CHAPTER 227 - ROSE

256 2 0
                                    

Labis ang pagsisi ni Rose sa mga pinagsasabi niya kay Aki nitong umaga. Pakiramdam niya ay sumobra siya rito’t kaya ganito ang nangyari. Nauwi ang lahat sa pagtatangka nitong pagpapakatiwakal. Nang tumawag si Helix sa bangkong pinagtatrabahuan niya kaninang alas tres ng hapon, parang gumuho ang mundo ni Rose nang marinig ang sinabi nito. That Aki jumped off from the window of their room on the second flooe. Gusto niya nang umalis sa puntong iyun pero hindi maari dahil nasa kalagitnaan siya ng isang shareholder’s meeting at siya ang kasalukuyang nagbibigay ng presentation. She felt guilty na ngayon lang siya nakarating na halos mag-a-alas otso na ng gabi. What if Aki really died noong nagpi-present siya sa harap ng shareholders? Paano na lang?

Gusto niya mang yakapin ito ngayon pero hindi niya iyun maaring gawin sa kadahilanang napaka-sensitive pa ng katawan ni Aki sa pagkakataong ito. She asks forgiveness on him pero hindi ito nagsasalita at umiiyak lang. By ten pm, tinurukan si Aki nang pampatulog at pampakalma matapos itong hindi makatulog ng marakanas ng mas matitindi pang pananakit. Waalng ibang nagawa si Rose kundi panoorin lang ang paghihirap ni Aki. Paghihirap na dahil sa kagagawan niya.

By four in the morning, kahit sobrang nakakahiya, ay nag-request siya kay Helix na ayos lang ba kung bantayan nito si Aki. Hindi naman ito tumanggi kaya’t sobrang laki ang pasasalamat ni Rose. By five in the morning, umalis na siya nang dumating na ito kasama ng asawa nitong si Nikki.

Importante si Aki sa kanya but she can’t lose her job too na ngayon ay iyun lang katangi-tanging bumubuhay sa kanila. Kaka-promote lang sa kanya kaya hindi siya puwedeng lumiban ng basta’t-basta.

Bago tuluyang lumabas si Rose, napatingin siyang muli kay Aki na tulog pa rin sa patient bed.

“This is for us, Aki. This is for our future. Pipiliin ko ang trabaho ko ngayon pero hindi ibig sabihin na hindi na kita pinipili. I will always be choosing you. I will always be choosing us more than anything else. That’s why I’m choosing my job now, so that in the future, magiging malaya akong piliin ka ng paulit-ulit.”

Rose closes the door at kahit na sa paglabas niya sa ospital na iyun ay wala siya ibang inisip kundi si Aki. She will choose Aki over anything else. Kahit na kung ang pagpipilian lang ay sa pagitan ni Aki at ng kanyang sarili. Paulit-ulit niyang pipiliin si Aki. Paulit-ulit.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon