Parents ✔

10.6K 229 10
                                    

I'm dedicating this to one of my favorite authors here in wattpad, si Ate @YorTzekai. Lahat na yata ng stories niya ay nabasa ko na and binabasa. Grabe ate Kai more power po para sa ongoing stories mo. Mwa :*

 

Cleo's POV

 (The Chen's Mansion)

"Ahmmm... dito na lang yung bahay namin, sige bye, thank you sa paghatid." Sambit ko sa kanya nang tumapat na kami sa bahay ko. Nang itigil niya ang kotse at tumingin sa akin ay agad kong nilihis ang aking paningin, naiilang na tuloy ako, ewan ko ba?! 

Siguro dahil 'to sa feelings something na na-feel ko kanina, pero I dismissed it immediately, siguro'y nababaliw na naman ako, masyado naman yatang maaga.

Nang wala akong marinig na kung anumang tugon mula sa kanya ay saka ko na binuksan ang pinto at aktong palabas na sana nang bigla niya akong pigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Taka ko siyang tinignan at..

Nabigla ako nang umusog siya palabas ng kanyang kotse habang hawak pa rin ang braso ko, ito na ba ang tinatawag nilang sparks? Yung parang kuryente na nababasa ko sa wattpad kapag nagkakadikit ang kamay o anumang parte ng katawan ng  dalawang tao? 

Kasi certainly, I think I'm feeling it right now.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay saka pa lamang ako parang nakarecover mula sa gulat.

"Hindi ka pa ba uuwi?" ako

"Nope. Di ba nga sabi ko gusto kong ma-meet ang future in laws ko? Makakalimutin na ba ang Mine ko? Kanina lang yun ah." Kunyaring nagtataka't nakangiti na namang sabi nito na parang iyon ang pinaka-obvious na sasabihin niya.

Hindi na talaga ako makasunod sa lalakeng to. Hindi ko na siya maintindihan. To think na isang araw pa lang kaming nagkakakilala, oh wait scratch that, almost 10 hours pa lang nga pala. -___-

At dahil nga mapapagod lang naman ako kung makikipagbangayan pa ako sa kanya, napabuntunghininga na lang ako at dumiretso na sa may gate at nagdoorbell. Hindi naman nagtagal at binuksan na ito ni Manang Fe. Siya ang mayordoma slash yaya ko since birth. She had been my second mother since medj busy si mommy sa work kagaya ni daddy.

"Oh anak, mabuti nama't nandito ka na. Nag-alala nga ako nang hindi ka nagpasundo kay Kanor, akala ko'y baka kung saan ka na naman nagsususuot bata ka!" napangiti na lamang ako sa kadaldalan ni Manang. Anak na talaga ang tawag niya sakin since I can't remember.

"Manang naman eh hindi na po ako bata hihi." At hinalikan ko siya sa pisngi, yan na talaga ang lambing ko kay Manang Fe. Hindi ko alam kung anong klaseng teenager ako ngayon kung hindi dahil sa kanya.

Ngumiti naman ito nang pagkatamis-tamis dahil sa yakap ko pero bigla naman iyong napalitan ng gulat nang makita niya si Kendall na nasa tabi ko nga pala. Shet nakalimutan ko. -__________-

Pinakilala ko na siya kaya lang ay pinutol niya ako "Ay manang si Kendall po pala, classmate—"

"future boyfriend niya po.." pagpapatuloy actually pagbabago ng gorilla sa sasabihin ko sana. Leche talagang lalake to! Siguradong makakarating kay Daddy ang tungkol dito, daldal pa naman ni Manang Fe huhuhuhu

"Ay ke gwapo naman pala nitong nabingwit mo 'nak, grabe wag mo na itong pakakawalan." Ang mapanuksong sambit sakin ni Manang. Hay naku sigurado sa mga narinig nitong gorilla na to ay lalaki na naman ang ulo niyan.

"Naku Manang hindi po tala---" at naputol na naman ako dahil...

"totoo po yon pramis, nandyan po ba ang Mom at Dad ni Mine este Cleo?" balewalang tanong ni Kendall kay Manang.. Sige.. suko na ko. Mananahimik na lang ako. -________- Sana wala sina mom at dad. *

"Aba'y oo nandito sila, hali na kayong dalawa't pumasok na. Pasensya na't nawili ako't hindi agad kayo napapasok hahaha." Hayssttt... Sa kasamaang palad pala'y nandito sina Dad, HUHUHUHU Sana nandito rin ang tatlo kong kuya para gisahin tong gorilla na to!

