37. Trust

4.8K 126 0
                                    

NAPAPALAKPAK si Cielo nang makita ang kabuuan ng restaurant na inayos niya. It looks so nice and perfect---kagaya ng pagtingin niya sa lalaking balak niyang sorpresahin ngayon.

"Sigurado akong magugustuhan ni Rocco itong ginawa mo," ngiti-ngiti rin naman na wika ng ama niya. Ito ang naging katulong niya sa pag-aayos ng dinner na inihanda niya kay Rocco.

"Thanks, Dad. I knew I have to make it up for him," nakangiting sabi niya at napayakap sa ama. Masaya siya na kahit gahol na sa oras, successful pa rin ang ginawa niyang surprise para sa pagsalubong kay Rocco.

Nagtext sa kanya si Rocco na pabalik na ito sa Pilipinas. Hindi niya inaasahan na magiging mabilis ang pagbisita nito sa bansa. Pero hindi na siya nagsayang pa ng oras para paghandaan ang pagsalubong rito.

Niyakap rin si Cielo ng ama. "Hindi ko pa man lubos na nakikilala si Rocco ay naniniwala ako na mahal ka rin niya, Anak. Ma-appreciate niya itong ginawa mo. Isa pa, sa ayos mo pa lang ngayong gabi ay siguradong pak na pak ka na sa kanya..."

"Si Papa talaga," nahihiya naman na wika ni Cielo. Pero masaya rin naman siya dahil napaka-supportive ng Papa niya. Medyo nakokonsensya tuloy siya sa mga araw na binalewala niya ito.

"Maganda naman talaga ang anak ko," Hinawakan pa ng ama ang pisngi niya. "Na-miss mo lang siguro na sinasabi ko 'yan sa 'yo..."

"Na-miss ko ang lahat sa ating dalawa, Papa. Na-miss ko ang suporta mo. Na-miss kita. Nakakalungkot lang na dahil sa selfishness ni Mommy ay nasira ang lahat..."

"Nakakalungkot nga. Pero wala na tayong magagawa. Wala na rin ang Mommy mo ngayon. Let's just pray for her..."

"Ang daming naapektuhan ng dahil sa ginawa niya..." May sakit pa rin sa puso na wika ni Cielo. Parang naiiyak rin siya nang maalala ang araw na ipinagtapat sa kanya ng ama ang tungkol sa panloloko sa kanya ng ina...

"Siya ang totoong nagloko..." wika ng ama habang pinapakita sa kanya ang larawan ng Mommy niya at isang hindi niya kilalang lalaki. Magkayakap ang mga ito. Aakalain na may relasyon talaga ang dalawa roon. "Pero tinanggap ko pa rin siya pagkatapos nito. Mahal ko ang Mama mo. Mahal ko rin ang pamilya na ito. Kaya lang, mukhang ikaw lang ang mahal niya.

"Sa kabila ng pagtanggap ko sa kanya ay sinira pa rin niya ako. Ginawa niyang issue ang pagiging malapit namin ng isa sa mga cashier sa grocery. Ginamit niya iyon para palayuin ako sa kanya. Gabi-gabi ay inaaway niya ako. Hindi ako nakatiis kaya umalis ako ng bahay. Pero hindi ko akalain na gagamitin niya ang pag-alis kong iyon para makuha ang simpatya mo.

"Hindi kita masisisi na ang pinaniwalaan mo ang Mommy mo. Wala ka sa Pilipinas. Hindi mo alam ang totoong sitwasyon. Nauna siyang magsabi sa 'yo. At masyado kang naapektuhan sa drama niya kaya hindi mo na naggawang makinig sa akin. Pero hindi rin naman kita masisisi. Wala kang pagkakataon para makinig sa mga paliwanag ko. Pinotrektahan ka masyado ng Mommy mo. Nilason niya ang utak mo..."

Nawindang si Cielo sa mga narinig. Napailing-iling siya. "Lalo yata akong nahilo sa mga pinagtapat niyo."

"I'm sorry. Siguro nga ay maling oras itong pagpunta ko. Pero ikaw na mismo ang nagsabi na sabihin ko na ng direkta ang lahat..."

May kinuha ulit ang Papa niya sa bag nito. Mga sulat iyon. "Hindi ko alam kung paano ka mako-contact, Anak. Pero sinubukan ko kahit sa makalumang paraan. I write letters, explaining everything to you. Pero lahat ng mga ito ay bumalik rin sa akin. Ilang beses rin akong nag-aabang sa labas ng bahay para makausap ka. Pero sa tuwina ay nakabantay palagi ang Mommy mo. Bago pa man ako makalapit sa 'yo ay tinutulak na niya ako palayo..."

"Hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit kailangang gawin ito sa akin ni Mommy. Isa pa, wala akong nakikitang lalaki niya sa mga taon na kami lang ang magkasama..."

"Wala na sila ng lalaki niya. Pero paranoid siya na baka iwanan ko siya at isumbat ko iyon sa hinaharap. Wala siyang tiwala sa nararamdaman ko sa kanya. Kaya inunahan na niya ako. Kinuha niya ang loob mo at sinira ako sa 'yo para siya pa rin ang kakampihan mo. Hindi na niya ako mahal. Pero ikaw, mahal na mahal ka niya. At natatakot siyang kapag nalaman mo ang totoo ay iwanan mo siya. Naging selfish siya dahil gusto niya, sa kanya ka lang..."

Naguguluhan man ay masasabi ni Cielo na may sense ang sinabi ng kanyang ama. Totoong naging mahigpit sa kanya ang Mommy niya. At masasabi niyang ngayong na-realize na niya ang ilang pagkakamali sa buhay ay nakita niya ang mga mali nito. Masyado nitong sinira ang Papa niya. Hindi siya nito binigyan ng pagkakataon na makausap ito. Puwede niya ngang isipin na baka kaya ganoon ay dahil totoong may tinatago ito.

Masasabi ni Cielo na sumama rin ang loob niya sa Mommy niya dahil sa mga ginawa nito sa kanya. Hindi lang rin naman kasi ang ama niya ang sinira nito. Ganoon rin si Rocco sa kanya. Ginusto na lang nito na umikot ang mundo niya rito.

Siguro nga ay totoo ang sinabi ng ama. Naging makasarili naman talaga ito. Noon pa man ay hindi na rin naman siya nito ginustong i-share kahit kay Rocco.

"Ayaw kong siraan ang Mommy mo, Cielo. Wala na siya at kahit papaano ay nirerespeto ko pa rin naman siya. Kaya nga lang, kailangan mo rin na malaman ang katotohanan. Kailangan kita, Anak. Sana ay bigyan mo ulit ako ng panibagong pagkakataon..."

Tinanggap ni Cielo ang ama pagkatapos ng komprontahan nila. Pagkatapos ng lahat, na-realize rin naman niya na kung ano man ang mali, ang tama lang na gagawin niya ay ang magpatawad. Magulo na ang buhay niya. Pero ang tamang gawin lang para maging maayos iyon ay magpatawad.

So far ay ramdam naman ni Cielo na ginagawa niya ang tama. Naging mabait sa kanya ang ama. Inalagaan siya nito noong may sakit siya. Iyon nga lang, hindi ito palaging nasa tabi niya. One year ago kasi ay nagkaroon na rin ito ng bagong pamilya. Nagkaroon ito ng girlfriend na biyuda. May anak ang babae. Itinuring na rin nitong mga anak ang mga bata. Pero ganoon pa man, pinaramdam pa rin naman sa kanya ng ama na handa siya nitong alagaan at tulungan sa kahit ano pa man. Mahal pa rin siya nito sa kabila ng lahat. Pinakilala rin siya nito sa bagong pamilya nito.

"Ang mahalaga ngayon ay maayos na ang lahat. Ibaon na natin sa limot ang nakaraan. Magsisimula na tayo ng bago. Lahat ng pagkakamali ay gawin na lang nating lesson sa buhay natin..."

Tumango si Cielo. She was able to forgive. Gusto na niyang magbago at mag-move on. The past had played a lot on her family on so on her love life. Hindi na niya gustong ulitin pa ang pagkakamali niya.

Siguro noong una ay nagka-alinlangan pa si Cielo. Pero sa tingin niya, dala lang naman iyon ng bugso ng damdamin. Na-realize rin niya sa huli na tama ang ama niya. Kailangan niyang timbangin ang mga narinig at maniwala kung sino ba ang dapat na paniwalaan niya.

Tapos na dapat ang takot sa puso ni Cielo. Oo nga at playboy si Rocco noon. Pero mahal niya ito. Dapat ay nagtitiwala siya rito. Hindi siya dapat na magpadala sa takot niya sa paniniwala sa mga lalaki lalo na at ayos na naman sila ngayon ng lalaking akala niya ay niloko siya.

Mag-uumpisa na ngayon ng bagong buhay si Cielo. Nahihiling nga sana ay magkaroon na rin sila ng bagong buhay ni Rocco---isang buhay na puno ng pagmamahal at pagtitiwala.

Rocco, The Played Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now