa ako nakakalapit ay nakita kong lumabas na si Ram sa kotse niya at tumakbo papunta sakin, engulfing in a comforting hug. I sighed and slowly circled my arms around his torso, feeling his warmth.

It felt like a million years passed with just him and me, I felt like I was in heaven just with his touch. Ang mabining pagbuga niya ng hininga sa may batok ko na nagdadala ng mumunting kiliti sa akin. His arms and hands that embraces me like it’s his last. I like it. No. I love it. And I love him.

Unti-unti siyang kumalas and he cupped my face with his hands kaya’t nakatingin ako nang diretso sa maamo niyang mukha.

“Nung lumabas ka ng kotse kanina, para ako masu-suffocate sa loob ng kotse. Hindi ko makaya ang mga naiisip kong maaaring hindi ka na bumalik, naisip kong baka hindi na ulit kita makita pa bilang akin. B-but you’re here, and I-I’m so thankful. I love you so much Labs. I love you and don’t forget that.” His eyes held so much emotion when he said that. His eyes are watery but he tries hard to hold it back.

Without a second thought, I gave him a peck in the lips and hugged him again.

“I love you too, Labs. And I hope it would already last.” I said while I’m squeezed on his chest. I can hear his heartbeat beating swiftly, as fast as mine.

-------------------------------------------------------

Nagising akong nakangiti, parang ito yung unang beses akong ngumiti na hindi labag sa buong loob ko. Yung ngiting alam kong dadalhin ko buong araw. Yung ngiting nagsasabing totoong masaya ako.

Sana’y dumating ang araw na maging masaya na rin gaya ko si Ken, alam kong mayroong taong makakakuha ng atensyon niya at makapagpapalimot sa kanya sa mga nangyari sa amin. Ito na rin ang tamang oras para ibalik ang dating Cleo, yung hindi puro drama, kundi yung palaging nakangiti at palatawa at ang kinaiinisan lang ay si Pamela.

I took my time in cooking my breakfast and readying to school. I want to lengthen this day badly dahil parang ito yung pinakaunang araw in the last two years na magaan na ang loob ko at wala nang kung ano pang nasa isip ko kung hindi ay si Labs. Masisisi niyo ba ako kung ang gwapo ng lokong yun? Haha

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Where stories live. Discover now