Chapter 17

30 4 0
                                    

Sinamaan ko ito ng tingin, ngunit ngumisi lamang ito.

Damn this man.

"Latona, hindi ka pa nga nakakapasok saiyong klase, nanggahasa ka na." Bullshit!

Tumawa si kamahalan.

Palihim kong ikinumpas ang aking kamay.

Damn. Damn.

Naalala kong hindi nga pala maaaring gumamit ng kapangyarihan sa loob ng paaralan, tanging ang sa bahay-tulugan lamang ito gagana.

"Maestra, hindi ko nais maparatangang nanggagahasa sa loob ng paaralan, lalo na't hindi ko ito ginawa. Siya ang lalaki, sa tingin niyo ba'y kaya ko siyang gahasin? Gayong nasa tamang huwisyo naman ang utak niya?" Nagtangis ang aking bagang.

Bakit kaagad nilang pinaniwalaan ang lalaking ito? Bakit hindi muna nila kami tanungin ukol sa totoong nangyari?

Sinulyapan ko ito.

Akala ko ba ay galit siya saakin? Bakit ganito ang pakikitungo niya?

Hindi ko talaga siya maunawaan.

Inayos ng babae ang kanyang suot na salamin.

"Sa panahon ngayon, wala ng kasarian ang manghuhusga kung maaari niya bang magawa ang isang bagay, maski ang babae ay maaari na ring makapanggahasa." Nagngingit ang aking mga ngipin.

Mabilis akong naglakad palapit dito saka hinampas ang lamesa.

"Damn! Bakit ayaw niyo akong paniwalaan!?!" Sa guidance office, dito kami dinala ng nakakita saamin. Kung kaya't hindi ako nakapalag ng hilahin ako ni kamahalan papunta dito.

Napahinga ako ng malalim saka inayos ang aking sarili. Mabilis akong tumalikod at naglakad paalis ng silid.

Hindi maaaring makita nila ang pagbabago saakin, paniguradong magtataka ang babae.

Bakit kung umasta siya ay parang hindi niya ako tinignan ng masama ng gabing iyon? Bakit niya kasama ang babaeng iyon? Sino ang nagligtas sakanya? Papaano siya napunta dito? Hindi ko maunawaan, ano ba ang nais niyang mangyari?

Nagtungo ako sa aking klase, sa silid na nasa dulo ng pasilyo. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip.

Isa-isa kong tinitigan ang mga estudyante, sa unang tingin ay mukha lamang silang normal na nilalang, dahil na rin siguro napalilibutan ng kapangyarihan ang buong paaralan at hindi nila magamit ang kanilang kapangyarihan. Tumingin ako sa unahan.

Wala pa ang guro, madami-dami na rin ang mga estudyante sa loob. Mukhang hindi pa nila ako napapansin.

Naglakad ako papasok saka isinara ang pinto, nagmadali akong umupo sa likod. Hindi ko nais ang atensyon.

Kasabay ng pagpasok ko ay ang pagpasok din ng aming guro. Kaagad na napaayos ng upo ang bawat estudyante, mukhang ma-impluwensya ang guro na ito.

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan ng bigla itong tumingin saakin.

"Sino sainyo ang nakakaalam ng tungkol sa Eclipse?" Lahat ay nagtaas ng kamay samantalang ako ay tila naparalisa at napatitig sakanya.

Pakiramdam ko ay may dalang hipnotismo ang tingin nito, masama ito.

Tumalikod ito saka nagsimulang magsulat sa black board.

"The moon has an eight phases. The first one new moon, the second is waxing crescent, the third is first quarter, the forth is waxing gibbous, the fifth is full moon, the sixth is waning gibbous and the last is last quarter. Every turn of time, the moon will rotate itself. And when the time comes, the moon will change another phase." Humarap ito saamin.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