1. Hurt

11.8K 255 0
                                    

"RDS BEACH resort..." basa ni Cielo sa isip niya habang nakatingin sa malaking sign board na nasa harap niya. She tried to smile. After all, kaya nga siya nagpunta sa lugar ay para makangiti ulit 'di ba? Kailangan niyang makalimot.

Pumasok na si Cielo sa loob ng resort. Nakangiting sinalubong siya ng receptionist at tinanong ang kanyang pangalan.

"Oh, you have a two-week reservation on us," may pagkamangha sa mukha nito. "That's a long time. But I'm pretty sure that you will enjoy your stay here..."

"Sana nga."

"Oo naman, Ma'am. Marami po kaming amenities dito sa resort na puwede niyong pagkaabalahan. Puwede rin po kayong mag-request sa amin para i-tour kayo dito sa Batangas. We offer travel packages in a very affordable price..."

"Talaga? That's nice."

"We will make sure to take care of you, Ma'am. Enjoy your stay! Pa-wait na lang po muna habang chine-check pa ng housekeeper ang kuwarto na gagamitin niyo..."

Tumango si Cielo. Umupo siya sa lobby habang naghihintay. She looked around and finally tried to smile. Maganda nga ang resort na napili niyang pagbakasyunan. At sa tingin niya ay sapat na rin siguro ang dalawang linggo na pananatili roon para makapag-unwind at makatakas sa realidad. After all, the resort is known for people who wanted to escape the noise. Relaxing raw kasi roon.

Pero sa paglibot niya ng tingin ay biglang nawala ang ngiti niya. Isang lalaki ang nakita niyang naglalakad papunta sa lobby. Nagsalubong ang mga mata nila. Base sa reaksyon nito, nakilala rin siya nito.

"Rocco..." gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Cielo. "How coincidental to see you here..."

Hindi nagsalita kaagad si Rocco. Siya naman ay inobserbahan ito, lalo na ang kulay asul na mga mata nito. It wasn't the same good Sicilian eyes that almost every girl admires. Wala na ang charming at mapaglarong kislap sa mga mata nito. Sa halip, malinaw na makikita ang mga sakit na pinagdaanan noon.

Napalunok si Cielo dahil parang may bumikig sa lalamunan niya. May isang bahagi rin niya ang nakonsensya. Dahil may pakiramdam siya na siya mismo ang dahilan ng sakit sa mata nito...

Rocco, The Played Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now