Prologue

297 23 1
                                    

"Chained by the past

Sorrow filled the hearts

Never replace by a kindness

Witches filled the bitterness

They're once a princess

Beautiful and sadness

Legend can't erase

But truth is still hidden."

-Valdemour

Matiim kong tinitigan ang librong aking hawak, librong naglalaman ng iba't-ibang impormasyon na nagmula saaking paboritong manunulat.

Sa mga aklat na may nakasaad na istorya, sa bawat dyanra ng pantasya. Isa sa mga kalaban ng mga prinsesa ay mangkukulam, sila ang laging dahilan ng lahat, ang nasisisi at napaparusahan. Sila ang mali sa mata ng lahat, sa mundong libro lamang ang inaasahan.

May kanya-kanya mang paniniwala, iisa lamang ang itinuturong pinakamababa. Mangkukulam, sila ang dahilan kung bakit palaging nalalayo ang prinsesa sakanya prinsepe. Ang humahadlang sa maraming adhikain.

Ngunit hindi ba nila alam ang aming paghihirap? Ang mga sakripisyong aming ginagawa? Mapangatawanan lamang namin na kami'y hindi masama.

Ngunit hindi ba nila alam? Na kung hindi sila natalunton ng kanilang mga prinsipe at si pinunong Takara ang nagligtas sakanila ay matutulad sila saamin?

Isa ako sa mga prinsesang tuluyang naging mangkukulam dahil hindi dumating ang kanyang prinsepe.

Isang natural na mangkukulam, berde ang balat, matulis at matangos ang ilong, mahaba ang baba at higit sa lahat kulot at sabog ang itim na buhok. May suot din kaming itim na bestida na humahalik sa sahig at itim na sumbrero na pang-witch. Tipikal na mangkukulam.

Tinitigan ko ang nakatalang pahayag sa mahiwagang libro ni pinunong Takara. Ang namumuno sa buong kaharian ng Binnevia, maliit lamang ang kaharian na ito kung ikukumpara sa mga nakapalibot sa mundong ito.

Sigurado akong kagagalitan na naman ako nito kapag napagalamang nakakabasa at nagbabasa ako ng wikang Ingles. Mahigpit kasing ipinagbabawal ang pagtuklas sa mga mababang uri kagaya namin ang mga ganito. Kapag kasi natuto ng makapagbasa at magsulat ay itinitigil na sa pagpapaaral sa bata.

Dito sa mundo kung saan namulatan ko ang karahasan, masasabi kong hindi na talaga kami makakawala sa mahigpit na kamay ni pinunong Takara. Ngunit kahit alam ko kung paano at saan ang daan paalis ay ni minsan hindi ko ginawa.

Bumuntong-hininga ako bago ibinalik ang libro.

Ilang daang taon na ang lumipas mula ng hindi ako siputin at iligtas ng lalaking akala ko ay makakasama ko habang buhay. Totoo ang dragon, totoo ang mataas na tore at higit sa lahat, totoo ang far far away land.

Wala akong magulang o ni kapatid, wala akong nakamulatan, walang nagturo saakin bumasa o magsulat lamang. Ngunit dahil punong-puno ng aklat ang buong tore ay nagawa kong matutong bumasa. Kung kaya't walang alam si pinunong Takara na may kakayahan akong bumasa ng salitang Ingles.

Si pinunong Takara mismo ang nagligtas saakin sa kamay ng dragon, kung kaya't utang ko sakanya ang buhay ko. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko siya maiwan.

"Cleo! Nasaan ka na naman ba?" Dali-dali akong dumistansya sa mga aklat at nagtungo sa kabilang panig nito.

Mabilis akong yumuko bilang pagbibigay galang.

"Pasensya na pinunong Takara, naligaw ako sa nagtataasang mga lagayan ng libro."

Hindi ako tumingin sakanya, ni sulyapan ang mga mata niya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil maaaring malaman niyang nagsisinungaling lamang ako.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now