Chapter 30

40 5 0
                                    

Walang katapusang pagdurusa, pag-agos ng mga luha, patuloy na dinaramdam. Sakit ay nanunuot sa bawat pintig ng puso, nasagot na ang aking palaisipan, napakasakit isipin na pinagtaksilan ng kaibigan.

Muling lumakas ang hangin, ang pintig ng aking puso, ang sakit ng pagta-traydor. Kailan nga ba matatapos?

Isang huwad na akala, huwad na pag-ibig sa isang kaibigan. Sapat na nga ba ang mga luha? Ang pasakit ng bawat salita? Ang kirot ng aming pinagsamahan?

"Na saan ang kamahalan?" Yumukod ang isang kawal bago sumagot.

"Nasa kanyang silid." Mabilis ko itong nilagpasan ng madama ko ang pagdaloy ng init mula saaking dibdib paakyat saaking ulo.

"Cleo!!" Binalot ng isang malakas at napakalamig na hangin ang aking paligid, maski ang madaanan kong mga gamit ay napapagalaw sa lakas nito. Hindi ko maunawaan, saan nanggagaling ang hangin?

Napahinto ako sa harap ng salamin, nakikita ko ang isang babaeng may nag-aapoy na mata at kulay pulang buhok, sa kabila ng init na dala. Naghahatid ng lamig ang temperatura, sino ang babaeng estranghera?

"Cleo!!!" Kaninong tinig ang aking naririnig? Bakit kahit lumingon ako sa paligid ay napakadilim? Iniwan ba nila akong nag-iisa? Kung gayun ay bakit?

"Cleo!! Itigil mo iyan!!!" Muli akong naglakad ng mabagal, hanggang sa bumilis ng bumilis at nakarating ako sa isang pinto, napaka-init, napakalamig. Naghahalo ang aking pakiramdam, ngunit ano nga ba ang mas hihigit?

Itinapat ko ang aking kamay sa pinto, ngunit hindi ko pa man ito naitutulak pabukas ay bumabalibag na ito. Tumalsik ang pinto, sino ang may kagagawan nito? Tila isang napakalakas na nilalang, nakamamangha.

"Cleo! Kontrolin mo ang iyong emosyon! Huwag mong hayaang sakupin ka ng galit!!" Galit? Napupuno nga ba ako ng galit? Ngunit bakit pinaghalong lamig at init ang aking pakiramdam? Dinapuan na nga ba ako ng sakit?

Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito, naghahalo ang dalawang temperatura, tila gusto kong matunaw. Malusaw, mawala man lang sa ganitong pakiramdam. Bakit kailangan ko itong madama?

Sa oras na dumapo ang mga mata ko sa kama ay naramdaman ko ang paghahalo ng init at lamig, umikot hanggang sa unti-unting naghalo. Tila umikot ang aking paningin dahil sa kakaibang temperatura. Wala sa sariling naitaas ko ang aking kamay sa tapat ng babae, huminga ako ng malalim bago biglaang kumawala ang namuong temperatura.

Nagising ang Kamahalan.

"Kefiru! Pigilan mo siya!" Mas lalong nag-init ang aking pakiramdam ng magsalita ang babae.

Dahan-dahang sumagi saaking isip ang nangyari bago ako makarating sa loob ng palasyo, ang pag-uusap na naganap sa pagitan namin ni Lucia.

Kailanman ay hindi ko na nais pang banggitin ang kanyang pangalan, ngunit ito pa rin ay aking binigkas.

"Sehira." Bakas ang takot sa mga mata nito habang mariing nakatitig saakin.

Dahan-dahan akong lumakad palapit dito, habang unti-unti namang napapaupo si Kamahalan sa kama.

"C-cleo.."

"Matalik kong kaibigan, kailangan nga ulit kita nakilala?" Pinagdikit ko ang aking mga palad.

"C-cleo. Natutulog lamang ako.."

"Ito ba ay noong tinulungan kitang buksan ang agusan ng tubig? O ng tulungan kita sa pagluluto ng pagkain? O noon bang gamutin ko ang mga sugat mo mula sa latay ng latigo?" Kita ko ang panginginig ng mga labi nito.

"Sehira.." Napuno ng galak ang mata nito ng makita si Lovisa.

"Walang lalabas ng silid." Bumaling ang tingin nito saakin.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now