"Okay lang po manang, halika na po." At akmang sasamahan ko na siya sa pagpasok pero bigla niya akong pinagsabihan na si Kendall raw ang sabayan ko dahil siya ang bisita. Tss..

Padabog ko namang sinamahan papunta sa pinto at papasok si Kendall na kanina pa nakangisi. High yata ang  nakakaawang nilalang. Sarap buhusan ng mainit na tubig.

Pagpasok namin ay sinamahan na kami ni manang papunta sa sala dahil nandun raw ang aking loving parents.

Pagkakita ko palang kina Mom at Dad ay tumakbo na ako papunta sa kanila sabay yakap, oo, ganyan ako kalambing. Oh saan ka pa? Malambing na, maganda pa! Nuxx! Hahahahaha

"Oh baby girl nandito ka na pala." Masayang sambit ni Dad.

"Ay hindi Dad picture ko lang to HAHAHA" pag-joke ko at err, binatukan ako ni Mommy huhuhuhu

"Aray mom!" naka-pout at super sad kuno kong sambit habang sapo ang aking head. Kainis nemen eh!

"Eh kanina ka pa kasi diyan yakap nang yakap samin eh hindi mo pa pinapakilala yung boyfriend mong kanina pa nakatitig at nakangiti nang parang ungas sayo. Hala, papuntahin mo na rito nang magisa este makilala." Ay oo nga pala! Sa pangalawang pagkakataon, nakalimutan ko na naman si Kendall, tsk tsk tsk, kailangan ko na talaga ng Memory Plus Gold.

Pinapunta ko na nga rito at pinaupo sa sofang kaharap ni Daddy si gorilla, bahala siya diyang magisa! Siya may kagustuhan hahahaha

"Ahmm.. Mom Dad si Kendall po, classmate ko. Hindi ko po siya boyfriend ah." Oo na defensive na pero kese nemen eh!! Ang kulit pa naman ni Dad.

Pero nang tingnan ko silang dalawa ni Mom ay halata ang di paniniwala rito. Grabe sila oh! Lagot ako neto!

"So mister Kendall, may you introduce yourself?" Ano ba to si Daddy! First day of school ang peg?

"I'm Kendall Ryan Foyer, 16 years old and a classmate/soon to be boyfriend ng anak niyo." Confident na saad niya na sobrang nakapagpanganga sakin. WHAT THE HELL? SERYOSO TALAGA SIYA???

Nang tingnan ko naman ang reaksyon ng mga magulang ko ay lalo akong nanlumo dahil parang mas sumaya pa ito.

"Wow, that's the spirit. Push mo yan!" si mom talaga pabagets! May pa-push push pang nalalaman! And talagang di siya tutol ah?

At oo nga, kahit si Daddy ay hindi rin tutol dahil ngayon ay nagtatawanan na sila ni Kendall at kung anu-ano na ang napag-usapan. Haysssssssstttt.. Kung trip trip lang to ng gorilla na yan, pramis, ang galing niya talaga.

Dahil hindi ko na kinaya, hinatak ko siya palayo sa mga magulang ko tungong kusina at kinumpronta.

"Ano ba tong kalokohan na to ha Kendall? NBSB ako kaya wala akong alam sa mga ganito. Isa akong mangmang! Kung trip trip mo lang to, tigilan mo na dahil ako, ayokong masaktan nang sobra dahil sa pag-ibig lang. Ayoko. Ayoko!" matapang kong kumpronta sa kanya

"Okay okay," nawala na rin ang happy aura niya at naging seryoso na ito, "I'm not playing games Cleo okay? It's just that I don't know if it's love at first sight or something above or even below. I, I can't explain clearly but I'm really serious." Saad niya.

"Pero kakakilala pa lang natin, and I don't believe in love at first si----

Di ko na natuloy ang sinabi ko dahil for the first time in my fifteen years of existence, I was kissed in the lips, by a person I had hardly known for like 11 hours ago.

Shit. Why am I liking this?

And another shit! Why am I kissing back?

---------------------------------------------------------------------




Naku naku naku! Ang babata pa naghalikan na! Char. Hahahaha Don't forget to share your thoughts about this chapter guys!



Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon