Back ✔

8.3K 173 36
                                    

Ram is Randell's nickname.

 

KENDALL'S POV

 

Isang taon na pala ang lumipas. And yet, ni isang beses eh hindi ako nagkaroon ng lakas na balikan siya. Sa buong isang taong inakala niya'y iniwanan ko siya't sinaktan, nandun lang ako sa malayo, nakamasid, nangungulila, nasasaktan.

Hindi manlang siya nagtanong, hindi niya manlang ako pinaglaban. But I know it's my entire fault anyway, pano niya nga naman pala ako ipaglalaban kung bigla ko siyang iniwan nang wala manlang clue kung bakit.

I had to do it, kailangan ko siyang hiwalayan dahil ayokong habang-----

"Ken, ano na? Aren't you getting ready for school already?" Sambit ni Ate Daph na hindi ko namalayang nakapasok na pala sa kwarto. Daig pa ang ninja.

"Kanina pa tapos Ate, nandyan na ba si Mang Pedring?" I asked.

"Yeeeeezzzzzzz.. So you better get your ass off of your bed and have your breakfast now." Sagot nito habang pilit na tinatayo ako sa pagkakahiga sa kama. Tinatamad talaga akong pumasok ngayon eh, kung hindi lang nga kay Ate ay hindi pa ako mag-eenroll ngayong school year.

"Okay, but in one condition." Saad ko at bigla namang tumigil si Ate sa paghila sakin paalis ng kama. Tinignan niya ako na parang tinitimbang kung o-oo ba siya o hindi.

"Tsk. K. And what is that mister?" Mataray na tanong nito na bigla namang nakapag-paalala sakin kay Cleo. Kay Yoyo ko. Bumakas ang lungkot sa mukha ko at hindi ito nakaligtas sa paningin ni Ate Daphne.

"Whatever you're thinking about now Kendall Ryan, dismiss it first, hindi yan maganda sa---"

"I know Ate, and I'm not thinking of him." Tanggi ko. "As a condition, can you please just let Mang Pedring drive you to work and let me drive to school myself?" I asked hopefully, umaasang madadala siya ng mga pakyut ko. Pero mukhang I'm not winning.

"No Ken. And that's final, you will go downstairs and we will eat together with Ram. Kanina pa nakaalis sina Mom at Dad. Bilis na't baka ma-late  tayong lahat." Then she stormed out of the door. Naiwan akong nakayuko taking a deep breath, one year isn't enough for them to forget I guess.

Wala akong nagawa kundi ang ayusin ang uniform kong nagusot dahil sa paghiga ko ulit sa kama ata agad na bumaba. Pagdating ko sa komedor eh as usual, masama ang tingin sakin ng ulul kong kambal. Hanggang ngayo'y hindi ko maintindihan kung bakit malayo ang loob niya sakin.

Before he went to America, siya pa rin yung Randell na bestfriend ko, yung Ram namin ni Ate, pero mukhang wala na nga yung Randell na yun nung bumalik siya galing US.

Hindi ko na lamang pinansin iyon at umupo na sa katabi ni Ate at nagsimulang kumain. Tahimik lang kaming tatlo, tanging mga kalansing lang ng kutsara't tinidor ang maririnig mo sa dining area. Hanggang sa mukhang di na yata kinaya ni Ate ang katahimikan at binasag niya ito.

"Ahm.. Hihi.. Diba malapit na ang Intramurals niyong dalawa? Anong events niyo?" She asked us, sounding sincere yet hesitant.

"Basketball." Sabay naming sambit na nagpatama ng aming mga paningin, pero agad rin niyang iniwas ang tingin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ahhhh.. He he.. Goodluck!" Saad ni Ate na sa wakas ay tinapos na rin ang usapan dahil nga sa sobrang awkward. Ganito kami every morning since June, habang tahimik na kumakain, magsisimula ng topic si Ate na agad ding matatapos dahil wala namang interesado, or mas tamang ayaw lang akong kausapin manlang ng kambal ko.

Pagtapos ng agahan ay agad nang tumayo si Ram at lumabas ng bahay, I heard na he's taking the jeepney to Saint Charles, yan pa ang isang pinagtataka namin ni Ate,  pwede siyang sumabay sakin pero hindi niya ginawa. And it made my sadness grew even more, nawalan na nga ako ng kasintahan, nawalan pa ako ng kambal.

I felt Ate's hands tapping my arm, I looked at her and she smiled.

"Just give him time Ken, maybe he really has his reasons, we just need to make him open up. We have to be patient dear." She said at bigla nang tumayo sabay kuha ng bag niya. "I'll go to work na, keep safe bro." Then she left.

Napabuntung hininga na lang ulit ako, here I am again, alone.

Tumayo na rin ako't lumabas ng bahay. Paglabas ko ng gate eh ready na pala si Mang Pedring kaya't sumakay na ako ng kotse.

"Nandito na po tayo Sir." Sabi ni Mang Pedring pagkatapos ng halos sampung minutong byahe. Nandito kami ngayon sa harap ng isang building kung saan nakatira ang mahal ko. Sa mga oras na ito, siguradong papalabas na siya.

Hindi nga ako nagkamali't ilang minuto lamang ang lumipas ay lumabas na sa building ang isang may kaliitang lalake na busy sa pagbabasa ng isang libro habang naglalakad. Hindi ako magkakamali, si Cleo yun.

Sa nagdaan eh hindi ako pumalya sa pagpunta dito para kahit sa malayo eh nakikita ko siya. Oo, ako na yung duwag, tanga, torpe. Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko kayang harap-harapan niyang sabihing hindi niya na ako mahal. Mahal na mahal ko siya at ayokong mas dagdagan pa ang sakit na alam kong hanggang ngayo'y dala niya pa rin.

Habang hinihintay kong makasakay ng jeepney si Cleo bago ako tumuloy sa school, I can't help but admire him.

Ang kyut talaga ng Yoyo ko lalo na sa suot niya ngayon, isang simpleng light blue shirt na may nakalagay na I Don't Care, I'm Fab matched by skinny jeans and blue pony shoes. Sa sobrang kakyutan niya ay gusto kong bumaba at yakapin siya nang napakahigpit.

Bigla namang sumasal ang dibdib ko nang napatingin siya sa may gawi ng kotse ko. Sana'y hindi niya napapansin ang araw-araw na pagtigil nito dito. Wala siyang makikita sa loob ng kotse dahil tinted ang salamin nito sa labas. Pero minsan ay parang mas gusto kong nakikita niya ako, para malaman ko naman kung ano nga bang magiging reaksyon niya sa muli naming pagkikita.

O_O

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Si Cleo?

Si Randell?

Magkakilala sila?

Why the fck did my twin kiss my love's cheek?

-----------------------------------------------

Olah!! Any conclusions of what happened to Ken?

Dedicated to Kluzeras dahil natuwa ako sa half-Japanese half-Alien na language niya HAHAHAHA Mwa :*


Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Where stories live. Discover now