CHAPTER 337 - AKIHIRO

329 4 0
                                    

“Kuya Aki, what the hell happened to you?” Ilang minuto pagkatapos umalis ni Helix ay dumating naman si Kirin. Hindi pa tuluyang nakakaidlip si Aki nang iniluwa ito ng pintuan. Sinalubong agad siya nito ng mainit na yakap na nagdulot ng kaonting pananakit sa katawan niya. Yet, he didn’t mind it. Gaya ni Kirin sa kanya ay miss na miss na miss niya na rin ito.

“It was an accident, Kirin,” paliwanag ni Aki.

“But Ate Rose told me that you actually tried to suici---” Hindi na tinapos ni Kirin ang sinasabi. She’s afraid na baka hindi magustuhan ni Aki ang term na iyun.

“It’s fine,” Aki reassured her.

“Well, it’s a relief to know that its actually just an accident. You know, parang kuya na rin kita. And I will never accept it kapag nalaman kong nawala ka….” Lumambot bigla ang boses ni Kirin pero agad din naman itong tuminis. “Yah!” Sinapak niya si Aki sa braso nito. Napa-aray naman agad si Aki. “You should be careful next time, Kuya! Aish!”

“Oo na.” Natawa na lang si Aki. Umirap lang si Kirin.

“How about Lance? May balita ka pa rin ba sa kanya?” tanong ni Aki kay Kirin. Si Lance ang batchmate ni Aki na siya ring pinakaunang nakaalam sa relasyong namamagitan sa kanilang dalawa ni Helix. It’s the masscom guy na siya ring kumuha ng picture nilang dalawa ni Aki noong naghalikan silang dalawa ni Helix sa may likod ng university. The same guy who also shows those pictures during the seniors ball.

“Galit pa rin siya sa’yo Kuya Aki. And yes, I’m always updated about him. Nu’ng di-necline mo kasi ang offer ni Dad na mag-trabaho sa company namin, si Lance agad ang kinuha niya.”

Tumango lang si Aki sa sinabi nito. He can still feel Kirin’s disappointment on him for not accepting the opportunity that its father had given on him.

“Nasa public relations department siya. And he’s really doing his job very well. Sa katunayan nga niyan, mapo-promote na siya bilang department head ngayon. Ganu’n kabilis. Iyun nga lang, kilala mo naman si Lance. Very competitive yet very insecure…” paliwanag ni Kirin. At habang sinasabi nga nito ang mga bagay na iyun ay tila nagiging mahinhin din ito.

“What’s with the blushing cheeks?” nakangiting tanong ni Aki rito.

“Ha?” tila nagulat ito sa napansin ni Aki sa kanya.

Tinuro ni Aki ang cheeks niya. Agad iyung hinawakan ni Kirin. “Ha? Wala ‘to!”

“Kirin, you’re hiding something from me, I can feel it.”

“Ah, kuya. Ano kasi… uh….” Pinikit ni Kirin ang mga mata. Humugot ito ng hininga at nang makakuha ng tamang lakas ng loob ay agad niya ng binulalas ang kanina niya pang tinatagong impormasyon kay Aki.

“Kuya Aki, boyfriend ko na si Lance!”

“That jerk?” hindi makapaniwalang tanong ni Aki. He didn’t expect it. It was too soon at hindi niya rin alam magkakasundo rin pala ang dalawa. As he can remember, parang aso’t-pusa si Lance at Kirin. Walang kahit isang bagay itong nakakapagsunduan. They are a total opposite of each other. At isa pa, akala rin ni Aki na sobrang galit si Kirin kay Lance. Ilang beses din kasi nitong pinagtanggol siya mula rito. Lance is a bully towards him. At ayaw na ayaw iyun ni Kirin. Kaya labis na lang talaga ang gulat ni Aki sa inanunsyo nito ngayon.

“Yah!” Sinapak ni Kirin si Aki. Agad namang hinaplos ni Aki ang bahagi ng kanyang brasong sinapak nito. Grabeng babaeng ‘to! Ang sakit manapak! Babae ba talaga ‘to? Namumuro na ‘to sa akin ha? ‘Di niya rin ba nakikita na nasa patient bed pa ako? Aish! Turan ni Aki sa kanyang isipan. Hawak-hawak niya pa rin ang parte ng braso niyang sinapak nito. Pakiramdam niya, na-injured iyun. Kamuntikan pa siyang maiyak dahil sa sobrang sakit.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon