Chapter 29

37 5 0
                                    

"I love you too, Kefiru Ecanus Archon. Ikaw lamang ang mamahalin ko sa dulo ng aking buhay.."

Nakagat ko ang aking labi ng muli itong mahulog mula sakanyang kinauupuan.

Mabilis naman itong nakahuma at tumayo. Sinamaan ako nito ng tingin bago padabog na lumabas ng hapag. Sinulyapan ko si Ina. Patuloy lamang itong kumakain, tila ba walang pakielam sa paligid.

"Ina, susunduan ko lamang." Tumayo ako saka naglakad palabas ng silid.

Ngunit natigilan ako ng kusa itong bumukas at pumasok ang hari at si Ama. Kaagad akong napahakbang paatras at napakapit sa lamesa.

Dama ko ang pagtayo ni Ina saaking tabi. Batid na hindi ko pa kayang makita ang aking Ama, nag-iwas ako ng tingin saka sumiksik kay Ina.

Nais ko na lamang lumabas at tuluyan ng hindi ituloy ang pagkain.

"Sundan mo muna si Kefiru, anak. Sabay na lamang kayong kumain." Marahan akong tumango saka nakayukong nilagpasan sila.

"Apo, ano ang problema?" Napatigil ako sa paglalakad saka nilingon ang hari.

Nginitian ko ito.

"Wala po iyon, mahal na hari. Nagtatampo lamang ang aking kapareha." Sumilay ang ngisi sa labi nito.

"Katulad na katulad ng iyong Ama." Tumama ang mata ko kay Ama ngunit kaagad din akong umiwas, hindi ko matagalan ang sinasabi ng kanyang mga mata.

"Kung inyong mamarapatin, ako ay aalis na." Nakatungo akong lumabas ng silid.

Mabilis kong itinaas ang kamay.

"Hanging aking buhay

Isama ako sa iyong paglalakbay

Dalhin ako sa hinirang na kamahalan

Tangayin ako ng iyong pagpaparam."

Umikot ang hangin saakin, lumalakas at humihina. Tila ba may nais humila paalis, hindi ako nais paalisin.

Pumikit ako saka pinadaloy ang hangin saaking balat, nanlalamig sa bawat bawat pagdampi nito saaking katawan.

"Dinggin ako, hangin

Alisin ako saaking kinalalagakan

Hindi ko pa nais masilayan

Nasasaktan pa ang aking damdamin."

Dumaloy sa bawat ugat ko ang hangin, napahinga ako ng malalim ng umabot ito hanggang saaking leeg. Tumingala ako saka hinayaang dalhin ng hangin, tangayin sa lugar na hindi ko batid.

"Hangin na aking kasangga

Palakasin ang aking katawan

Hindi ko pa nais mamahinga

Nais ko pang masilayan ang nagtampong kamahalan."

Unti-unting tumaas ang aking paa, tila ako lumulutang sa alapaap, tila isang ibon. Isang ibon na malaya, nakalaya rin sa mga pag-iisip ng problema.

Kamahalan, malapit na ako.

Napadilat ako ng madama ko ang lupa saaking paa, nadala ng hangin ang sapin ko sa paa.

Umikot ang tingin ko sa paligid, huminto ito sa matayog na puno na inakyatan namin ni Ina. Mukhang nasa itaas ang kamahalan, dahil dito ako dinala ng hangin.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now