Chapter 19

38 6 2
                                    

Sikreto ay nagkukubli. Ngunit hindi habang buhay ito ay maglalagi.

Isang araw lamang ang tinagal ko sa loob ng unibersidad. Hindi ko maunawaan kung bakit ako lagi ang napagtutuunan ng pansin, ng galit, ng inis na hindi ko mawari kung saan nanggagaling.

Magmula kay pinunong Takara, ang mga nagnanais sa aking kapangyarihan hanggang kay maestro Cestor. Ano ba ang nais nila saakin?

Habang buhay na ba akong matatali sa pagtatago? Sa paglilipat ng makukubliha? Hanggang kailan nga ba ako makakadena sa mga taong napupuno ng sikreto?

Maingat kong isinilid saaking kasuotan ang punyal at ang taalarawan ni Takara. Kailanman ay hindi ko ito ibibigay kay maestro Cestor.

Napalingon ako sa pinto ng makarinig ng kalabugan.

"Hanapin niyo siya! Siguradong hindi pa nakakalayo ang isang iyon."

Mabilis kong tinungo ang teresa at maingat na tumingin sa ibaba. Walang anumang nakabantay.

Nilingon ko muna ang aking silid bago tumalon.

Mabuti na lamang ay ng mga oras na malaman ng kawal ang nangyari ay wala sila doon, kung hindi ay sa loob pa lamang ng court ay nadakip na ako. Hindi maaaring mapunta sakanila ang punyal, kailangan ko pa ito magpasa-hanggang ngayon.

Tumakbo ako papunta sa loob ng kagubatan saka nagkubli sa isang matayog na puno.

Hindi ko maaaring gamitin ang aking kapangyarihan dahil sa maaari nilang malaman ang lokasyon ko, kailangan kong mag-ingat kong gusto kong makalabas ng buo sa unibersidad na ito.

Walang estudyante ang pinalabas mula sa court, maging sila Erela. Dahil batid kong alam nilang masisira ang buong unibersidad sa paghahanap saakin, wala silang nais madamay sa gulo. At ganun din ako.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid bago muling tumakbo sa isa pang puno at nagkubling muli. Kailangan kong malaman kung na saan ang lagusan palabas. Hindi ko maaaring bulungan ang hangin, maaari nila itong marinig.

Natigilan ako ng makarinig ng yabag.

Tumingin ako sa paligid, napamura ako ng makitang nakalayo ng isa pang puno.

Kailangan kong makatakbo papunta doon ng hindi nila napapansin.

Mariin akong napahawak saaking damit ng huminto ang yabag, kailangan ko siyang lituhin.

Kailangan kong makapasok sa loob ng paaralan upang makapunta sa lagusan ng kawalan. Doon na lamang ako dadaan dahil sigurado akong puno na ng kawal ang lagusan palabas.

Dahan-dahan akong umupo saka pumulot ng bato.

"Alam kong naririyan ka, lumabas ka na, mag-aaral. Wala ka ng takas." Mabilis kong binato ito sa malayo.

Kaagad namang naalarma ang kawal saka napatakbo sa direksyon ng pinagbatuhan ko.

Tss. Idiot.

Pinagpagan ko ang aking kamay saka naglakad papunta sa isang karwahe, natigilan ako ng makita ko ang kutsero.

Lalaki.

Napangisi ako saka tahimik na naglakad papunta dito. Tumingin muna ako sa paligid ng makalapit ako sakanya, ng makita kong walang ibang nilalang ay kaagad kong hinampas ang batok nito. Maingat ko itong sinalo saka dinala sa gubat, kinuha ko ang sumbrero nito saka pinalitan ang aking kasuotan. Panigurado akong nakita na nila ang aking damit, kailangan kong magmadali.

Iniwan ko ang aking damit sa tabi ng lalaki saka pinuntahan ang karwahe at pinaandar ito.

Dito sa unibersidad ng Felizteo ay mas lamang ang babaeng kutsero kaysa sa lalaki, mas marami ang babaeng marunong magpaamo ng kabayo. Kung kaya't sigurado akong hindi nila ako mapapansin sa oras na magpunta ako sa loob ng paaralan.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now