23: HEARTNAPPER

5.9K 148 40
                                    

Ram’s POV

How could I become this surprised anyway? May hinala naman na ako noon pa na naging sila diba?

Oo may hinala nga ako. Pero I never expected that it was true. H-hindi ko manlang nahalata sa buong hapunan na may nakaraan pala ang kambal ko at ang boyfriend ko.

Kung hindi pa ako naihi at nainip kakahintay kay Cleo na lumabas ng CR eh hindi ko malalaman ang lahat.

*FLASHBACK*

Ang tagal naman lumabas ni Labs. Na-flush na kaya yun sa toilet bowl? Tsk.

“Dad punta muna ako sa CR. Tagal ni Cleo eh.” I told Dad, who just nodded in agreement at tumuloy na nga ako.

Habang papalapit ay may narinig ako shuffling sa loob ng CR. Nasa loob pa nga talaga siya. I was about to open the door when I heard Cleo shout.

“Who do you think you are para halikan ako ah?!” 

I was shocked, but my instant reflex was to open the door and kill whoever kissed my love, but as I was about to, I heard a familiar voice which made me silently gasp.

“I-I’m sorry Yoyo ko. I-I was---“ sabi ng isang boses, and I could never be mistaken, it was Kendall.

 I was stunned and I can’t move. Parang namanhid ako bigla sa katotohanang matagal ko nang naisip ngunit di ko pinansin. M-my twin j-just kissed my boyfriend and h-he is calling him with an obvious endearment.

It didn’t take long until I heard a loud snap, making me wince. It looked like sinampal ni Cleo si Ken. Gusto ko mang makialam na sa loob at tigilan sila dahil nasasaktan na ako, mas pinili ko pa ring sundin ang kuryosidad ko at ang kagustuhan kong malaman kung ano nga ba ang dapat ko nang nalaman noon pa.

“Wow. Sorry? Clap Clap! Ang kapal naman ng mukha mong tawagin ako sa ‘ENDEARMENT’ mo sa akin nung mga oras na hindi mo pa ‘ko iniiwan noh? Ano yun? Pagkatapos ng lampas isang taong pang-iiwan mo eh hahalikan mo ako at tatawagin mo akong ‘Yoyo ko’? Gago ka ba?! HA?! ALAM MO BA LAHAT NG PINAGDAANAN KO DAHIL SAYO!?!?”

Ang boses ni Cleo ang nagpasakit pa lalo ng damdamin ko. Parang halo-halong emosyon ang nasa loob ng lahat ng sinabi niya. Galit, poot, lungkot, awa, yan ang naulinigan ko sa paraan ng pagsasalita niya. I know he’s crying and it made my heart burst to pieces. How can my brother hurt such perfectly good guy? Screw him for that!!

“A-alam ko alam ko. And I’m really sorry. Let me explain Yoyo ko please. Please.” I was hesitant if I’ll continue listening or I’ll burst open the door and get what’s mine. Now the hurt is replaced with anger and rage. But I think this is not the time to fail my anger management. I have to keep calm. I have to know more, my head wills me to, pero ang puso ko parang hindi na kaya that’s why I silently left the place back into the garden.

Pagkakita sakin ni Dad ay kumunot ang noo nito, kaya nama’y pinilit ko ang sarili kong ngitian siya.

“O son, what’s wrong? Asan si Cleo? Si Ken ba nakita mo?” Tanong niya and suddenly, parang wala akong maisagot sa kanya? Would it be bad if I’ll say na nakita ko lang naman ang kambal kong hinalikan ang boyfriend ko?

Yes it is, and fuck it I want to punch anything.

“A-ah nasa CR pa po si Cleo eh. A-and di ko po nakita si K-kuya Ken.” Sambit ko nang nakayuko sabay tungga ng beer. Dad just gave me a weird look then nodded while saying that he should go ahead dahil may pasok pa siya bukas.

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Where stories live. Discover now