CHAPTER 304 - AKIHIRO

325 4 0
                                    

“Rose? Rose? Please, listen to me first. Magpapaliwanag ako.” Nakasunod lang the whole time si Aki kay Rose habang paakyat silang dalawa sa papuntang second floor. Aki was trying to talk to her hindi siya nito pinapansin. He once grabbed her hand pero pumiglas lang ito. Hindi mapaliwanag na kaba ang naramdaman ni Aki sa mga reaksyon ni Rose sa panunuyo niya rito. Alam na ba niya? Fuck? Alam na ba niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Helix?

“Go ahead. Explain…” ani Rose nang makapasok sila sa kuwarto. She locks the door as she faces Aki while her arms are crossed. Maliwanag sa kuwarto nilang dalawa dahil nakabukas ang ilaw. Bagong laba na rin ang mga kurtina at naayos na rin ang mga kalat roon. Wala na rin iyung tambak na labahan ni Aki na noong mga nakaraang araw ay nakatambak lang sa laundry basket na palaging nakaupo sa gilid ng cabinet. Rose had surely washed it habang kasa-kasama niya si Helix sa buong araw na ito.

“I’m just hanging out with him…” Pawisan si Aki nang sabihin niya iyun.

“What?” Tumaas ang boses ni Rose.

“No, not what like you are thinking Rose. Lalaki kaming pareho ni Helix at walang namamagitan sa amin.” Aki lied. Nahirapan siyang sabihin iyun. May namuong bato sa lalamunan niya habang sinasabi niya ang mga katagang ‘yun.

“Ofcourse, Aki!” sigaw ni Rose. “Ang sa akin lang, bakit ka nakikipagkaibigan sa kanya? You know him! He smokes! He drinks! He has tattoos!” dagdag nito.

“Rose, hindi masamang tao si Helix. He’s a good guy. Hindi porke naninigarilyo siya, umiinum o may mga tattoo sa katawan ay masama na siyang tao. You are generalizing people, Rose. And it’s not nice.”

“Ofcourse, Aki! I will generalize dahil marami na akong nakitang gaya niya. I’m not judging him because I just want to judge him, hinuhusgahan ko siya dahil iyun ang nakikita ko at iyun ang pinapakita niya.”

“Just what the heck, Rose? Ano bang nangyari sa’yo at bigla kang naging judgmental?”

“Don’t change the topic, Aki! Sabihin mo nga sa akin, sa tatlong linggong wala ako… natuto ka na rin bang manigarilyo dahil kay Helix? Natuto ka na rin bang uminum? Don’t tell me nagpa-tattoo ka?” Nilapitan ni Rose si Aki at chi-neck ang katawan nito. Makailang beses nitong tinaas ang shirt niya, binaba ang shorts at boxers.

Nainsulto si Aki sa ginawa ni Rose sa kanya kaya napasigaw siya bigla habang binabalik ang mga damit niya. “Rose, ano ba!”

“Bakit? Am I not aloud to check you out? I’m your girlfriend Aki and we’re having a baby!” Rose suddenly becomes hysterical.

“I know Rose, I know.” Pinakalma ito ni Aki. Inaayos niya pa rin ang mga nahubo niyang damit.

“Alam mo ba ang sinabi sa akin ni Nikki nang dumating ako kaninang madaling araw? Alam mo ba? Sinabi niya lang naman sa akin kaya buong araw daw kayong hindi nakauwi ay may mga kinakangkang na kayong dalawa ni Helix na iba’t-ibang mga babae. At ako naman na may buong tiwala sayo ay hindi naniwala sa kanya. Pero Aki tangina lang, ba’t ngayon lang kayo umuwi? Buong araw na ba ang senior’s ball? Ba’t hindi ko alam? Bakit hindi ko alam? Aaaaah!” Tumili si Rose. Lumapit siya sa study table ni Aki at pinagwawasak ang mga frames nilang dalawa doon.

“Oh my God, please! Rose, please stay calm. Please!” Niyakap ni Aki si Rose mula sa likod. Kumalma ito nang magawa iyun ni Aki. Tila nawawala na ito sa sarili.

“Bitawan mo ako!” banta ni Rose.

“Bitawan mo ako, isa!” Agad na bumitaw si Aki.

“Rose, ano ba!” sigaw ni Aki nang magpunta si Rose sa may bintana, kinuha ang phone at may tinawagan.

“Rose!” Lumapit si Aki rito.

“Shut up, Aki because I’m just calling the people I know in your university at aalamin ko kung pumunta ka ba talaga sa senior’s ball kagabi!”

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon