Navigare 58

7.9K 382 80
                                    

"He can, but he won't." Nick stated like it was a matter of fact. Tumingin siya sa crew ko at ni Maximo, "kilala mo ba ang kalaban, Kira?"

I nodded. "Joziah."

"Isinumpa ba ang lahat ng kanang kamay? Lahat traydor, e." Umiling-iling na saad ni Nick, he looked back—to my crew and Maximo's, and back at me. "Maximo is nowhere, you are the second highest in the order, what is your command, our queen?"

"I have no time for fucking plans. Let's all go inside and get wild and fucking slay the enemies!"

"Aye!"

Nauna akong sumugod, sa magkabilang gilid ko ay nandoon sina Charles at Nick. Mabilis ang pintig ng aking puso. Iniisip ko kung kumusta na si Maximo sa loob. Nang nasa loob na kami ng kastilyo ay tanging kadiliman at katahimikan ang sumalubong sa amin.

Ang tanging ingay na umaalingawngaw ay ang tunog ng aming mga sapatos habang naglalakad, dahil ito sa marmol na sahig. May mga piratang nagsindi sa mga torch na nakasabit sa bawat pillars. The place was dimly lit.

Nagulat ako dahil nang nagkaroon ng ilaw ay tumumbad sa aming mga mata ang maraming bangkay—maraming patay na tao, duguan sila. "Maximo seems to be doing fine without help." Nick chuckled. "Ah, this is why I hate being a part of his crew before, he always take all the kills and never spares one for us."

"Brings back memories." Charles laughed.

They used to be a part of Maximo's crew?

Hindi ko sila pinansin. I saw a trail of blood heading towards the stairs, probably caused by Maximo. He must have had stepped on one of Joziah's men's blood. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng tao, si Joziah pa.

Mula sa hagdan ay nakita ko ang isang bangkay ng lalaki na halos pahulog na sa barandilya, ang kan'yang dugo ay tila tubig na tumutulo pababa sa bawat hakbang ng hagdan.

May mga tauhan na sumunod sa akin. Nang nasa pangalawang palapag na ako ay doon na ako nakarinig ng mga kaluskos, nagtago ako sa likod ng pader, saktong iyon ay nakita ko ang takbuhan ng maraming mga tao—karamihan ay mula sa lupon, mga maharlika, halos magtulakan sila pababa sa hagdanan.

"Bilisan n'yo!" Boses ito ni Mermaid, mukhang siya ang nangunguna sa pagpapatakas sa kanilang lahat. Tila napansin ako ni Mermaid at lumapit siya sa akin. "Ate Kira!" Niyakap niya ako mula sa aking binti. "Si Ate K, kaka-dispose lang sa bagong bangkay, marami na namang panibago. Naaawa ako sa kan'yang." Lumabi siya.

Ngumiti naman ako at niyakap siya. "I'm glad that my little sister is safe."

Nangilid ng luha sa kan'yang mga mata, "nagulat ako, Ate Kira." Kumunot ang noo ko nang nakita na namumula ang kan'yang bunganga pati ang gilid nito, "tinapalan ng pesteng tauhan ni Joziah ang aking bunganga kanina para hindi ako makakanta at hipnotismo!" Halata ang inis sa kan'yang boses. "Humanda silang lahat!"

"Ilang tauhan ang mayroon si Joziah?"

"Mahigit limang libo, Ate Kira. Malaking kawalan ito sa ating lahat. Pero s'yempre, mas okay na, mas liliit ang mga taong papakainin ni Kuya Alexander."

Umiling na lang ako, tinanaw ko ang unang palapag mula sa p'westo at nakita ang ibang mga pirata na tila ginag'ward'yahan sila. Hindi sila p'wedeng lumabas sapagkat malakas ang pag-ulan. Ang tanging magagawa lang ay mag-convene sa malawak na espasyo ng lobby.

Tumingin ako kay Mermaid, humakbang siya papunta sa gitna ng hagdanan. Sa gitna ng una at pangalawang palapag. Nakita kong humugot siya ng malalim na hininga. Nagsimula siyang kumanta.

"Words are born into air, and quickly fade away, but the words will remain, like a scar permanently on our heart. Listen to the words that I am singing and let your souls be touched from the core, slowly you will fall, slowly you will rise."

Hindi ko alam ngunit tila kumalma ako dahil sa pagkanta ni Mermaid, hindi lamang ako, pati na rin sa iba pang nakakarinig sa kan'yang. Umalingawngaw ang kan'yang boses, nagkaroon ng katahimikan, tanging ang kan'yang pagkanta lamang ang naririnig at ang ulan sa labas.

"Kumalma kayong lahat." Utos ni Mermaid. And indeed, I was calmed, hindi na mabilis ang pagtibok ng aking puso. I was enthralled for a brief moment on the extraordinary ability of Mermaid, ngayon ko lang ito nakita. Tila handa akong sumunod sa lahat ng kan'yang gustong iutos.

Muli siyang bumalik sa akin at hinawakan ako sa aking kamay, "tara, Ate Kira. Nasa pangatlong palapag si Kuya Alexander."

Tumango ako at mabilis kaming tumakbo. Gaya ng inaasahan ko ay nakita ko ang nagkalat na bangkay ng mga kalaban. Mali ang taong binangga ni Joziah. I know he must be somewhere on this palace praying that Maximo will spare his life, and if he does, I will see to it that I kill him myself.

I cannot believe what I am seeing. This is the true strength of Maximo, all along... he was holding himself back. He is a beast—beast I want to tame.

Nang nasa pangatlong palapag na kami'y agad kong natanaw si Maximo, hinihingal na siya at duguan. "Maximo..." I whispered, tila narinig niya ako at lumingon. Nakita ko na nakatusok sa marmol ang kan'yang espada na tila ginagamit iyon upang suporta, upang makatayo nang matuwid. May mga galos at sugat sa kan'yang katawan.

Wala sa sarili akong tumakbo papunta sa kan'yang at saka siya niyakap nang mahigpit. "Bakit bigla ka na lang sumugod na mag-isa?!" Galit ko siyang yinugyog sa kan'yang balikat, umungol naman siya dahil sa sakit. "Gusto mo bang mamatay? O iwan ako?!" Doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko.

He gently smiled at me, his cold hands touched me on my cheek, wiping away my tears. "Don't cry, Starfish. I killed them all. But Joziah is nowhere to be found."

"Sssh... let's get you treated. Ang mahalaga, buhay ka pa. That's all I can ever ask for." Niyakap ko siya nang mahigpit, ngumiwi naman siya dahil sa kan'yang mga sugat. "Pasalamat ka iyan lang natamo mo." Suminghot ako.

"I know. I lost my mind for a few seconds."

"A-Ate Kira—" lumingon ako at nakita si Mermaid nang magsalita siya na tila nahihirapan, she looked at me with wide teary-eyes, she coughed blood. Nanlaki ang aking mga mata nang nakita ang buong pangyayari, mula sa gitna ng kan'yang dibdib ay nakita ko ang nakatusok na espada roon, may dugong tumutulo sa matulis nitong dulo, pumapatak sa sahig. Tila may nanghila sa espada palikod, saktong iyon ay humandusay sa malamig na sahig ang katawan niya.

"Mermaid!" I felt my warm tears gushing out of my eyes. "No. No. Mermaid!"

"Stupid kid." Tumingin ako sa lalaking nakangisi at kumuyom ang kamao. Wala akong ibang nadama sa mga sandaling ito kundi galit at pighati.

"Joziah." Bumilis ang aking paghinga, "I'll fucking kill you."

"Are you sure you can do that to your brother, Aki?" Joziah smiled wickedly. "I told you, I've come to take you back."

Shipwrecked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon