20. Blackmailed

4.8K 137 2
                                    

"TUMATAWAG si Stella. Gusto mo ba siyang kausapin?" mahinahon ang boses na wika ni Janna Harris---ang ina ni Rocco nang pumasok ito sa kuwarto niya.

Umiling si Rocco. "Not now, Mama..."

Nakakaintinding tumango ang Mama niya. Iniwan siya nito pero mabilis rin na bumalik. Hinagod-hagod nito ang likod niya habang nakaupo siya sa kama. "Hindi ka pa ba nakakapagdesisyon, Anak? Halos isang buwan na simula nang malaman namin ang tungkol sa nangyari kay Stella..."

Tinitigan ni Rocco ang ina. Matagal na nga nitong alam ang tungkol sa eskandalong kinasasangkutan niya raw kasama si Stella. Paano ay sinigurado talaga ng babae na guluhin siya. Naghanap ito ng paraan para makuha ang numero ng mga kamag-anak niya sa Pilipinas. Ipinaalam nito sa pamilya niya ang lahat. Pero nanatiling maintindihin ang Mama niya. Ni hindi ito nagtanong. Nirerespeto nito ang pananahimik niya. Ginusto nito na siya mismo ang magsabi ng problemang araw-araw ay binubulabog ang mga ito.

"Mama, maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa 'yo na naniniwala ako na hindi akin ang batang 'yun?"

"Oo naman. Anak kita kaya sino pa ba ang paniniwalaan ko 'di ba?"

"Buti ka pa, Mama..."

"Bakit?"

"Dahil naniniwala ka sa sinasabi ko," Mapait na ngumiti si Rocco. "To think na kung titignan ang sitwasyon natin, masasabi na unfair ako sa 'yo. Hindi naman tayo ganoon na kalapit. Mas close ako kay Papa kaysa sa 'yo dahil sa kanya ako lumaki. Pero ito ka at parang kilalang-kilala pa rin ako. Naniniwala ka sa akin."

Hindi kasal ang mga magulang ni Rocco. Ni hindi rin niya nakita ang relasyon ng mga magulang niya dahil sanggol pa lang siya ay naghiwalay na ang mga ito. Ganoon pa man, naging maayos naman ang relasyon ng mga ito. Napagkasunduan na magkaroon na lang ng joint custody ang dalawa sa kanya. Nag-aral siya sa Sicily sa poder ng ama samantalang kapag bakasyon sa school o kaya ay holidays ay umuuwi siya sa Mama niya sa Pilipinas.

Hindi naman ganoon nahirapan si Rocco sa sitwasyon. Naka-adjust rin siya dahil maayos naman ang samahan ng dalawa. Parehong mabait rin ang mga ito at hindi siya pinag-aagawan. Iyon nga lang, mas masasabi ni Rocco na mas close at kilala niya ang Papa niya dahil mas lumaki siya rito. Sa tingin niya, mas maiintindihan siya nito kaysa sa Mama niya, lalo na at hindi lang naman siya ang anak nito. May lima pa siyang kapatid sa ina. Nag-iisang anak lang naman siya ng Papa niya. Hindi na kasi ito nag-asawa.

"Naging malayo man tayo sa isa't isa ay mahal kita, Anak. Kilala rin kita. Kagaya ka man ng mga kapatid mo na maloloko sa buhay pero responsable ka. Kung sigurado ka na anak mo nga talaga ang batang iyon, sigurado akong matagal mo ng kinausap si Stella at inako ang responsibilidad mo. Pero nanahimik ka lang at hinayaan ang lahat. I sensed that something is wrong..."

"Thank you for the trust, Mama..." wika ni Rocco, maiyak-iyak na niyakap ang ina. Niyakap rin siya nito.

"Pero kung ganoon nga ang sitwasyon, mabuting kausapin mo na si Stella..." payo ng ina.

Umiling si Rocco. "She's crazy, Mama. Gusto niyang sirain ako at ang kaibigan niyang siyang totoong mahal ko,"

Ngumiti ang ina. "Kaya naman pala mukhang nag-iba ang pangatlo kong anak. May mahal na babae na palang involved. Kailan mo naman ako ipapakilala sa kanya?"

"Gustuhin ko man, Mama, pero mukhang wala ng pag-asa. She hates me..."

"Kinausap mo na ba siya?"

"Ilang beses na pero hindi niya ako nilalabas. Hindi niya ako gustong pakinggan..." May tumulong luha sa mata ni Rocco. "Ang sakit-sakit, Mama. Ito ang unang beses na binigay ko ang puso ko sa isang babae. Gusto kong magseryoso. Pinagkatiwalaan ko at umasa ako na ibibigay niya sa akin ang kapareho. Ang sabi rin kasi niya ay gagawin niya. Pero unang pagsubok pa lang ay sumuko na kaagad siya..."

"Baka naman kasi ito ang unang beses na naramdaman niya ang sakit. Baka kailangan mo lang maging matiyaga, Anak."

"Sa tuwing nakikita mo akong umaalis dito sa bahay, siya palagi ang pinupuntahan ko. Nakikiusap ako sa kanya, halos nagsusumamo. At araw-araw akong umaalis, Mama. Araw-araw akong nagmamakaawa. Napapagod na ako..."

Hinawakan ng Mama niya ang pisngi niya. "Ang tunay na nagmamahal ay hindi napapagod, Anak..."

Nagkaroon ng lakas ng loob si Rocco na sumubok ulit kahit sa totoo lang ay gusto na niyang sumuko. Hindi siya sanay na ma-reject, paano pa kaya ang paulit-ulit? Pero nagmamahal siya kaya susubok ulit siya.

Inayos ni Rocco ang sarili. Pumunta ulit siya sa bahay nila Cielo. Tamang-tama na nasa garden ito ng bahay. Walang bakod rin ang bahay kaya nalapitan niya ito.

He flashed his brightest smile. Kabaligtaran naman iyon ng reaksyon ni Cielo. Madilim ang mukha nito. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na tigilan mo na ako?"

"I love you, Cielo. At na-realize ko na kapag nagmamahal ka, hindi ka dapat mapagod."

"Puwes, hindi ako nagmamahal kaya pagod na pagod na ako sa kakulit mo sa akin!"

Kagaya ng pagtanggi nito sa kanya dati, parang may kumurot na naman sa puso ni Rocco. Pero pinilit niyang patatagin pa rin ang loob. Pilit na kinuha niya ang kamay ni Cielo. Lumuhod siya sa harap nito.

Namutla si Cielo. "Tumayo---"

Umiling si Rocco. "Hindi ako tatayo habang hindi ka nakikinig sa akin. May paliwanag ako sa lahat."

"Wala akong tainga para makinig sa mga paliwanag mo. Manloloko ka,"

"Nangako ka sa akin na pagkakatiwalaan mo ako,"

Naglihis ng tingin si Cielo. Pinilit nitong tanggalin ang kamay sa kanya. "Hindi na ako ang babaeng iyon..."

"Naiintindihan ko naman na mas pakikinggan mo talaga si Stella kaysa sa akin. Mas mahaba ang pagkakaibigan niyo. Pero may pinagsamahan rin naman tayo 'di ba? At ramdam ko na espesyal rin naman ako sa 'yo. Ano ba naman ang sandaling pakikinig sa akin? Please naman, Cielo. Pagbigyan mo na ako. Maawa ka na sa akin. Nahihirapan na ako..."

Umiling si Cielo. "Hindi. Hindi na kita papakinggan at hindi na rin kita gustong makita. Umalis ka na!"

Itinulak ni Cielo si Rocco. Malakas iyon dahilan para mapaupo siya sa sahig. Masakit iyon pero walang-wala sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso lalo na nang iwanan na lang siya basta roon ni Cielo. Pumasok na ito sa loob ng bahay.

Tumulo ang luha sa mata ni Rocco. God, he feels so bad. Kahit kailan ay hindi siya humingi ng kahit anong atensyon. Higit pa sa sapat ang nakukuha niya. Pero ngayon ay awang-awa siya sa sarili. Nakakahiya na ang pinagagawa niya pero balewala pa rin sa babae ang lahat.

Ang tunay na nagmamahal ay hindi nga siguro napapagod. Pero kapag nasobrahan na sa sakit, bumibitaw rin...

Rocco, The Played Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now