15. Risk

4.4K 124 1
                                    

NAPABUNTONG-hininga si Cielo nang makitang umiiyak na naman ang Mommy niya. Ala-una pa lang ng hapon pero naka-limang iyak na ito simula nang magising kaninang alas otso. Hindi na niya kailangang tanungin pa kung bakit. It was all because of her Dad.

Pero kahit nagsasawa na, lumapit pa rin si Cielo. Hinagod niya ang likod nito. "Tahan na. Nandito pa naman ako 'di ba? Umuwi pa nga ako para sa 'yo. Hindi kita iiwan. Promise 'yan?"

"Talaga? Ako lang love mo, ha?"

Natatawang niyakap ni Cielo ang ina. "Si Mommy talaga. Parang bata,"

"I want to be selfish, Anak. Gusto ko akin ka lang at baka maagaw ka rin sa akin ng iba kapag hinayaan kitang ma-in love sa iba,"

Ngumiwi si Cielo. "Bawal ako na mag-boyfriend, ganoon?"

"Meron na ba?"

Napaisip si Cielo. Pinagbigyan niya si Rocco sa gusto nito. Pero masasabi nga ba niyang boyfriend na niya ang lalaki?

Araw-araw ay tinatawagan ni Rocco si Cielo. Kinukumusta, nilalambing. Kaya naman sa kabila ng kalungkutan ng Mommy niya ay masaya pa rin siya. Malayo man sila ni Rocco sa isa't isa ay pinaparamdam naman nito sa kanya na malapit ito sa kanya. Kaya kahit malayo, pakiramdam niya ay lalong nahuhulog ang loob niya rito.

"Nasa tamang edad na naman ako, Mommy. Puwede na naman siguro akong mag-boyfriend,"

Nalungkot ang mata ng ina. "Iiwan mo na rin ako..."

"Siyempre, hindi. Hindi pa naman ako magpapakasal. Isa pa, puwede naman na dalawa kayong mahalin ko 'di ba?"

Hindi nagsalita ang Mommy niya. Sa halip, kumalas ito sa yakap niya at lumayo sa kanya. Napabuntong-hininga siya. Pinili niyang huwag pansinin ang naging reaksyon nito. Dahil na rin sa pinagdadaanan, naging madamdamin ang kanyang ina. Pero malaki na ito. Makaka-get over rin ito.

Tumingin si Cielo sa cell phone niya. Lalo ng nawala sa isip niya ang pag-iinarte ng ina nang makita niyang maraming missed call ang international number ni Rocco. Halos kalahating araw na rin itong hindi tumatawag sa kanya. Ang sabi nito ay busy ito kaya naman ngayong nakita niyang tumatawag ito ay nanabik siya. Tinawagan na niya mismo ito.

"Hey sweetheart. Open your door. I have a surprise for you," wika ni Rocco nang masagot kaagad ang tawag niya.

"Ha? Paano?"

"Basta. Just do what I say..."

Naguguluhan man ay sinunod ni Cielo si Rocco. Pinatay na ni Rocco ang tawag. Pero ang boses nito ay maririnig pa rin sa paligid.

"Surprise?"

Matagal na natigilan si Cielo. Hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ang kausap lang niya sa cell phone.

"Say something..."

Umiling si Cielo. Naluha siya.

Natawa naman si Rocco. Niyakap siya nito at pinahid ang luha niya.

"When I say I'll make it work, I'll do it. Alam kong miss mo na ako pero mas miss na miss na kita. Kaya sinundan kita. Welcome me back. I am home now. I am home in your arms..."

Lalong naiyak si Cielo. Tinangala niya ang parang naiiyak rin na si Rocco. Mukhang masaya rin ito. Pero mas nag-uumapaw ang sa kanya.

How lucky she is to be loved by a guy and made everything possible? Tinawid nito ang distansya para sa kanya, para sa kanila.

Nahuhulog na talaga ang loob niya kay Rocco. Rocco is worth the risk. She believes he is worth her trust.

For now...

Rocco, The Played Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now