Chapter 8

59 9 1
                                    

Dahan-dahan kong ininom ang laman ng kopitang hawak ko.

Si Erela mismo ang naglagay ng gamot sa kopitang ito, siya ang gumawa at naglapat ng spell dito.

Mataman kong tinitigan ang larawan ng dating pinuno, ang dalagang bersyon nito. Napakaganda nito sa suot na puting damit. Hindi ko mawari kung bakit hindi niya kasama ang kanyang kapareha, gayong maaari naman pa lang hindi sundin ang patakaran.

Ngayon ko napagtanto, ano nga ba ang mga dapat gawin ng isang mensahera? Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin saakin ang mga ginagawa ng dating pinuno noon.

"Tila'y napakalalim naman ata ng iyong iniisip, Cleo? Maaari ko bang malaman kung ano iyon?" Inikot ko ang hawak na kopita.

"CC, alam mo ba ang tungkulin ng isang sugo ng dyosa? Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na sulat mula sa dyosa ng lahat?" Natahimik ito at tumingala din sa larawan ng yumaong pinuno.

"Alam mo ba ang totoo kong pangalan, Cleo?" Dahan-dahan akong umiling sakanya.

"Crown. Crown Cerberus." Tumingin ako dito.

"Si Mama ang nagbigay ng palayaw na iyon saakin, para itago ang tunay kong pangalan." Kumunot ang aking noo.

"Ano ang gusto mong ipahiwatig, CC?" Muli itong natahimik.

At nang hindi ko na kinaya ang tensyon ay tinungga ko na ang laman ng baso.

"Nagtatago, nais magtago ng dyosa." Napahawak ako saaking sentido.

Sa nakalipas na araw ay puro rebelasyon at mga katunangan ang nalalalaman ko. Wala na ba akong makukuhang sagot?

"Buong akala ko'y hanggang ngayon ay iniisip mo ang nangyari sa loob ng silid-aklatan. Nagkamali pala ako."

"CC, hindi ko nais na magulong muli ang utak ko."

"Alam ko ang pakiramdam na iyan, Cleo. Huwag kang mag-aalala, pati kami ay naguguluhan din sa mga pangyayari." Inilapag ko ang hawak na kopita sa lamesa.

"Sa tingin mo, CC. Bakit nagtatago ang dyosa ng lahat? Samantalang nasa kanya na ang lahat." Ngumisi ito saakin.

"Sa tingin mo ba talaga'y, nasa kanya na ang lahat?" Umiling-iling ito.

"Hindi mo pa nakikita ang parte niya, Cleo. Paano mo nasabing nasa kanya na ang lahat?"

Lihim akong napalunok.

Tama siya, hindi ko pa nakikita ang parte ng dyosa ng lahat. Wala akong karapatang magsabi na para bang sigurado ako sa isang bagay gayung hindi ko naman nakita.

"Anong uri ka ng nilalang, Cleo? Hanggang ngayon ay palaisipan saakin kung ano ka ba talaga. Ngunit nasisigurado akong hindi ako isang dyosa."

"Hindi ko rin alam kung ano ako, CC. Basta't ang alam ko'y kailangan kong ikubli ang aking totoong anyo."

"Tama, magkubli ka muna Cleo. Hindi pa tayo nakakasigurado kung anong mangyayari sa oras na makita ka nila." Tumalikod ito saakin.

"Siya nga pala, itutuloy natin ang pag-uusap mamayang gabi." Naglakad na ito paalis, pinanood ko lamang itong makalayo ngunit napahinto rin.

"Itanggi mong wala kami dito, katulad mo. Nais rin naming magkubli, Cleo."

Nang hapong iyon ay hindi ako nakapagpahinga, pabiling-biling ako sa kama. Pilit iniisip ang sinabi ni CC.

Anong ibig niyang ipahiwatig?

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Cleo.."

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now