CHAPTER 7

41 4 0
                                    

C  A  E  L

Naglalakad ako sa hallway habang hawak-hawak ang schedule ko. Hinahanap ko kasi 'yung room ng first subject ko. Habang naglalakad ako, may biglang umakbay sa akin.

"Hi Cael." nakangiting bati niya sa'kin.

Dugdugdug. Oh my gulay! His smile! Bigla tuloy akong nanlambot.

"U-uy Jay ahehe." sabi ko naman. Tae haha biglang nahiya eh. 

Naririnig kong nagbubulungan ang mga estudyante sa paligid namin.

"Yan ba 'yung Jay na laging pinag-uusapan ng mga babae sa Highschool Dept.?" sabi ng isang ate na I think higher year ata. Hanggang college ang lakas parin ng charm ng Jay ko ah?!

"Oo. Ang gwapo niya pala talaga no?" sagot naman nung kausap niya.

Heh, ang lalandi ninyo! Bata pa si Jay ko oh for pete's sake! At eto namang si Jay ko, panay naman ang ngiti. Jay sumimangot ka nga! Psh.

"Sorry pala kanina ah. Sabi ni Jade hinintay mo daw ako sa labas para sana sabay tayo pumasok. Mabagal kasi talaga ako kumilos eh." sabi niya. Si Jade ay little sister niya.

"Naku wala 'yun Jay, para ka namang baliw! Bestfriend mo naman ako eh. Ayos lang 'yun." sabi ko at ti-nap siya sa shoulder. Maya-maya, may sumalubong sa aming isang babae. Speaking of the babaeng linta. Etong babae nanaman na 'to, 'yung laging kasama ni Jay!

"Hi Jay." sabi niya ng nakangiti.

Tae, ang ganda niya talaga lalo na pala kapag malapitan. Baka matomboy ako ng wala sa oras nito eh! Jusko!

"H-hi Gwen. Dito ka rin pala?" nauutal na tanong sa kanya ni Jay.

"Oo naman Jay. Since elementary palang dito na ako nag-aaral eh. Maganda naman ang turo dito at ito na rin ang kinalakihan kong school kaya why not dito ako uli mag-aral, right?" sagot naman niya.

"Y-yeah you're right. Magandang school nga 'to para sa'yo at sa atin." sabi ni Jay at nginitian naman siya ni Gwen. 

"She must be your bestfriend. Care to introduce?" sabi niya at lumapit siya ng konti sa akin.

"Yeah. Uhm Gwen this is Cael, my childhood friend. Cael, this is Gwen." pagpapakilala ni Jay sa amin sa isa't-isa.

What?! Just a childhood friend? Ang sama mo naman Jay! Hindi ka proud na bestfriend mo ako?

"Hi Cael!" masayang sabi niya at inilahad niya ang kamay niya sa akin. Akala ko maarte siya katulad ng mga babae na pinupuri ng sobra ang mga kagandahan nila. Yung tipong ayaw magpahawak sa 'ordinaryong tao' lang. 'Ordinaryong tao' kasi ang tataas ng mga tingin nila sa sarili nila.

Hindi  imposibleng hindi magustuhan ni Jay ang isang babaeng katulad niya.

"H-hello." sabi ko naman at nakipag-kamay sa kanya.

"By the way, I need to go. My class starts at 8:00 and now it's 7:55. I'm gonna be late. It was nice meeting you Cael. Bye!" nagmamadaling sabi niya sa amin. Bago siya makaalis, pinigilan siya ni Jay. May kumirot bigla sa dibdib ko nang gawin niya iyon.

Sa harap ko pa talaga huh?

"Sabay na tayo tutal classmates naman tayo." sabi ni Jay sa kanya.

"Ay oo nga no? Okay." sabi naman ni Gwen at umalis na sila. Hindi man lang nagpaalam si Jay sa'kin. Buti pa si Gwen, hays. Tumalikod nalang din ako at tumungo na sa classroom ko.

Hindi ba ako importante at naging importante man lang kay Jay?

Pagka-upo ko sa upuan ko, biglang nag-vibrate ang phone ko.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon