CHAPTER 210 - ROSE

618 4 0
                                    


Kakababa pa lang nilang dalawa ni Ina mula sa bullet train ay nakaramdam na si Rose nang pananakit ng kanyang ulo. Dada lang dada si Ina habang nakasunod lang siya rito. At first, hindi lang pinansin ni Rose ang pananakit ng ulo niya ngunit nang makaramdam na siya ng kaonting pagkahilo ay doon na siya napahawak sa balikt ni Ina. Random people are passing by on their background at mas lalo pa iyung nagpadagdag sa sakit na nararamdaman ni Rose sa kanyang ulo. She feels like her head becomes a ticking bomb at anytime ay tila sasabog ito.

“Tapos alam mo ba? Nu’ng grade three ako, tumae ako sa isang C.R. na hindi nafa-flash ‘yung toilet. Justo, kung alam mo lang ‘yung ginawa ko nu’n, Rose! Kinuha ko pabalik ‘yung tae ko sa bowl---Rose? Huy, Rose! Jusko! Anong nangyayari sa’yo? Ayos ka lang ba?” tanong ni Ina sa kanya nang mapansin siya nitong mamutla ng matindi. Rose looks paler na tipong wala na itong natitirang dugo sa katawan. Nanlalamig din siya at nagkakanda-biyak-biyak ang mga labi.

“Upo muna tayo, please,” suhestiyon niya kay Ina. Halos pabulong na ang pagkakasabi niya rito. Bakas ang matinding pagod sa boses niya.

“O sige! Dali, dali! Kung matumba ka riyan, tatakbuhan talaga kita!”

Naupo silang pareho sa isang mini-restaurant sa loob ng train station. Umu-order si Ina ng hot coffee for them at pati na rin ng isang slice ng black forrest cake for her self at mainit na mainit na crab soup at pasta para kay Rose. Nang magsimula silang kumain, tinanong ni Ina si Rose kung okay na ba ang pakiramdam nito.

“Oh? Ano? ‘Di na ba masakit ulo mo? ‘Di ka na nahihilo?” Hinawakan ni Ina ang noo niya, “’Wala ka rin namang lagnat.”

“Yeah. Yeah. Sobrang ayos na, thanks for this,” pagpapasalamat ni Rose kay Ina sa mga in-order nito sa kanya.

“Ikaw naman kasi e. Siguro, tinpid-tinipid mo rin sigurpo ang pagdating sa pagkain. Umayos ka nga, Rose! May naipon kang 4 Million para sa kasal ninyo ni Aki pero aanhin mo naman ‘yung ganun kalaking halaga ng pera kung magkakasakit ka? Paano kung ma-tigok ka? Matas ang IQ mo pagdating sa pera pero ewan ko ba, ang bobo-bobo mo ‘pagdating sa sarili mo. ‘Yang natitirang pera mo, baka hindi mo na ‘yan magamit pangkasal ninyong dalawa ni Aki, baka mauwi ‘yan sa pagbili mo ng ataul sa sarili mo, sige ka.”

“Ina, I’m not sick. Hindi ko rin tinitipid ang sarili ko sa pagkain.”

“Sus! E ano ‘yang pagkahilo mo? Nautot ka lang?”

“May hinala akong iba…” Napatingin si Rose sa gilid niya. Kinutuban siya sa naiisip niya. It’s not impossible dahil makailang beses na ring may nangyari sa kanilang dalawa ni Aki. And as far as she can remember, Aki always comes inside her. Hindi rin sila gumamit ng kahit anong protections.

“Ano? Kabag?” tanong ni Ina sa kanya. Tumawa ito sabay nag-sip ng coffe. Ina took a slice of her cake, inambang isubo sabay take ng selfie. Tumatawa ito nang i-post niya na ang kuha niyang selfie IG.

Cake you want?  Or me, you want? Choose! Cake or me? #DubaiFeels : Caption ni Ina sa post niya na wala man lang nag-like.

“Ano ba ‘yan!” sabi niya nang mapansing nilalangaw ang post niya. She took another slice of cake at nag-selfie muli sa ibang anggulo. Iyung kita na talaga sa background na nasa Dubai siya. With high rise buildings on her back.

Habang ginagawa iyun ni Ina, nagsalita naman si Rose.

“Aki and I did it several times, I mean, nasabi ko naman sa’yo ‘di ba? We had sex for several times already kaya…” Natigil si Rose sa pagsasalita nang agad na um-interrupt si Ina sa kanya. Nilapit nito ang mukha sa mukha niya sabay bulong sa kanya.

“Oh my gosh, besh! You mean…” Nanlaki ang mga mata ni Ina sabay napatingin sa tiyan ni Rose as if may kung anong mayroon doon, as if may tinatago si Rose na foreign matter doon na lalabag ng matindi sa batas ng Dubai.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon