CHAPTER 21

8 2 0
                                    

W  A  R  R  E  N

Naalimpungatan ako bigla nang maramdaman ko ang hininga ng katabi ko. Peste naman oh. Bakit ba kasi si Keith pa ang katabi ko! Mabuti nalang at hindi siya humihilik kung hindi nakakahiya 'to.

Inusog ko ang mukha niya na malapit na sa mukha ko. Hindi na tuloy ako inaantok. Kung hindi pa siguro ako nagising baka nagka-halikan na kami neto.

Sinilip ko sa likod si Tyler, mahimbing din na natutulog habang si Zoe naman ay mahimbing din na natutulog sa balikat niya. By the way, kasama pala ni Tyler 'yung girlfriend niya, si Zoe. Pagirlfriend-girlfriend nalang siya no? Naks naman.

Kaya wala talaga akong choice kundi itong kumag na 'to ang maging katabi ko. Kung bakit kasi hindi pa magtino nang magka-girlfriend na din.

Ako? Tss. Wala ako time sa mga babae.

Sinaksak ko nalang sa tenga ko ang earphones ko at pumikit. Pipilitin ko nalang uli na makatulog.



*****



"Babe, wake up." sabi ng isang boses at nag-giggle pa.

Paano ako nagka-girlfriend?

Pinihit ko ang ulo ko banda sa may bintana.

"Babe..."

Dinilat ko ang kaliwang mata ko at nagpintig ang mga ugat ko sa ulo nang makita ang pagmumukha ni Keith sa harap ko.

"Babe..." sabi niya at ngumingisi pa. What the f*ck, siya pala yung gumaganun?!

"Anong trip mo Keith?! Tangna baka naman kaya ayaw mo magtino sa mga babae dahil ako gusto mo?" inis na sabi ko sa kanya. Gusto ko sana siyang sigawan pero dahil sa nandito pa kami sa eroplano at marami pang pasahero, bumulong nalang ako. Ayokong gumawa ng scene. Nagpipigil lang ako tang*na.

"Ngayon ko lang narealize bro na gusto pala kita yieeee." - Keith

Tawa naman ng tawa si Tyler na nasa likod lang niya. 'Yung girlfriend niya hindi makarelate dahil di naman siya nakaka-intindi ng tagalog pero nakikitawa naman.

"Trip niyo 'ko no? Sabihin mo lang Keith at liligawan na kita." sabay tingin ko ng masama sa kanila at bumaba na.

"Oh my gosh kinilig ako fafa Warren!" -Keith

Dire-diretso lang ako at hindi na sila pinansin. Napapa-iling nalang ako ng wala sa oras. Lakas talaga ng trip. Buti nalang at hindi ako bad trip ngayon.

Nandito na kami sa airport. I think sa Manila 'to. Nabasa ko eh. Sa Pampanga daw hometown nila Zeno kaya doon kami pupunta. Ewan ko kung saan 'yun. Sa Canada naman na kasi ako lumaki.

Napahinto nalang ako sa paglalakad at hindi makapaniwala sa nakita ko.

"Zeno." may kumurbang ngiti sa mga labi ko.

"Yo War!" sabi niya at biglang yumakap sakin.

Natutuwa ako. Namiss ko din 'tong kumag na 'to. Namiss kong asarin!

Tinanggal ko ang ngiti ko at nagpanggap na seryoso.

"Isa ka pa. Sabihin mo lang din kung gusto mo ako at liligawan narin kita."

"Ha? Ano bang sinasabi mo? At di ka parin talaga nagbabago Warren! Sabi ng hindi ako bakla!" tinawanan ko nalang siya. "But seriously, I missed you bro. Walang halong kabaklaan." dugtong niya.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon