CHAPTER 344 - ROSE

257 4 4
                                    

“Yeah, you’re right. I’m jealous. Sorry,” sagot ni Aki sa kanya.

Nakaramdam ng matinding kapanatagan si Rose sa loob niya. The fact that Aki still got jealous means that he still loves her. At sobrang sapat na iyun para kay Rose.

Sandaling natahimik ang buong silid. Tanging aircon lang na nagbubuga ng malamig na hangin ang nagiingay. Rose is playing her fingers. She is hesitating to say things to Aki. Baka kasi may mali siyang masabi rito’t maging dahilan pa ng pag-aaway nila.

“Done having dinner?” tanong ni Aki sa kanya.

Napatingin si Rose dito. Aki is looking away from her.

“Yeah,” payak niyang sagot.

Hindi na muling nagsalita si Aki. Naging hudyat ito para kay Rose para simulan ng sabihin ang mga gusto niyang ipahayag kay Aki.

“Aki…” Rose lips is trembling. “I’m sorry kung naging mahigpit ako sa’yo these past few days. It’s just that I was just too stressed sa work ko kaya ganun ang nangyari. Nakalimutan ko rin na 22 ka na. I’m sorry for treating you as if you were a kid. Gusto ko lang naman na makapag-focus ka sa review so that you will really top it. E ‘di ba, ‘yun naman ang pangarap mo?” tanong ni Rose. That was one of Aki’s wildest dream. Ang makapag-top sa isang board exam.

“I can do it even if I am working,” sagot ni Aki sa kanya.

“I know. That’s why pinapayagan na kita sa gusto mong gawin. I’m letting you work. Natakot lang din ako na kapag nakapag-work ka na, maraming babae ang makikipag-fling sa’yo. I can attest to that dahil magdadalawang taon na rin ako sa work ko. I have guys who are my workmates. Hindi pa nga sila ganoong kaguwapo at marami ng mga babae sa loob at labas ang nanlaladi sa kanila. Paano pa kaya ikaw? I’m sorry too for being too over-possesive. Takot lang akong mawala ka sa akin.”

“I don’t care about girls, Rose…” sagot ni Aki sa kanya.

“I know, Aki. Kasi, ako lang naman ang mahal mo ‘di ba?” buong tapang na tanong ni Rose. She was so scared to ask that to Aki because she’s afraid that she might get a different answer than what she is expecting.

“About the bar exam. What if I will not top it?”

Gulantang na gulantang si Rose sa patanong sa sagot ni Aki. May kung anong bahagi ng pagkatao niya ang gumuho. Aki didn’t answer her question.

“Mamahalin pa rin kita, Aki. Ikaw ba? Ganu’n ka rin ba sa akin?” She’s asking it again. Right now, her shaking is already noticeable. Kaso hindi iyun a napapansin ni Aki sa kadahilanang hindi ito tumitingin sa kanya. All the time, Aki is looking away from her.

Aki took a while to answer. Rose then initiates to say something. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin, Aki, atleast, sabihin mo lang sa akin ayaw mo akong mawala. Sapat na iyun para sa akin.”

May bumagsak na luha sa kanang mata niya. She then started crying pero hindi siya gumawa ng ingay. Nagpigil ng paghinga si Rose para magawa niya iyun. She can’t let Aki see her become as desperate like this.

Nang mas tumindi pa ang pagiyak niya, napakapit siya ng mahigpit sa mini-skirt niya. Nabasa ng mga luha niya ang kamay niya. She really loves Aki. She really does. Iyun nga lang, hindi na siya sigurado sa kung ano ang nararamdaman nito para sa kanya. Para kasing sobrang cold na nito sa kanya. Hindi na kasing tingkad dati ang mga ngiti ni Aki kapag kasama siya nito. The last time they had sex, nagkantutan lang sila. They did not make love. It’s obvious that Aki is no longer happy with her. And it just sucks. She doesn’t know what the reason is, pero takot na takot siya sa katotohanang iyun. Sobrang takot na takot.

“When will we get married?” paglilihis ulit ng landas na tanong ni Aki.

Mabilis siyang nagpunas ng mga luha. She fakes a smile too. “First week of August. Will that be okay for you?”

“Saan?” tanong nito na para bang nagtatanong lang ng nawawalang nail cutter.

“Pagiisipan ko pa. But don’t worry, I’ll just hire an organizer para mas maging madali lang ang lahat.”

Hindi sumagot si Aki.

“Aki, ‘di ba gusto mong mag-work ka na? Do you want me to buy you a car?” tanong ni Rose. Masigla ang boses niya pero hindi niya maintindihan ang sarili niya kasi bigla na lang siyang naiyak ulit. Para kay Aki, ibibigay niya ang lahat ng mayroon siya. She doesn’t care if she’ll end empty handed. Basta’t para kay Aki ay ibibigay niya ang lahat. People might judge her as stupid pero hindi siya bobo. Alam niyang hindi na masaya si Aki sa kanya, pero hindi niya kayang mawala iton sa kanya. A life without Aki scares her very much. Aki is her air that she can’t leave without. Ano naman kung hindi na siya nito mahal? E ‘di gagawin niya ang lahat-lahat para manubalik ulit ang pagmamahal nito sa kanya. It might sound complicated, but Rose will really cross hell just to make Aki stay in her life. Si Aki na lang ang mayroon siya. Si Aki na lang.

“Rose, prioritize your self first. Kaya ko ang sarili ko.”

“Pero---” She tried to protest but Aki meddles with her.

“You are pregnant with our baby, Rose. You should not overwork.”

Tumango-tango siya sa sinabi nito. Pinapakalma niya ang sarili niya pero naiiyak pa rin siya. At mas masakit, hindi iyun alam ni Aki. Hindi alam ni Aki na sobrang nasasaktan na siya ngayon. Na ang sakit-sakit na. Pakiramdam ni Rose ay parang isa na lang siyang estranghero rito. She is trying to make their conversation alive pero palagi lang iyung pinapatay ni Aki. Pero ayos lang. Atleast, kinausap siya nito. Sobrang sapat na iyun sa kanya.

Why is she settling for less?

Simply because she loves Aki.

Period.

Wala mang makaintdi sa kanya ngayon pero wala siyang pakialam. That’s how she feels towards Aki. And even the world will mock her with what she’s doing, wala ulit siyang pakilam.

Babae ka, Rose! Babae ka! Bigyan mo naman ng dangal ang sarili mo! Her inner self keeps on screaming on her pero binalewala niya lang ito.

When she bids her goodbye to him, hindi man lang ito sumagot. Hindi rin siya nito nilingon.

Paglabas ni Rose sa kuwartong iyun ay doon siya tuluyang nawasak.

There was a big lump in her throat at sobrang sikip-sikip din ng dibdib niya. Umiiyak siyang naglakad paalis doon. She tries to silence herself the whole time she’s walking on the corridor ngunit noong nakapasok na siya sa elevator ay doon na siya humagulgol ng sobra-sobra. Rose just feels hopeless the way Aki converse with her. Tinanong niya ito kung mahal pa ba siya nito pero hindi ito sumagot. And it pains her very much.

“Sana sinagot mo na lang Aki. Sana sinagot mo na lang. Kasi sobrang sakit. Sobrang sakit…” Rose told her self. Napaupo siya sa loob ng elevator habang umiiyak doon. She feels like she died several times tonight. And Aki just killed her. He killed her.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon