CHAPTER 4

48 4 0
                                    

Z  E  N  O

Hi! 

^___^

My name is Zeno Fort. Siguro naman napakilala na ako ni Cael sa inyo kaya hindi na ako gaanong magpapakilala. Just a few additional background nalang about me.

Magkababata kaming tatlo nila Jaylan at Cael. Si Jaylan at Cael, nakilala ko sila na magbestfriend na talaga. Magkaibigan kasi ang both parents nila kaya ganun. Mga one week ko rin siguro silang dalawa nakasama. Late na kasi kami nagkakila-kilala at sakto namang magma-migrate na kami ng family ko nun sa Canada. Sayang lang at hindi ko sila matagal-tagal na nakasama.

Ewan ko ba kay Cael kung bakit ayaw niyang maniwala sa'kin sa sinabi ko sa kanya kanina sa call. Sinabi ko na ngang hindi ko siya niloloko. Totoo lahat ng sinabi ko sa kanya.

Unang kita ko palang sa kanya, naalala ko, nasa labas ako ng bahay nun naglalaro ako ng psp nang biglang may humigit nalang sakin.



*Flashback*

May isang lalaki na hinawakan 'yung dulo ng sleeve ng damit ko. Pinatayo niya ako at bigla nalang akong hinila.

"Bilisan mo!" nanggigigil sa sabi niya. Mukha siyang nagmamadali eh. Napa'no 'tong lalakeng 'to? Hindi niya nga pansin na nakakaladkad na niya ako eh.

=___=

Tinitingnan ko lang siya ng weird look. Hila-hila niya lang ako habang papasok kami sa isang bahay. Sa tapat naming bahay to be exact.

"Where are you taking me?" takang tanong ko sa kanya habang pa-akyat kami ng hagdan.

"Basta. Wag ka nga maingay." sabi niya. Naguluhan ako lalo at hindi ko nalang siya sinagot. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalaro ko ng psp habang hatak-hatak niya ang damit ko. Syempre nadadala na din ang braso ko kaya one-handed nalang akong naglalaro. Ganun ako kabangis.

Bagong lipat lang kasi kami sa lugar na 'to. Ang sabi ng mommy ko, mahalaga daw na magkaroon ako ng kaibigan dito. Well, eto na siguro 'yun? Pakikipagkaibigan sa ganitong paraan? Tss.

Wala talaga akong kaibigan as in dahil loner ako. It's just me and my PSP lang talaga ang mahalaga sa mundo ko.

Pagkarating namin sa isang kwarto, dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at pumasok na kami sa loob. May isang babae na natutulog, nakasubsob sa study table at puro drawing ang mukha.

"What did you do to her?" bulong ko.

"Wala kang pakialam. Eto." sabi niya sabay abot sa'kin ng camera. "Picturan mo kami." nakangiti niyang sabi.

The heck?! Hinigit niya lang ako para dito?

"Seriously? Why me? Don't you have anyone else with you?" takang tanong ko sa kanya.

"Wag ka ng marami pang reklamo! Tsaka bakit ka ba english ng english dyan? Nasa Pilipinas tayo, ang arte mo naman!" sabi niya sa'kin. "Picturan mo na kami dali!" pagmamadali niya sa'kin.

So ayun, wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang.

*click*

Pagkatapos ay agad na iniluwa ng camera ang photo nila. Agad niyang inagaw ito sa mga kamay ko.

"Thank you huh? Putek, titingnan ko palang eh. Napaka-bastos." bulong ko.

"May sinasabi ka?" tanong niya sa'kin.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon