Epilogue

108 8 7
                                    

Ang paghalik ng dilim sa kalangitan, ang patuloy na paglamig ng kapaligiran, at ang halik ng kinang ng mga bituin ay panandaliang tumigil. Umurong ang araw ng pag-iisang dibdib ng demonyo at dyosa.

Tumapat ito sa pang-limang araw, kung saan nagkalat ang iba't-ibang mga aktibidad at kubol. Ang mga tanghalan at kasiyahan ng tao ay pumuno sa walong Imperyo, pinagdiriwang ang nalalapit na kasalan, lahat ay kinasasabikan ang mangyayari sa hinaharap.

Ang mga bata na nakatira sa labas ng palasyo ay kanya-kanyan ng laro, mga tradisyon at kulturang hanggang ngayon ay hindi natatapos, bumabakas ang kaginhawaan sa mukha ng mga batang paslit, inosente sa kasamaan ng mundong nakapaligid. Ang mga tindero at tindera ay hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga mamimili, nagsisigawan, nagpapalamangan. Napakaingay na paligid, ang isang bagay na nais kong mahangad. Nakatatakot ang sobrang katahimikan, nakamamatay.

Habang ang mga maharlika naman ay nagpapataasan, nagpapagandahan ng kasuotan, kung sino ang lamang. Kung sino ang mas dapat tinitingala, ang mas dapat kaluguran, mga ganid sa atensyon ng mga nilalang. Kumikinang ang mga kristal sa iba't-ibang parte ng pang-taas na katawan, nagtatago sa dami sa mga polseras, samantalang ang iba ay nakontento na lamang sa kung ano ang meron sila.

Ganito kasakit, kahirap at kagulo ang mundo, lalo na kapag nasa pagitan ka, makikita at mararanasan mo ang lahat bago ka makapag-pasya kung kanino dapat tumingala.

"Ate.." Napangiti ako saka ito hinarap.

Lumawak ang aking ngiti ng makita ang suot nitong kwintas, ang kwintas ni Takara.

Nilapitan ko ito saka hinaplos ang kanyang buhok.

"Sadyang napakaganda ng aking kapatid." Yumukod ako saka hinalikan ang kanyang mga mata.

Ang kaawa-awa kong kapatid ay nabiktima rin ng kasamaan ni Sehira, ng nagbubuntis ang aking Ina sakanya ay hinaluan nito ng kakaibang likido ang inumin ni Ina dahilan para mabulag ang aking kapatid, at tanging ang kanya lamang na pandama ang kanyang ginagamit.

"Ate.." Kinapa-kapa nito ang aking mukha.

"Cloe, na saan sila Ina?" Inayos ko ang buhok nito saka niyakap, kakaiba talaga ang bigay na init ng iyong kapatid, naghahatid ng ibang pakiramdam saakin.

"Nasa loob sila ng silid ni Ama." Tinanguan ko ito.

Saglit na dumaan ang katahimikan, kapwa pinakikinggan ang tawa ng mga batang paslit, tila isang musika saaking pandinig. Nais ko na rin ng aking sariling anak.

Napangisi ako sa naisip, siguradong tatalon sa tuwa ang tusong kamahalan kapag nalaman ang nasa aking isipan.

"Ang kamahalan, nakita mo ba?"

Dahan-dahan itong umiling saakin, tila hindi sigurado sakanyang sagot.

"Noong umaga ay nasa silid-aklatan siya, ngunit hindi ko na alam kung saan siya nagtungo ngayon." Lihim akong ngumiwi.

Ano naman ang gagawin ni Kamahalan sa loob ng silid-aklatan? Maaari naman siyang matulog sakanyang silid.

Napaigtad ako ng tumunog ang trumpeta, hudyat na dumating na ang sasakyan namin papunta sa lugar ng kasalan ng dyos ng kadiliman at dyosa ng lahat. At tanging ang mga inanyayahan lamang ng dyosa ang maaaring makapunta, kahit pa mababa ang antas nila sa buhay.

Huminto ang isang pegasus saaming harapan, sa likod nito ay nakakabit ang tali sa karwahe. Nagkukumahog na nagsilapitan ang mga maharlika ngunit kaagad naman itong hinarang ng kawal na lumabas mula sa loob ng karwahe.

Nagsalita ito na ikinais ng iba.

"Tanging ang mga inanyayahan lamang ang maaaring makadalo! Hintayin niyo na lamang ang takipsilim, kung saan tuluyan ng kumagat ang dilim, maaari niyo ng malamang tapos na ang kasal." Paliwanag nito, kaagad na binatikos ng mga hindi naanyayahan sa kasal.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now