Close ✔

7.8K 166 17
                                    

Kendall's POV

I'm damned. Never have I imagined that one day, I would see my twin brother kissing my ex-boyfriend. It was unexpected, though I know that they're studying in the same school, wala naman akong kaalam alam na magkaklase pala sila, worse, sa lahat pa ng subjects.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, hindi na ako pumasok dahil wala rin lang naman sa pag-aaral ang atensyon ko. Kung napapansin niyo, nasa Grade 10 pa rin ako. Why? Kasi---

*vibrate* 

I fished my cellphone out of my pocket and looked at the caller. Napabuntung-hininga na lamang ako dahil mahaba-habang sermon na naman 'tong aabutin ko.

"Yes Ate Daph?" I said, trying not to sound tired or exasperated dahil masyado pa naman itong mapagtanong.

"Wala naman. Nakainom ka na ba ng gamot mo? Remember, kahit na okay ka na, mas ma---"

I interrupted her by saying, "Oo na ate I know. Sige na, I'll hung up, paparating na si Sir."  Syempre nagsisinungaling lang ako dahil nasa bahay nga lang ako habang nakapalumbaba sa sahig, ganito talaga ako pag-stressed, isa sa mga bagay na pangantyaw sakin ni Cleo ko.

Yoyo ko.

"Wag mo 'kong pinaglololoko Kendall Ryan! Alam kong bumalik ka rin diyan sa bahay pagkatapos ng little 'detour' mo." Natahimik naman ako dahil sa sinabi ni Ate, alam na alam niya talaga ang mga nangyayari sa akin at ang mga pinaggagagawa ko, well, what would you expect of the future CEO ng FOYER Group of Companies.

"Ate naman eh! How could you spy your own little brother?" I tried averting the topic, but it seems that she's still into it.

"Alam mo Ken, mahal na mahal ko kayong  dalawa ni Ram like how Mom and Dad loves you kaya naman gusto ko lang na lagi kayong okay. I mean, walang kaso sakin kung mahal mo pa rin si Cleo dahil in the first place ay boto ako sainyong dalawa, he's even a very good boyfriend to you, pero you have to take it slow, considering the fact that for him, you're the one at great fault." Mahaba niyang litanya na nakapagpagaan ng loob ko, mas lalo tuloy akong nabuhayan ng loob na muling suyuin si Cleo, but still, there's one big problem, RANDELL.

"Ahmm.. Thanks sis. Pero ahmmm.. Si Ram kasi eh, ala—" –ako

"Actually, matagal ko nang alam na magkaklase sina Ram at Cleo, but I didn't know that maybe, just maybe, Ram is falling for your ex." Nagulat naman ako dahil nagmukhang mindreader si Ate, pero mas nagulat at nasaktan ako sa posibilidad na nahuhulog o nahulog na nga ang kambal ko sa mahal ko. Yan ang pinakamahirap sa pagmamahal eh, yung magmahal kayong magkadugo ng iisang tao lang. Hindi ko magawang magalit sa pagtago sakin ni Ate ng katotohanan dahil alam niyang wala naman itong magagawang kung ano sakin, well, meron na ngayon.

"I know what you've seen earlier this morning" pagpapatuloy niya "I just managed to pass by when I saw the scene, at first I thought it was you but then I saw that it's Ram who's wearing a red tribal shirt. Then that's when I saw your car parked nearby, I know you're there looking at them."

"Yun na nga Ate eh. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Oo, blood is thicker than water pero hindi ko naman kayang basta na lang isuko si Cleo. Akala niya'y isinuko ko na siya noon and that's what I want to prove him wrong! Hindi ko ibibigay sa kanya si Cleo, masyado ko siyang mahal!" Hindi na kinaya ng emosyon ko at naibato ko pa yung vase sa may pinto ng CR, sa lakas ng impact ay umabot ang bubog mula doon hanggang dito sa kama.

"Kendall please kumalma ka, I'll talk to Ram later, wala naman kasi siyang nababanggit sakin tungkol sa feelings niya kay Cleo eh, saka we shouldn't jump into conclusions. Geh bye na I'm having a meeting in a minute." Then she hung up.

Tama nga naman siya. Wag muna dapat akong mag-jump into conclusions, yet sino ba naman ang hindi magdududa sa ginawa ni Ram kay Cleo?

I tried pushing it out of my mind at  humiga sa aking kama hanggang sleep overtook me.

Nagising ako dahil sa malalakas na yabag galing sa labas ng kwarto. Right, nandito na si Ram. I was battling with myself whether to talk to him about it or not.

