CHAPTER 228 - HELIX

272 4 2
                                    

“Tignan mo, tigan mo ang nangyari. Buwesit talaga ‘yang Rose na ‘yan? Anong akala niya kay Aki? Aso na puwede niyang itali para hindi kumawala? Kaya ikaw Helix, pasalamat ka talaga sa akin na ako ang naasawa mo at hindi ‘yang gaya ng Rose na ‘yan.”

“Oo, na. Oo, na. Umalis ka na...” pangtataboy ni Helix kay Nikki. Nasa pinto na ito at putak pa rin ito ng putak. Nikki still needs to get her supply of beauty products para mga clients niya kaya kailangan na nitong umalis.

“Naku, kaurat talaga. Bantayan mo ‘yang si Aki, ha? ‘Pag nakita ko talaga ulit ‘yang Rose na ‘yan, jusko, ‘di niya alam kung anong magagawa ko sa kanya.”

“Tch.” Nang salita pa rin ito ng salita, isinara na ni Helix ang pinto. Rinig niya pa rin itong nagbuburara sa labas pero hindi niya na ito pinansin. Instead, he comes back kung saan siya nakaupo kanina’t nagbasa ulit ng libro. Hindi pa rin nagigising si Aki kaya iyun muna ang ginawa niya. Libro iyung naiwan ni Rose doon at nang basahin niya ay natuwa naman siya kaya pinagpatuloy niya lang. Never Fall by Joey J. Makatnangisip.

Tandang-tanda ni Helix kung ano ang nangyari kahapon. Kakagaling niya lang sa gym at kaka-park niya lang ng kotse niya tapat ng bahay nang makarinig siya ng kalabog sa likod. Akala niya ay may magnanakaw na nakapasoks sa compound ng bahay nila kaya mabilis siyang nagpunta roon. Noong una ay wala siyang nakitang tao roon ngunit nang makita niyang tila nagbugbog ang mga tanim na bulaklak ay agad siyanng naalarma. Lumingon siyang muli at doon niya nakita ang nakahandusay na si Aki.

Noong una ay tila ayaw pang pumasok sa utak ni Helix ang nakikita niya pero nang matanto nga niyang si Aki talaga iyun ay mabilis niya itong nilapitan at ginising. Aki was awake but drowsy. May iilang sugat din ito sa katawan at nang ma-check nga ni Helix na puwede niya itong buhatiin ay mabilis niya iyung ginawa. Ipinasok niya ito sa kotse at dahil nga sa labis na kaba at pagmamadali ay nabangga niya pa ang sarili nilang gate. Mabilis na tinanggap si Aki ng ospital at buo nga ang pasasalamat ni Helix nang sabihin ng mga doktor na ayos lang ito’t nagtamo lang ng ilang injury. That time, he called Rose’s office para ipaalam ang nangyari kay Aki ngunit labis na nadismaya si Helix nang sinabi nitong matatagalan pa ito bago makarating. Sinong taong nasa maayos na pagiisp ang uunahin ang trabaho kaysa sa sarili nitong partner? Dahil doon, walang nagawa si Helix kundi ang manatili sa tabi ni Aki hanggang dumating si Rose.

At sa mga oras ngang iyun na kasama niya si Aki ay hindi niya mapigilan ang sariling makaramdam ng awa. Oo, galit siya rito nang mag-propose si Rose rito noong graduation nito. He felt betrayed. Pero sa mga oras na iyun, seing Aki very helpless makes his heart ache. Gusto niyang sisihin ang sarili niya sa nangyari. It’s clear na nagtangka si Aki na mag-suicide at kung sana ay hindi niya pintagal ang galit niya rito’y baka naagapan niya ang nangyari rito.

“Helix…” Nahinto si Helix sa pagbabasa ng libro nang tawagin siya ni Aki. Gising na ito.

Tinignan niya lang ito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya hinintay niya lang itong magsalita pa.

“Are you still angry with me? Kasi kung oo, then I’m sorry. But what can I do? I’m just a kid who’s in love with a mature adult like you.” Umiyak ito.

Binaba ni Helix ang librong hawak-hawak niya. Nilapitan niya si Aki. Yumuko siya rito’t, hinalikan ang mga labi, “I’m not angry with my baby anymore.”

“Really?” Panay pa rin ang pagtulo ng mga luha nito.

“Yeah, pero kung gagawin mo ulit ang ginawa mo kahapon, magagalit ulit ako sa’yo, Aki.”

“I did not try to commit suicide, Helix.”

“Shh, just rest for now baby. Kailangan mo munang magpalakas. Because you know, I really miss you. And I know you miss me too. At alam mo naman siguro kung ano ang dapat nating gawin kapag na-miss natin ang isa’t-isa. I can’t fuck my baby if he’s as weak like this.”

Naghalikan silang muli ni Aki. Nginitian siya nito.

“Seryoso Helix, miss na miss kita. And I feel so worthless sa mga pagkakataong dineadma mo ako.”

“I’m sorry, baby. That’s just how I get jealous.”

“Fuck it, Helix.”

They kissed again. But this time, more torrid. More intense. At habang nangyayari nga iyun ay panay lang din ang pag-agos ng mga luha ni Aki. He really misses Helix. Very much.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon