Patuloy na bumaba ang labi ko sa tiyan niya hanggang sa puson ngunit napahinto ako. Napahinto sa pagkamangha. Iniangat ko ang mukha ko upang silayan si Michael. May pagnanasang bumakas sa mga mata niya.

Nasasabik ako kasabay ng agam-agam. Handa na ba ako?

Pinanatili ko ang kumpyansa. Hinimas ko ang pagkalalaki niya. Matigas ito na malambot. Bakit ganoon? Matigas kung pisilin ngunit malambot ang panlabas na laman.

Tinanggal ko ang sinturon niya't hinubad ang pantalon niya. Mas lalo kong nasisipat ang nakaumbok sa pagitan ng hita niya kahit natatakpan ng boxer shorts. Ayaw ko nang patagalin pa. Ibinaba ko ang salawal niya at nagulantang ako sa pagtindig ng alaga niya. Kumikislot-kislot pa!

Hindi ko alam kung bakit bahagya akong nadismaya. Hindi ko naiwasang maikumpura ang pagkalalaki niya sa ari ni Spencer. Mas malaki ang kay Spencer.

Napalunok ako.

Hinigit ni Michael ang magkabilang balikat ko, iniangat ako sa puwesto ko at itinabi ako sa kanya. Nakasubsob ako sa dibdib niya.

"'Wag mo munang pilitin kung hindi ka pa ready," aniya. Itinaas niya ang boxer niya saka ako niyakap.

Naramdaman ko ang paghagkan niya sa ulo ko. Ayaw niya ba? Kaya ko naman, eh. Ready o hindi, gagawin at ibibigay ko ang lahat para mapasaya siya. Hindi kaya dahil pagod lang siya ngayong araw? Kunsabagay, ang daming nakaka-stress na pangyayari nang nagdaang araw. Magpapahinga na lang kami kung iyon ang mas kailangan. Next time na lang. Kahit nakakapanghinayang.

NAGISING ako sa malakas na pag-ring ng phone ko. Napakusot ako sa mata kong hindi pa dumidilat. Kumapa ako sa tabi ko saka ako tuluyang nagising nang mapagtantong wala na sa tabi ko si Michael.

Napalatak ako at padabog na kinuha ang phone sa side table at sinagot ang tawag.

"Hi, Ami," bungad ng nasa kabilang linya.

"Sino 'to?" gagad ko.

"Spencer."

Nanlaki ang mata ko at napabangon paupo ng kama. "Paano mo nakuha ang number ko?!"

"Paano mo nakuha ang number ko? Ikaw ang unang tumawag. So I just saved yours."

Wala siyang kopya ng number ko at ganoon din siya sa akin noong tumira ako sa bahay niya. Nakuha niya siguro ang phone number ko nang tawagan ko siya para kay Hina.

"Bakit ka tumawag?" inis na tanong ko.

"I have lots of activities I skipped because of the few weeks suspension. You're the only one I think of who could help me. If I don't pass the requirements early, I may fail some of my subjects and may not able to enroll next semester."

Marahas na napabuga ako ng hangin. "Fail agad? 'Di ba pwedeng malaki lang ang ibababa ng grades mo? Unless kung tatamad-tamad ka. Puro kalibugan lang yata ang alam mo, eh."

"Please. I rather choose to have low grades atleast I pass."

"Ako lang ba ang makakatulong sa 'yo. Wala ka bang mga kaibigan?"

"Ofcourse, I have, but they can't help."

Napaikot ko ang mata ko. "Bakit hindi ka magpatulong sa mga babae mo?"

"They 're idiots."

Sarkastiko akong napatawa. "Ang lakas makapang-insulto, ah."

"I'm not insulting them. I'm describing them."

Kunsabagay, katawan lang ang meron sila, mga walang utak. Puro kalandian ang alam.

"'Wag ako," pagtanggi ko. "Hindi kita tutulungan."

"Sino 'yang kausap mo?"

Papitlag na napabaling ako sa pinto at mabilis na binaba ang phone. Nakasandal doon si Michael—nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip.

"Ahmm... w-wala."

"Sino nga?" pilit niya. Nasisilayan ko pagdududa sa mukha niya.

"M-mama ko."

Lumambot ang mukha ni Michael. "Anong sabi?"

"P-pinapauwi na ako." Napaiwas ako ng tingin. Nag-uumpisa na naman akong magsinungaling.

"Kailan ka babalik sa kanila?"

"Hindi ako babalik sa sa bahay kapag nandoon pa ang asawa niya."

Lumapit si Michael sa akin. "'Asawa niya?' Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa tatay mo?"

Naikuyom ko ang kamay ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang gagong 'yon. Sinira niya ang pamilya namin. Ang lakas ng loob niyang manatili dahil alam niyang hindi siya kayang pakawalan ni mama.

"Anyway, Ami, nakahanda na ang almusal. Kumain na tayo para gumaan ang pakiramdam mo."

Pinilit kong ngumiti at sumabay na ako sa kanya sa almusal.

ExhibitionWhere stories live. Discover now