Chapter 14

6.9K 293 3
                                    

Nakamasid lang si Pio sa reaksiyon ni Vilma. Nakayuko ito, nakasawsaw ang mga kamay sa batya kahit wala itong kinukusot—kanina pa nito nabitiwan iyon. And how he wished she would straighten up her body because the view of it, particularly her breasts, were waking up his senses.

And it was surprising him—the bad kind of surprise. Sa lahat ng babae sa mundo, sa babaeng ito pa nabuhay ang dugo sa katawan niya. This woman, whom he had unreasonably disliked for years.

But what kind of a man wouldn't enjoy the sight of those lovely and proud breasts? Especially when she did not seem aware she had such wonderful breasts? Ilang tula kaya ang maaari niyang maisulat patungkol sa mga iyon? Not that he would even try and write about her.

Nabigla rin siya nang makita niya ito roon. Hindi niya iyon inasahan. Ni hindi na niya inasahang makikita pa niya ito kailanman. Habang-buhay na mananatiling masama ang alaala nito sa isip niya. Siyempre ay may mga panahong nalimot niya iyon, bagaman nitong nakaraang limang taon ay muli at panaka-nakang nanumbalik sa kanya. It was a fleeting feeling of displeasure, not really hatred. Hindi iyon sapat para mapanghawakan niya sapagkat hindi rin niya kayang tanggapin na nakakaramdam siya ng ganoon para sa isang aktong ginawa ng isang musmos.

Nangyari iyon noong mga panahong napakabata pa ni Vilma. Gayunman, sa likod ng isip niya ay batid niyang kahit paano ay may isip na rin ito noong mga panahong iyon. Sa ganoong edad niya ay mulat na mulat na siya sa buhay, lamang mahirap para sa kanyang ikumpra ang sarili niya rito sapagkat lumaki itong maalwan, kumpara sa kanila ng kanyang ina.

At aminado siyang nang makita niya itong muli na nagsisilbi na para sa kanya ay mayroon din siyang nadamang panghihinayang, marahil bilang isang taong umasa ring kahit paano ay magiging maayos ang buhay ng isang kababata—kahit pa ang kababatang iyon ang naging dahilan kung bakit sa isang banda ay nasira ang lahat ng plano niya sa buhay.

Muli niyang ipinaalala sa sarili niyang kabaliwang sisihin ang babae sa nagawa nito noong bata pa ito. May pait lang sigurong nanatili sa puso niya dahil sa kinahinatnan ng buhay nila ni Blessilda. Ah, ilang ulit ba niyang sasabihin sa sarili niyang dapat na niyang tantanan ang paninisi sa kung kani-kanino.

"A-asawa mo si Blessilda?" si Vilma.

"Oo," tugon niya. Hindi na nito kailangang malaman na limang taon na silang hiwalay ng babae. Dating asawa ang mas tamang itawag ngayon kay Blessilda. American citizen na ito noong nagpakasal sila at nagsama sa loob ng isang taon. She divorced him after that.

Hindi niya maiwasang isipin na kung sana ay natuloy ang pagtatanan nila noon ni Blessilda ay naiba ang takbo ng buhay nila. Marahil ilan na ang anak nila ngayon. Ang buong mundo niya ay bumagsak noong gabing dumating si Vilma sa likod ng simbahan.

Nag-aral siya sa Maynila, namasukan sa isang malaking kompanya pagkatapos at pinadala siya ng kompanyang iyon sa Amerika upang mag-aral pa. Anong tuwa niya noon, makikita na niya si Blessilda na ipinadala roon ng ama nito. Ngunit nasa Texas ang babae, habang siya ay nasa New York. Habang nag-aaral ay may trabaho siya sa kompanya, karamihan ay mga paperworks lang. Nagsusulatan sila ni Blessilda, nagkasundong magkikita. Nagsimula siyang magsulat sa mga bakanteng oras niya at ipinasa iyon sa isang sikat na literary agent nang matapos.

Sa araw na muli silang nagkita ni Blessilda ay naaprubahan ang kanyang libro ng siang sikat na publishing house. Blessilda was his lucky charm. Ayaw na nitong bumalik sa Pilipinas at siya naman ay nag-resign na sa kompanya at hindi na rin itinuloy ang kanyang kurso.

