20: COMPLEKETED

7K 150 23
                                    

Randell’s POV

Pagkahatid kay Cleo sa bahay nila ay dumiretso na rin ako sa bahay, kailangan ko pa kasing ipaalam sa kanila na makikilala na nila ang pinakamamahal kong si Cleo. Grabe si Labs! Kanina kung makapagsabing magbihis ako eh nadakip ko namang nakatitig sa hot kong katawan hehe

Parang kailan lang nang ulit-ulit kong pinapagalitan ang sarili ko dahil ayokong madevelop pa lalo tong feelings ko sa kanya. Bago to sakin eh. I’ve never loved a gay before. At sa tingin ko ay talagang mahirap maghandle ng isang relationship na mali sa mata ng lipunan. But I can’t help it, the more I drew farther, the more I fell harder.

Hanggang sa dumating yung time na nakikita kong parang wala namang silbi ang pagdidiscard ko ng feelings ko. It was like trying to not eat your favorite food when it was well-served in front of you. Mas lalo ko pang napag-isipan yun nung isang araw, yung sinabi ni Ate Daph na kilalanin ko muna si Cleo. Maybe tama siya, but I opposed to it dahil mas naniniwala ako sa Cleo na nakilala ko na nang tatlong buwan. Yung Cleo na mataray, mahilig mangbatok at maingay ngunit napakabait at palangiti. I love his smile so much, parang lumiliwanag ang buong paligid kapag ngumingiti siya. Hindi ko alam pero natutulala ako lagi kapag ngumingiti siya, ang ginagawa ko na lang para hindi niya ako mahuling nakatunghay eh bigla kong iniiwas ang tingin ko at ifo-focus sa iba ang atensyon ko.

Hindi ko pa alam nun kung nahahalata niya ba ako, but what made me very happy was when I finally had the courage to confess, hindi naman ako nabigo. Honestly, I’m very much willing to court him and I don’t want our relationship  (if ever) to be kept secret. Labis yung tuwa ko nang malaman kong he felt the same. Since then, hindi ko na siya tinantanan kaya nama’y parang nakahalata na ang mga kaibigan niya at pinagtulakan ako palayo.

Nang  malayo ako sa kanya ay may naisip akong plano. What if we go to a date? But I’m not the kind of guy who goes for ordinary dates for a very special someone. Kaya naman I called Ate Daph and I’m glad that she agreed with my plead.

Nang matapos na ang preparations ay kinuha ko agad si Cleo at binagtas namin ang daan papunta sa lugar nang mas maaga dahil malayo-layo iyon. Inis pa nga siya sakin kasi’y bad influence daw ako at pina-cut ko siya ng klase niya. I just smirked and told him na okay lang yun dahil siya naman nga ang bad influence sakin eh, kung hindi siya ganyan ka-attractive at kabait eh hindi ako magiging ganito ka-cheesy.

And guess what kung anong nakuha kong reply sa kanya? Anu pa, eh di BATOK! Hayyy.. Akala ko pa naman eh masi-sweetan siya sakin at iki-kiss niya ako, kaya lang ay may sanib yata talaga itong si Labs at walang karoma-romantiko sa katawan. -_____-

But nonetheless, I enjoyed our very ‘green’ date. And I know he is too. According kasi sa mga friends niyang sina Kim, Klei, at Yhannie, mahilig daw sa greenery at forests si Cleo that’s why I really opted to bring him to the place.

Nang makapark na ako sa bahay ay narinig ko na ang mahihinang kalansing ng silverware at pag-uusap. Nasa komedor na sila.

Agad akong pumunta sa may dining hall at nakita kong kakasimula pa lamang pala nila.

“Oh Ram, nandito ka na pala. Sit down and join us.” Said Dad, he was always formal, but I knew deep in his heart that he loves this family. Si Dad ay Fil-Am at hanggang ngayon ay makikitaan mo pa rin ng kakisigan kaya nama’y hindi na talaga ako nagtaka kung bakit ako ganito kapogi. *smirks*

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Where stories live. Discover now