28. Believe

4.6K 117 4
                                    

"ENCHANTED kingdom?" Nakakunot ang noong tanong ni Cielo kay Rocco. Sa lugar siya dinala ng lalaki para mag-date raw sila.

Inakbayan siya ni Rocco. Ngingiti-ngiti ito. "Bakit? Romantic naman ang amusement park 'di ba?"

"Oo. Pero madalas na teens at estudyante ang nagde-date rito. I feel like we are too old for this,"

Umiling si Rocco. "Ang mga amusement park ay para rin sa young at hearts. Hindi naman tayo ganoon katanda pa. Nasa late twenties pa lang ako at ikaw naman ay twenty five lang. Isa pa, binabalik natin ang nakaraan 'di ba? So babalikan natin ang mas batang sarili natin."

"Hmmm..."

Hinawakan ni Rocco ang kamay niya. Hinalikan rin nito iyon. "This will be fun, I promise."

Ngumiti si Cielo. "Hmmm... sa tingin ko ay masaya naman talaga ang lahat basta kasama kita,"

Lumawak ang ngiti ni Rocco. "That's my girl,"

Magkahawak ang kamay na pumasok sila ng Enchanted Kingdom. Inuna nila ang mga nabungaran na rides kagaya ng flying fiesta at carousel. Sa loob na rin sila nag-lunch. Nagtagal rin sila sa paglalaro ng indoor games. Halos maubos tuloy ang cash ni Rocco dahil nag-enjoy sila masyado sa paglalaro. Hindi rin kasi tumigil si Rocco sa paglalaro hanggang hindi ito nakakuha ng malaking prize---isang malaking stuff toy para sa kanya. Pawisan na rin ito nang maibigay sa kanya ang pinaghirapan.

Pagkatapos punasan ang mukha ni Rocco ay pinindot niya ang ilong nito. "Doble pa yata ng nagastos mo sa laro kaysa sa totoong presyo ng stuff toy na ito,"

"I'm willing to take things in a hard way if it's just for you," may pagkindat pa na wika ni Rocco.

Siyempre, kinilig naman si Cielo. Effort kung effort kasi ang lalaki. Pinagtitinginan na nga ito ng mga tao dahil ayaw nitong tumigil hanggang hindi nito nakukuha ang stuff toy. Kahit sinabi niya rito na okay lang ay nagpumilit pa rin ito.

Nang matapos sila sa indoor games ay niyaya siya ni Rocco na sumakay sa space shuttle. Mariin na umiling siya. "Ayaw ko. Nakakatakot. Baka hindi ko kayanin,"

Nagturo si Rocco. "'Yung bata nga nakaya, o."

"Pero---"

"Walang mangyayaring masama sa 'yo. Ipinapangako ko 'yan,"

Napatitig si Cielo sa mga mata ni Rocco. There is sincerity in his eyes. Kaya naman kahit nakakaramdam pa rin siya ng pag-aalinlangan ay pumayag siya. In just that look, Cielo knew that all she needs to do is to trust Rocco and everything will be all right.

Huminga nang malalim si Cielo pagkatapos ay siya na mismo ang humawak ng kamay ni Rocco. Nagliwanag ang mukha nito. There is a wide smile in his face in the entire ride. Hindi rin siya binitawan nito hanggang sa matapos na ang ride.

"How was it?"

"N-nervewracking," Nakakahilo ang ride pero masaya naman si Cielo na na-survive niya iyon.

"Oh, yeah? I'll give you more than that then..." wika ni Rocco at pagkatapos ay kinuha ang mukha niya. Hindi pa siya nakaka-recover sa thrill nang sinakyan ay binigyan naman siya ngayon nang mas matinding thrill ni Rocco nang halikan siya nito. It went down to her spines. It chills down to the end of her bones.

Pulang-pula si Cielo. "What was that for?"

"My way of saying thank you for believing on me. I am so proud of you..." wika ni Rocco na may maganda pa rin na ngiti sa labi. Delight is all over his face.

Natutulala naman si Cielo. Parang gusto niyang umiyak dahil sa pinaghalo-halong emosyon sa puso niya. Pero mas nanaig ang saya roon kaya siya naiiyak. Napakasaya niya. Masarap ang pakiramdam niya. At hindi na niya gustong matapos iyon.

Sana nga ay hindi na. Sana nga ay magkaroon na sila ng panibagong pagkakataon ni Rocco. At higit sa lahat, sana nga ay magtuloy-tuloy na siyang matuto na maniwala ulit...kahit alam niyang mayroon pa rin na magiging sakit.

Rocco, The Played Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now