Noong panahong iyon ay nagtatrabaho na sa isang ranch si Blessilda bilang clerk ng opisina niyon. Nagkasundo silang tatapusin lang niya ang sequel ng libro niya at tutungo na siya sa Texas. Ngunit nagkasunod-sunod ang kailangan niyang gawin nang matapos niya ang libro sapagkat higit sa inasahan niya ang naging pagtanggap doon ng marami. It became a bestseller and was translated in thirty different languages. The publisher demanded more books from him, he had to go on tour, and a big film company bought the rights of the book. Ginawa iyong pelikula at kinontrata siya sa pagtulong buuin ang script niyon.

Masayang-masaya siya sa nangyayari sa writing career niya, at wala siyang ideya na sa kabilang panig pala ay nabubuo ang relasyon ni Blessilda sa may-ari ng ranch na si Travis Butler. One day he received Blessilda's letter telling him she was getting married to Travis. Natanggap niya ang sulat isang araw matapos ang kasal nito.

Nagtungo siya sa Texas ngunit mailap na si Blessilda, sinabing mahal nito ang asawa nito. Hindi niya iyon kailanman natanggap at anong suwerte nang magkrus muli ang landas nila makalipas ang apat na taon sa New York. Nagkita sila sa isang book store at niyaya niya itong magkape at natuklasan niyang divorced na ito sa asawa nito, at mayroon itong dalawang anak.

Walang kaso sa kanya ang lahat ng iyon. They got married after two months and were together for a year. It was the best year of his life. Naging maybahay niya ito. Habang nagtatrabaho siya, ito naman ay abala sa pag-aalaga ng mga anak nitong itinuring niyang mga anak na rin at in-explore nito ang pagpipinta, isang bagay na noon pa nito gustong simulan. She was a gifted artist. Hanggang sa iwan siya nito at sa sulat ay sinabi nitong bumalik dito ang asawa nito at nakipagbalikan ito para sa mga bata. That was almost five years ago. Limang taon na siyang galit sa mundo. Limang taon na niyang hinihiling na sana ay maibalik niya ang nakaraan.

Kung maibabalik niya ang nakaraan ay sisimulan niya iyon sa gabing magtatanan sana sila ni Blessilda. Parati niyang nailalarawang-diwa ang gabing iyon. Marami siyang babaguhin. At sa lahat ng eksenang binago niya, parating walang nagagawa ang batang pakialamera, si Vilma.

Ah, sadyang maling mainis dito. Pero tao lang siyang puro pait ang nadarama sa nawalang pag-ibig.

"N-nasaan siya?" tanong ng babae, tila naalala nang balikan ang labada nito.

"Not that you need to know but she's in the States."

"Pa-Ingles-Ingles ka pa diyan."

Hindi niya alam kung matatawa o maiinis lalo sa komento nito. Kahit nakayuko ay nakikita niya ang ismid sa mukha nito. Halos walang ipinagbago ang mukha ng babae, bagaman malaki ang itinangkad nito, nagkaroon din ito ng laman sa katawan, lalo na sa dibdib nito.

Ang buhok nitong dati ay mahaba at umikli nang masunog nito, ngayon ay maikli pa rin. Natural na kulay-putik iyon, alun-alon at bagay dito ang maiksing gupit dahil nakikita nang husto ang maputing leeg nito. He wondered what that neck would taste like... Ah, he was mad! Wala siyang karapatang magtanong ng ganoon tungkol sa babaeng pakialamerang ito.

Tumayo na siya bagaman napasulyap muli sa dibdib nito bago ginawa iyon. "Baka nakakaistorbo na ako sa trabaho mo."

"Mukha nga."

Parang masarap itong sakalin... kung hindi lang tila mas masarap tikman ang leeg na iyon. When did she get to be so... so much like a woman? Nasaan na ang makulit na batang sumusulat pa ng love letter sa kanya? Naaalala niyang labis niyang ikinaaliw iyon noon. Sa totoo ay natutuwa siya rito, kung hindi lamang ito sumobra sa bandang huli.

Tumalikod na siya, bagaman hula niya ay iistorbohin siya ng imahe ng katawan nito sa mga susunod na araw.

Traje de Boda Trilogy 2: Vilma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon