Chapter 20

41 5 2
                                    

Hangin, ang bumubuhay sa mga mortal, dugo, para sa mga bampira. At pagkain ang bumubuhay sa mga nilalang na walang pangil.

Ang apat na elemento ay nakapaligid saakin, hangin nagmumula sa kanluran, tubig na dumadaloy mula sa silangan, apoy na nabubuo mula hilaga at lupa nagmumula mula sa timog. Ang mga elementong hindi kakayaning mawala ng isang nilalang, ang buhay ng isang mortal at immortal.

Tatatlo lang naman ang pagkakaiba nila, mas mahaba ang buhay ng immortal kesa sa mortal. Mas malakas ang immortal kesa sa mga mortal at ang panghuli, mas matalino ang immortal kesa sa mga mortal.

Kung tutuusin ay mas lamang ang mga immortal sa lahat ng uri, ngunit lahat ay may kahinaan.

Kung mawawala ang kalikasan, ano ang mangyayari sa dalawang uri ng nilalang?

"Lei, ano pa ang ginagawa mo? Huwag mong hintayin na bumuhos ang malakas ng ulan at hindi pa tayo nakakapag-ani, halika at tulungan na ako rito." Mabilis kong nilingon si Lola Leresa.

"Opo." Lumakad na ako palapit dito saka tumulong.

"Huwag kang masyadong mag-isip, muling sasakit ang iyong ulo." Ngumiti ako dito.

"Opo Lola." Si Lola Leresa, ang babaeng nakamulatan ko na. Sabi niya ay natagpuan niya ako sa tabi ng ilog noong bata pa lamang ako, at kaya ako walang maalala ay dahil tumama daw ang ulo ko sa bato.

Hindi niya kilala ang aking mga magulang, at dahil wala namang ibang nilalang na nakatira malapit sa bukirin ay hindi na nagtangka pa na hanapin ni Lola Leresa ang aking mga magulang, baka daw ay mapunta pa ako sa mga masasamang nilalang. Itinuring ko na siyang tunay kong Lola, kahit pa hindi ko siya kadugo.

Matapos naming mag-ani ay inilagay na namin ito sa isang mahiwagang palayok upang gawing kanin.

Si Lola Leresa ay isang mangkukulam, isang maharlika, ngunit dahil hindi pumayag ang kanyang mga magulang na magpakasal siya sa kanyang kapareha ay nagtanan sila, at dito na nga sila napunta, nanirahan ng tahimik ngunit hindi nabiyayaan ng anak. Namatay ang kanyang asawa dahil nakita ito ng isa sa mga kawal ng kanyang mga magulang sa gitna ng kagubatan. Ngunit nanatili siya sa bukirin na ito, ang natatanging ala-ala ng kanyang yumaong asawa. Yaan ang kwento niya saakin.

"Magmadali ka, Lei. Kuhanin mo na ang mga kasuotan natin sa labas, papatak na ang ulan." Tumango ako dito saka tumakbo palabas at sinikop ang mga damit, saka dinala sa loob.

Nang maluto na ang pagkain ay hinainan ko na ito saka tiniklop ang damit.

"Bakit hindi ka muna kumain, Lei? Mamaya ka na gumawa, gugutumin ka anak." Nginitian ko ito.

"Hindi pa po ako gutom, Lola. Ayos lamang ako. Mamaya na lamang, iinom ka pa ng gamot Lola." Ngumiti ito saakin.

Hindi ko batid ang nararamdaman ko sa'twing tinatawag niya akong anak, pakiramdam ko ay may totoo akong ina. Itinuring niya talaga akong totoong anak, na hindi ko malaman kung bakit hanggang ngayon ay naninibago ako sa ganitong pakiramdam.

Dahil ba sa wala akong maalala o dahil sa wala talaga akong magulang na nag-aruga saakin?

Iyan ang lagi kong tinatanong saaking sarili, kung may magulang nga ba talaga ako bago ako mawalan ng ala-ala, kung may kapatid o kaibigan man lang. Wala man akong maramdamang kung anumang koneksyon kay Lola Leresa, ngunit isa lamang ang sigurado ko. Siya na ang magulang ko ngayon, hinding-hindi ko siya iiwang mag-isa.

Tumingin ako sa labas ng umihip ang malakas na hangin, nagbabadya na ang pagsisimula ng unang patak ng ulan ngayong buwan.

"Malamig ang tulog natin ngayong gabi, anak. Papatak ang ulan." Tumango ako dito saka lumapit, sasabayan ko na siyang kumain.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora