CHAPTER 226 - AKIHRO

260 3 0
                                    

“Don’t move yet. Na-injure ang kaliwang braso mo at pati na ang kanang binti mo. Hindi naman masyadong malala dahil hindi naman masyadong matigas ang binagsakan mo. Pasalamat ka, sa mga bulaklak ka bumagsak, or else, mas malala ang napala mo. Basta, huwag ka munang gumalaw.”

Okay, Helix is with him. And okay, nasa hospital siya. Parehong nakasemento ang kaliwang braso at kanang binti niya. Hindi niya rin halos magalaw ang buong katawan niya.

“I miss you, Helix. I miss you…” umiiyak niyang banggit dito. Nakaupo ito sa tabi niya.

“Aki, papunta na ang magiging asawa mo rito…” anito.

“Helix…” banggit ni Aki. Tumindi ng tumindi ang pag-iyak niya at habang nangyayari iyun ay mas lalong sumasakit ang katawan niya’t minsan ay napapaubo siya dahil sa sobrang sakit.

Tumitig lang si Helix sa kanya. Hindi nagpakita ng kahit anong ekspresyon sa mukha.

Maya-maya pa, kumalampag ang pinto ng kuwarto niya. Iniluwa nito si Rose. Umiiyak itong lumapit sa kanya. Sa pagiyak pa lang nito, alam na nitong sinabihan na ito ni Helix sa kung anong nangyari sa kanya.

“Kasalanan ko ‘to. I’m sorry, Aki. I should have not said those things I told you kaninang umaga.” Panay ang iyak ni Rose at habang nangyayari iyun ay umalis na rin si Helix. When he closes the door, nagkatagpo ang tingin nilang dalawa. And when he’s gone, lumuha lang ng labis si Aki.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon