12. Again

4.8K 133 4
                                    

NAGISING si Cielo sa malalakas na katok sa pinto ng kuwarto niya. Nang bumangon siya ay nabungaran niya sa pinto ang namumutlang si Rocco.

"Anong nangyari? May problema ba?"

Nagtagis ang bagang ni Rocco. "Oo! Late ka na para sa almusal!"

Napatingin si Cielo sa relo. "Hindi pa naman ganoon ka-late ang alas nuwebe, ah,"

"Oo nga. Pero malay ba namin kung nag-suicide ka na pala diyan kaya hindi ka pa gising? Basta mag-ayos ka na ng sarili at bumaba sa restaurant. Hihintayin kita doon within five minutes!"

Tinalikuran na ni Rocco si Cielo. Naguguluhan siya dahil mula sa pamumutla ay naging mapula ang mukha nito. Pero sa kabila noon, sinunod rin niya ang sarili. Pagkatapos ng lahat, mabait sa kanya ang lalaki. Sa kabila ng eskandalong kinasangkutan niya noong isang araw, pumayag pa rin ito na manatili siya sa resort. Bukod roon ay ito rin ang gumastos ng pagpapa-ospital sa kanya. Halos hindi rin ito umalis roon.

Nang makababa si Cielo sa restaurant ay mabilis rin niyang nahanap si Rocco. Pinag-ayos siya nito ng upuan. "Kumain ka na,"

Napatingin siya sa mga nakahain ng pagkain sa lamesa. Mga gustong pagkain niya iyon at mukhang masasarap ang pagkakaluto. Pero hindi niya maiwasang hindi mapansin na parang puwede na iyong pang-lima hanggang pitong tao. "Ang dami naman yata,"

"Kailangan mo 'yan. Kailangan mong bumawi sa pagkakasakit mo,"

"Okay na naman---"

Tumiim na naman ang bagang nito. "Just do what I will say, okay?"

Napakibot-kibot ang labi ni Cielo.

"What?" May iritasyon ang boses ni Rocco.

"Wala lang. Ang bossy mo kasi,"

"I'm the boss here so don't be shock,"

"Pero hindi mo naman ako empleyado,"

"You are under my place. At naalala mo ba ang sinabi mo sa akin noong nasa ospital ka? Ang gusto mo ay pahalagahan ka. So I am doing it,"

Napakurap-kurap si Cielo. Maya-maya ay napalunok rin siya. "S-sigurado ka ba?"

Umiling-iling si Rocco. "I've changed, Cielo. Hindi na ako ang Rocco na kilala mo na maloko at mapaglaro..."

"I've read an article that you are branded as one of the International Playboys..."

"You have to know your facts straight, Cielo. Matagal na ang article na iyon." Seryoso ang boses ni Rocco. "Anyway, bakit ba natin pag-uusapan ang tungkol sa akin? It's you who is the responsibility here. It's you who wanted to be taken care of. Maging masaya ka na lang na sa kabila ng nakaraan natin, I am still here doing what you want..."

Napatango si Cielo. Oo nga naman, may punto si Rocco. Pero sa loob-loob niya ay makakasama rin naman niya ito. Gusto niyang malaman ang mga tungkol sa mga nangyari rito sa loob ng nakalipas na taon. Gusto niyang pag-usapan ito.

Masaya naman siya na may isang taong willing na ipakita sa kanya na mahalaga pa rin siya. Pero may lungkot pa rin iyon dahil pakiramdam niya ay kulang at may mali. At ang nakakalungkot pa, alam niyang siya ang may kasalanan noon.

Kung sana ay nagtiwala at naniwala siya rito, baka higit pa roon ang maramdaman niyang pagpapahalaga. Sana ay hindi ganoon naging kalungkot ang mga nakalipas na taon niya. Sana ay purong saya lang ang nararamdaman niya. Ang daming sana sa kanyang isip. Pero iisa lang ang sana na siyang pinaka-gusto niyang mangyari.

Sana ay maulit muli...

Rocco, The Played Playboy (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora