Strange ✔

11.5K 271 12
                                    

Cleo's POV

(CURRENTLY SITTING ON A WOODEN BENCH IN POKESA ACADEMY)

"Saan tayo pupunta beks?" tanong ko kina Yhannie, Kim, at Klei. As usual, parang timang na naman si Yhannie habang nakatunghay at pipindot pindot sa cellphone niya. And mind you, iba ang lalakeng kausap niya from kanina. Ganda diba? 

Si Kim naman, busy mag-twitter sa ipad niya, rich kid amp! 

At syempre libro naman ang hawak ni Klei, di ba siya nababanas kahit konti sa mga libro niya? Kalabo lang yan ng mata! Chos. Ayaw ko lang talagang nagbabasa, mas maganda ang movies!!

Uwian na kasi ngayon and actually, I don't feel like goin' home pa. Magtatanong na naman yan si Daddy kung kumusta na raw ako at ang boyfriend ko, well, imaginary boyfriend kasi nagfi-feeling lang naman si Dad na may boyfie na ang only daughter niya. Like duh! Nauna pa niyang nalaman na may boyfriend ako kesa sakin??? -_____________-

"Ahmmmm.. What about sa Martilyo Bar?" biglang na-excite si Yhannie sa idea na naisip niya, pero kami nina Kim at Klei ay tiningnan lang siya nang matalim, then he got it na.

"Okay okay.. chill mga beks. Malay niyo kasi makalusot eh. Huehuehue (^_^)v" peace peace pa tong Yhannie na to pektusan ko siya eh! 15 pa lang kami pero gusto niya bar agad? Next year na lang. :3 HAHAHA jk

"Eh sa National Bookstore na lang kaya, I have to buy my hunger games and fifty shades of grey trilogies." Natigagal naman ako sa suggestion ni Klei, hindi dahil ayaw kong pumunta sa NBS o allergic ako sa libro, kundi dahil FIFTY SHADES OF GREY daw? Nakung baklita to hindi kaya bagay sa mukha niya ang ganung books!

"Sigurado ka na diyan sa fifty shades mo beks? #eeeewwieee!" kung maka-eeeww naman si Kim parang di niya inabangan at pinagpuyatan ang movie adaptation nun.

"Eh sa maganda raw ang story eh saka hindi lang naman yun puro bed scenes, mga 70% lang."

O_O 70% LANG? nila-LANG LANG niya lang ang 70%?

At dahil hindi ko na kaya ang mga idea nila, ako na ang nag-suggest.

"Alam niyo gurls, uwi na lang tuloy tayo. May lima pa pala tayong assignments." Mas maganda ang suggestion ko diba?

"Sa tingin ko tama ka nga beks, 'ge we part ways na byeeee!! #mwax!" at sumibad na ng alis si Kim papuntang pink mini cooper niya. Tss rich kid talaga ang bakla! Ako walang sariling kotse kaya hatid sundo ang peg ko hihihi

"Bye na rin baks mwa!" at umalis na rin sina Klei at Yhannie, sabay silang nagko-commute, ewan ko ba ang yayaman rin nyan pero ayaw sumakay sa kotse.

Tumayo na rin ako at nagsimula nang maglakad papunta sa gate ng school, na-text ko na rin si Mang Kanor na magpapahatid na ako. Tutal wala naman na akong kasama, uuwi na talaga ako.

Habang naglalakad ay naalala ko na naman ang mga nangyare kaninang umaga lang. Kakaiba talaga ang Kendall na yun! Hinalikan niya ako sa pisngi for god's sake! Tulaley pa nga ako nung recess eh at di naman tumigil sa kakatukso ang tatlo. Eh sila na lang sana ang nagpahalik sa lalakeng yun para wala akong problema! Ewan ko ba! Inis na inis ako sa paghalik niya sakin pero may side ding parang gusto pa ng halik sa kabilang pisngi, ang landi talaga ng utak ko. Haysttt..

Kaya nga simula nang nagstart ang recess ay di ko na siya pinansin (as in wala talaga like super duper) hanggang ngayon ngang uwian. Bahala siya! Ang important kaya ng kiss sakin kasi it symbolizes love, and parang nalabag ko yun kasi hindi ko naman siya love pero nahalikan niya ako. KABANAS! Pasalamat siya pogi siya!

"Uy bakit parang inis na inis ang mukha ng mine ko?"

"Ay kabayong kita yagbols!" Napaigtad ako at napasigaw dahil sa gulat. Tinignan ko kung sino ang nagsalita at shet. Si Kendall pala. -_________-

Tawang-tawa pa ang loko dahil sa pagkagulat ko. Naku kahiya-hiya pa naman yung nasigaw ko! To think na nakatigil na kami rito sa harap ng gate, please Mang Kanor bilisan mo na ang pagpunta ditey!

Sinamaan ko siya ng tingin at sa wakas ay tumigil na rin siya sa pagtawa at iminwestra pa ang dalawang kamay na parang nagsasabing suko na siya. Ay? Ano ba ako? Holdaper?

"Whut?" Mataray kong tanong with matching taas kilay to the tenth floor. Para kilos maganda.

"Wala naman, tinatanong ko lang kung bakit parang inis na inis ang mukha ng Mine ko." Nakangiting sabi nito. Bakit kaya parang lagi itong good mood? Try ko kayang inisin.

"Simple, 'cause a gorilla is blocking my way." Matter of factly kong sagot, kasi naman ni-block niya talaga ang katawan niya sa dadaanan ko.

Inaasahan kong maaasar siya sa tinawag ko sa kanya, pero ayun! Natawa pa!

Syempre'y hinayaan ko muna siya sa kanyang kaligayahan, kulang na lang kasi ay lumuha sa sinabi ko. Actually, guys may nakakatawa ba sa sinabi ko? Arghh!

Nang  maka-recover na ay nagsalita na rin siya, "Ako? Gorilla? Ang Greek God na to mukhang Gorilla? Eh kung Gorilla ako eh ano ka na pala? Palaka? HAHAHAHA" Wow naman! Ako? Palaka? Punyatera siya sa ganda kong to?

Agad gumuhit ang inis sa mukha ko dahil sa sinabi niya, hindi ko inasahan na ako pala ang maiinis sa pinagsasasabi nito. Nagbackfire pa tuloy yung plano ko.

"Hmmmpp! Sa ganda kong to? Like d to the u to the h mister, OP ako sa lahat ng mga tao rito sa campus kasi lahat sila gwapo't magaganda, tapos ako, ako lang naman ang natatanging DYOSA!" Take that!

Umakto naman itong nasusuka sa sinabi ko. Grrrr!! Pasukahin ko kaya talaga siya ng lahat ng kinain niya?

"Wow naman Mine grabeng self-esteem na yan. Di na makatotohanan." Siya

"Same to you and please lang ah stop calling me mine! Nakakabanas." Sabi ko pero siya? Parang wala lang, yung aktong parang walang narinig. Tsk.

"Anong sabi mo Mine? Gusto mong ihatid kita pauwi? Sure!"

WTF! Ni wala sa isip kong magpahatid sa kanya tapos sasabihin ko pa? NEVER EVER EVER!

"Excuse you anong sina---"

Hindi ko na natapo ang sasabihin ko dahil hinatak na ako nito papuntang parking lot.

"Bitiwan mo akong gorilla ka I can sue you with kidnapping, well, gorgeousladynapping!" inis kong sigaw sa kanya habang pinagsususuntok ang kanyang biceps na ang tigas. Okay hindi biceps niya ang topic ngayon. Dismiss thought!

"Wag ka nang magpumiglas Mine, ihahatid lang naman kita eh, para naman makilala ko na ang future parents in law ko." Sagot nito na pangisi ngisi pa. Hindi ko siya maintindihan actually, para siyang tanga! Kakakilala pa lang namin pero eto na siya, feeling boyfriend!

At dahil napagod naman na ako kakapumiglas, nag-go with the flow na lang ako. Tinext ko si Mang Kanor na wag nang tumuloy dahil may hahatid na nga sakin. Kung sakali mang mamamatay-tao itong halimaw na 'to, meron naman akong pepper spray. 

Pagsakay namin sa kotse niyang Mercedes Benz ay nanahimik na lang ako. Na-drain yata ako sa bangayan namin kanina. Haysssstt.. Akala ko pa naman dahil inignore ko na siya kaninang after recess hanggang uwian ay titigil na siya, pero eto siya't ihahatid pa ako sa bahay.

"Ano ba talagang pakay mo Kendall? Yung totoo?" seryoso ko nang tanong sa kanya, minsanan lang akong magseryoso kaya kapag di siya sumagot nang seryoso rin ay pektos siya sakin.

Tinignan niya lamang ako at nginitian bilang tugon. Ewan ko pero parang may ibig sabihin ang mga tingin at ngiting yun. And for the first time in my life, I felt a strange feeling na parang ayokong mag-bloom deep within me.

This slope is definitely treacherous.

---------------------------------------

Any thoughts?



Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon