CHAPTER 293.5 - NIKKI

451 3 0
                                    

“Ay gago! Madaling araw na pala!” pagmumura ni Nikki nang i-check niya ang oras sa cellphone niyang kaninang alas nuwebe ng gabi pa niya nilalaruan ng Mobile Legends. Sa katunayan ay nakasaksak pa sa outlet ang charger nito nang sagayon ay kahit naglalaro siya ay hindi siya magkaka-low battery.

Ibinaba niya ang cellphone niya malapit sa lampshade at kinusot ang laylay ng mga mata. Natuyo na rin sa mukha niya ang night cream na kasama sa skin care routine niya tuwing gabi. Sobrang tuyo na iyun na naging dahilan upang magmukhang basag na shell ng itlog ang mukha niya.

Dahil pinatay niya na rin ang ilaw sa loob ay kinapa niya ang tabi niya para makumpirma kung naroon na ba si Helix. Nang makumpirma niyang wala pa ay bigla siyang napatayo para buksan ang ilaw.

Kinakabahan siyang napatitig sa kama nila. Kumurap-kurap saglit si Nikki. Dali-dali niyang kinuhang muli ang cellphone niya para tignan kung anong oras na ba talaga at nang matanto niyang lagpas alos dos na ng madaling araw ay bigla siyang nangamba. Ayaw niya mang isipin na na baka nabangga ang sasakyan ng asawa niya ay iyun pa rin ang lumilitaw sa isipan niya. Nakagat niya ang labi niya’t mabilis niyang tinawagan si Helix. Kaso… out of reach ito.

“Helix! Helix!” Biglang nataranta si Nikki. Malakas ang kutob niyang na-aksidente ang asawa niya... o baka nabaril… o baka ginawang hostage. Kabisado niya ang oras ng pagdating nito. Pinakamatagal nitong oras na umuuwi ay alas dose ng gabi. At nangyayari lang iyun kapag may nagyayag kainuman sa asawa niya. Pero ngayon? Letche… anong oras na?!

Ura-urada siyang nagsuot ng robang kulay pilak kung saan iyun lang ang tanging tinapis niya sa katawan niya. Nagpa-panty lang kasi siya kapag natutulog o minsan ay wala na talaga. Hindi siya nagba-bra kasi hindi naman talaga dapat lalo na kapag matutulog na. Pero bukod sa panty niya ay hindi na siya nagsusuot ng iba. At ngayon, iyun na rin lang ang tanging panloob niya.

Sinuot niya ang flip-flops niya at dahil nga sa labis na pagmamadali ay magkaibang pares pa ang naisuot niya. Bumaba siya sa hagdan at agad-agad na lumabas ng pinto. Sa tindi nga ng kabang nararamdaman niya ngayon ay nakalimutan niya na iyung isara.

Tinakbo niya lang ang daan ng walang pagdadalawang isip. Panay ang pagyugyog ng boobs niya habang tumatakbo siya ng mabilis. Nahubuan pa siya panty pero hindi niya na inalintana iyun. Kailangan niya nang makarating sa pinakamalapit na police station para ma-report kung ano na ang nangyari sa asawa niya.

“Wait? Ano nga ba nangyari sa asawa ko?” Saglit na napatagil si Nikki nang matanong niya iyun sa kanyang sarili. As if may nagbulong sa kanya ng ideyang ‘yun na naging dahilan para mapaisip siya saglit.

“Ay bahala na nga! Doon ko na lang iisipin!” sita ni Nikki sa isipan niya, as if hindi niya puwedeng pagsabayin at ang pagiisip at pagtakbo. Lumuhod siya saglit at puwesto ng maigi gaya ng mga runners sa marathon. Ginawa niya iyun para humugot ng lakas at makalipas nga ang ilang sandali…

“YAAAAH!” bukang-buka ang bibig ni Nikki nang sinigaw niya iyun. At iyun nga, mabilis na siyang bumuwelo sa pagktakbo.

“AAAAAH!” sigaw ni Nikki nang may nakatagpo siyang sasakyan na may nagiisang headlight.

“TABI! GAGO KANG ANIMAL HINAYUPAK TANGINA KAAAAAAAAAAAH!!” sigaw ng may-ari ng sasakyan. Kaso hindi nakapagisip si Nikki dahil sa tindi ng takot na naramdaman niya at napayuko na lang siya. Akala niya ay mamamatay na talaga siya pero kinalaunan ay nadatanan niya naman ang sarili niya na kahit papaano ay humihinga pa rin siya.

Napatingin siya sa likod. Akala niya isang malaking motor ang bumangga sa kanya… iyun pala… maliit na biseklata lang na pagmamay-ari ng isan…. lady guard?

“OMAYGAD! OMAYGAD!” sigaw niya nang makita ang babaeng guard na nakahilita na sa ‘di kalayuan niya. Nayupi rin ang bisekleta nitong natapon sa may puno ng isang bahay.

Mabilis na tumakbo si Nikki patungo sa babae at nang magawa niya nga iyun ay agad iyung tinulungan.

“Ayos ka lang?” tanong niya sa babae nakauniporme bilang guard. Mukhang ka-edad niya lang ito. Nasa mga late 20’s na at medyo malusog ng kaonti.

“Sa tingin mong hinayupak ka?” sigaw ng lady guard sa kanya.

“Aba!” Napabuga si Nikki ng hininga. “Ikaw na nga kamuntikang nakasagasa sa akin tapos ako pa ang---” Natigilan si Nikki nang matitigan niyang maigi ang lady guarad na ngayon ay nakatayo na sa harap niya.

“Miranda?” banggit niya sa pangalan nito nang makilala niya.

Tinitigan siya ng lady guard. “Tangina, Nikki?”

“Miranda?”

“Nikki?”

“Miranda?”

“Nikki?”

“AAAH!” Bigla silang napatili nang makilala nila ang isa’t-isa. Miranda is Nikki’s bestfriend noong nagka-college pa lang sila. Kaso noong tumigil na siya sa pagaaral ay hindi na sila nagkita pa. Ngayon lang.

“Ba’t mukha ka nang hinayupak?” tanong ni Miranda sa kanya.

“Eh ikaw? Ba’t mukha ka nang baboy damo?” bawi naman ni Nikki rito pero imbes na magsamapalan ay nagtiliian lang sila.

“I miss you!”

“I miss you, too!”

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon