Navigare 22

23.5K 1K 154
                                    

When all pirates from Marco's crew were already on board the ship, they cut the rope down and started to sail. Pinasadahan ko ng tingin ang Siren Steel at ang mga tauhan ko doon na natutulog. Hmp! Tinulugan nila ang kanilang kapitana! Nilabas ko ang sandwich sa aking tuxedo, "hey Marco, are you hungry?" Tinaasan ko siya ng kilay sabay lahad ng sandwich.

"Don't eat it, Marco. That's what I used to make her crew sleep. May pampatulog na medicine which takes in effect fast." Singit ni Eli na bigla na lang lumitaw. Bumuntong-hininga ako at saka binato ang sandwich sa karagatan.

Ngumisi si Marco, "huh, you almost got me." Tinignan ni Marco si Kanoy, "take her to her temporary lodging. Man the door after. Okay?"

Tumango si Kanoy. Akmang hahawakan niya ako nang itaas ko ang dalawang kamay ko, "excuse me, no touching, I know where to go." Nauna na akong naglakad at sumunod si Kanoy. Nilingon ko si Marco at saka siya kinindatan na tila nang-aasar, pagkatapos ay binelatan ko siya.

Pumasok na ako sa cabin ko. The doorknob was already changed and the lock was from the outside. That means, I, who is about to go inside, cannot unlock the door the way I expected to. Huh. So Marco planned everything, huh?

Narinig ko ang pag-lock ni Kanoy sa pinto. I sighed and tried to turn the knob, I failed. At this point of juncture, I was craving to drink alcohol and smoke cigarette. My craving was making me utterly insane.

Saktong iyon ay narinig ko ang pag-ulan. The way I predicted. Naglakad ako papunta sa bintana. The window and veranda were barred with metal. The only entrance and exit is the door, which is guarded by Kanoy. Whoever he is.

If I want to escape, I need to know where we are going. Iyon ang aking inisip kaya naman naglakad ako papunta sa pintuan.

"Hey, Kanoy right?" I asked. "Alam kong naririnig mo ako mula dito. I mean, this cabin isn't soundproof."

"Opo."

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko, "look, just answer me. It's not like the chances of my escape will turn drastically high once you answer my damn questions. Look, I'm just frustrated. So I need someone to talk to. I mean, I want to talk to you." Lol. Am I using my charms with this old bastard?

"Ma'am, pwedeng Filipino? Hindi ko naintindihan ang sambit mo e."

Halos mapasapo ako sa aking noo. "Um, Manong Kanoy, saan po tayo pupunta?" Malumanay na sagot ko imbes na ulitin sa Filipino ang lahat ng sinabi.

"Ah, iyon lang naman pala. Ang dami pang satsat kanina, e. Hahaha. Ano po, ma'am... Sa port ng Sta. Klara tayo pupunta."

Tumango na lang ako.

"Ano ang planong gawin ni Marco sa akin?"

"Gagamitin ka po para kunin ang relic, parang trading po, tapos titigokin ka sa harap mismo ng itay mo."

"So, my dad knows I am coming, right?"

"Po?"

"Alam ni papa na pupunta ako, right?"

"Ano pong kinalaman ng kanan sa pagpunta mo?"

Puta.

"Ang ibig ko pong sabihin manong ay alam ni papa na pupunta ako, na kasama ako?"

"Malamang po. Tinawagan na ni Marco ang iyong itay kanina. Planado na ang lahat ng mangyayari."

"Kanoy, bakit mo sinasagot ang lahat ng tanong ni Kira?!" Narinig ko ang paglapit ni Marco mula sa kabila, "tanga ka ba? Bantayan mo lang siya!"

"Pasensya po, boss."

"Never talk to her. Understand?" Marco ordered.

"Hindi ko po naintindihan."

I chuckled.

"Tanga talaga. Ang sabi ko naiintindihan mo ba ako?"

"Bakit naman po hindi?" Halata ang taka sa boses ni Kanoy. Kung sinasadya niya lamang ito, this man deserves the clown of the year title. Somehow, his spirit boosted my morale. It was only sad that he's an enemy of mine.

"Huwag na lang ikaw ang magbantay. Ikaw ang papalit sa kan'yang." Aniya. Hindi ko man nakikita ang nangyayari sa kabila ay alam kong napalitan na ang magbabantay sa akin. Hays. "Open the door." Ani Marco at bumukas nga, tumumbad siya.

Naglakad siya papasok sa kwarto ko. "What do you want?" I scowled.

"Napag-isipan ko," Marco gazed at my body, sinamaan ko lamang siya ng tingin. "It would be a waste to kill you, why don't you join me? I'm planning on having my own flag. Not of the Renaissance pirate, but of something else. We could rule together."

"Not happening. I am loyal to Maximo."

"And where is Maximo exactly?" Natigilan ako dahil sa tanong ni Marco. Ngumisi naman siya. "He's never been there for you. Laging ako. From the beginning, it was always me."

"That doesn't change anything. Sa mata ko, isa ka pa ring traydor."

Bumuntong-hininga si Marco, "suit yourself. Be ready to die tonight."

"Wait, is Meliodas with you?"

"No. I expected that of him. He doesn't even care about vendetta. Only I do. He doesn't know anything."

Lalabas na sana siya nang pihitin niya ang busol ng pinto, "puta! Nagsabing i-lock mo ang pinto?!" Sigaw niya sa bagong bantay sa kabila.

I almost let out a laugh, humagikgik na lamang ako. Tila napahiya naman si Marco. Bumukas na ang pinto at lumabas na siya, nakita kong taasan ni Marco ng kamay ang gward'ya bago umalis. Matapos iyon ay sinara muli ang pinto at naiwan akong mag-isa.

Pinikit ko ang aking mga mata. Alam kong hindi ako papabayaan ni papa. I know he has already taken all measures to ensure my safety. Marco is already checkmated from the very moment he told my father that I was his hostage.

Papa, see you. I missed you. I have so many questions that only you can answer. Just wait for me. Wait for your daughter.

Shipwrecked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon