Chapter 22

41 5 1
                                    

"Ano ang iyong kailangan, lalaki? Ibalik mo saakin ang patalim." Ngumisi ito saakin.

"Punyal, binibini. Isa itong punyal."

"Kung ano man ang itawag mo riyan ay wala akong pakelam, akin iyan. Kung kaya't ibalik mo." Pinaglaruan nito ang punyal sa kanyang kamay, kasabay nito ang paghawi ng mga kawal.

"Ako ng bahala, mahal na hari. Tutal saakin naman iyan." Tinitigan ko ito ng masama.

Tila ako isang bagay sa uri ng kanyang pananalita.

Tumango ang hangal na hari bago ako sinamaan ng tingin.

"Umalis na tayo, mga kawal." Nang tumalikod na paalis ang mga ito ay humakbang ako paatras.

Mabilis na lumingon saakin ang lalaki.

"Wala kang makukuha saakin, palayain mo na lamang ako, lalaki." Humakbang ito palapit.

Damn. I can't runaway, nasa kanya ang punyal.

"Napakatapang para sa isang bihag." Napapailing na saad nito.

Luminga ako sa paligid.

Na saan na ba ang kawal na iyon? Mananagot talaga siya saakin.

"Batid mo bang ipinanalo ko ang laro dahil saiyo? Tapos hahanapin mo lamang ang kawal na iyon?" Nilingon ko ito.

Paano niya nabasa ang nasa isipan ko?

"Hindi ko sinabi saiyong ipanalo mo ang laro, kung kaya't huwag mo akong pagmukhaing walang utang na loob." Umayos ako ng tayo.

Nais ko ng tanggalin ang tali ko, bakit kasi napakahigpit ng pagkakatali nito?

Nagsimula na akong kamutin ang aking balat.

"Alam mo lalaki, hindi ko maunawaan ang inyong palaro, bakit kailangan pang babae ang gawing premyo?" Napailing ako.

Pati ang paa ko ay kinamot ko na, makati ang damo saaking paa.

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ng lalaki saka binuhat ng parang sako.

"Come, nangangati na ang mahal na prinsesa." Pumiglas ako dito.

"Bitawan mo ako, lalaki. Kailangan ako ng aking Lola!!" Ikinawag ko ang aking mga paa hanggang sa masipa ko ang tyan nito.

"Damn. Woman." Napasigaw ako sa gulat ng bigla ako nitong alisin mula sa kanyang balikat saka inilipat sa kanyang mga bisig.

"Ano ba!?! Ibaba mo ako, lalaki." Hindi ito sumagot, bagkos ay naglakad palapit sa isang malaking puno.

Muli kong ikinawag ang aking paa.

I don't want to feel like this, hopeless in someone's arms.

"Stop wiggling, Cleo." Natigilan ako saka nag-angat ng tingin sakanya.

Umupo ito sa lilim ng puno kasama ako.

"Hindi Cleo ang pangalan ko, lalaki." Tumaas ang kilay nito.

"Hindi ba? Kung ganon anong pangalan mo, mahal na prinsesa?" Kumunot ang noo ko ng kunin nito ang aking kamay.

Iniamang nito ang punyal sa tali saka maingat itong tinanggal.

"Anong ginagawa mo?" Pinanood ko lamang kung paano nito tanggalin ang tali.

"Hindi ka ba natatakot na tumakbo akong muli?" Nag-angat ito ng tingin saakin.

"Tatakbo ka ba?" Hindi ako nakaimik saka tumitig sakanya.

Tatakbo nga ba ako?

Nasa kanya ang punyal, hindi ako pwedeng umalis ng wala iyon. Siguradong mahalaga iyon kay Lola dahil itinago niya pa talaga ito sa ilalim ng lupa.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now