I looked at my watch and it's already 5 in the afternoon, ang haba rin pala ng tulog ko. Umunat unat muna ako bago napagdesisyunang kausapin na nga ang aking kambal. He can't have Cleo, he's mine. I love him so much.

Nang malapit na ako  sa kwarto niya ay naulinigan kong parang may kinakausap ito sa phone. Mas lumapit ako at nakita kong bukas pala ang pinto. Ipipihit ko na sana ito tuluyan pabukas nang marinig ko ang sinasabi niya sa phone.

"Oy panget wala yata ako bukas eh. Namumula ang mga mata ko. May sore eyes yata ako eh." Yan ang narinig kong sabi ni Ram sa kausap niya. Nakangiti pa ito at naghuhubad ng sapatos niya, sana lang ay hindi si Yoyo ko ang kausap niya.

"Hindi mo ba ako bibisitahin Cleo? I need care. HAHAHA" Kapagkuwan ay sabi nito na nakapagpatigil sa mundo ko. Sht. It's Cleo.

Tumalikod na ako at bumalik sa kwarto. I think I know what I should do. Well, believe me, I think it won't be anywhere easy.

--------------------------------------------------------------

"Take. It. Off." He looked at me with the kind of look he always gave me when we were in our little fights about little things. I never thought na he would still find me out. And I think I have no remaining resort but to take off these stupid sunglasses.

I slowly take off the glasses, hindi ko alam kung ano ang kalalabasan nito, pero sana'y maniwala pa rin siya sakin, sana'y napatawad niya na ako. Sana'y handa siyang magsimula ulit kasama ko.

Nang tuluyan ko nang natanggal ang eyeglasses ko ay napatitig siya sakin. Napakatagal, isa, dalawa, tatlo, apat na minuto lang kaming nagtitigan. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, naghahalo na ang kaba at takot sa loob ko dahil any minute now, pwedeng hindi ako makalusot.

"U-umupo ka na, R-randell." Napabuntung hininga ako sa aking isip dahil hindi niya nahalata. Naglagay din kasi ako ng contact lenses na kasing kulay ng mata ni Randell, in case of emergency, which I'm thankful na naglagay nga ako. Pero I know I wouldn't fool him long enough dahil kapag nagtanong siya kay Ram tungkol sa mga pangyayari ngayon ay siguradong wala yung alam.                     

"I said upo na. Sorry pala ha. Akala ko kasi si Kendall ka eh." Napangiti naman na ako nang makita ko kung gano ito nahiya sa inasal niya. Nakayuko ito at halata mong namumula dahil kahit tainga nito ay para nang kamatis ang kulay. Hayyyyy Cleo ko, wala ka pa rin talagang pinagbago.

"Wala yun." At umupo na rin ako sa harap niya at nagsimula na kaming kumain. "Pero curious lang ako, bakit ka nga ba talaga galit na galit sakin este kay Kendall?" Shuta muntik na ko ah!

Tumingin naman ito sakin na parang nagtataka. Sht. May mali ba akong nasabi?

"Diba nagtanong ka na niyan sakin dati?" –siya

"Aaahh... Ehhh.. Haha oo nga noh? Sorry ha nakalimutan ko eh. Hehe." Nasabi ko na lamang dahil baka mas lumala pa ang sitwasyon.

"Ahhh... Okayyy.." sabi nito.

Cleo's POV

I really thought it was him. Pero hindi pala, akala ko'y sapat na ang pagkaalam niya ng destinasyon naming ito (which was secret lang naming dalawa) para masigurado kong si Ken siya. Pero hindi pala, mali na naman ako. Kainis!

"Ahm Randell, may gusto sana akong itanong sayo." This is my chance. #4 AJA!

"Ano naman yun?" Nakangiti nitong tugon na muntik na namang makapag-hinala sakin na si Ken nga siya, pero I stopped myself kasi talagang magmumukha na akong baliw sa kanya.

"Ahmm.. Di ba nga galit ako kay Kendall? Well, hindi naman masyado, pero ahmm.. Nawala na lang kasi yun bigla eh. Ano bang nangyari sa kanya?" This is it. This is it. Keber lang. Push ko na to teh!

Sana nga lang ay kayanin ko kung anuman ang aking maririnig.

-----------------------------------------------------

CUT! HAHAHAHAHA Hello dedicated po kay @JayceeLMejica at sa mga kaklase niyang nagbabasa rin neto eto lang nakayanan ko sorry hihihi mwa 


Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon