CHAPTER 1

126 4 0
                                    

*zoooot-zoooot* >> phone vibrating

Iminulat ko kaagad ang mga mata ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Gising agad ako nun ah! Pa'no ba naman kasi, sa noo ko nakapatong ang cellphone ko. Sinadya ko talaga 'yun para magising ako kaagad. 

[You have 1 new message from (network)]

[Message Content: You've been trying to access internet...]


Nasira kaagad ang araw ko pagkabasa ko palang ng mga salitang' yan. 

Hala naman! Kakaload ko lang nung isang araw ah, bakit ubos na agad? Wala na tuloy akong pang-internet. Free data nanaman tuloy ako nito.

Ang hirap ng walang wifi kainis!

Alas sais palang ng umaga, ito agad ang bumubungad. Akala ko pa naman siya na ang nagtext sa'kin kaya dali-dali naman akong bumangon.

Hays bwisit na network na 'yan. Nakakarindi na kaya. Araw-araw ba naman eh! Psh.

Buti pa nga 'yung network lagi akong tinetext eh. Pero siya? Siya ba kamo? Malamang hindi huhu. Kailangan bang ako nalang lagi ang mauuna?

Kailan mo kaya ako mapapansin?

Sabagay, sino lang ba naman ako? Isa lang naman akong hamak na mamamayan na patuloy na nagpapantasya sa'yo. Hindi ako tulad ng iba na kagandahan at pinagkakaguluhan ng lahat.

Sabi nila, maswerte na nga daw ako kaso nagrereklamo pa daw ako. Bakit? Kasi lagi ko daw siyang kasama. Lagi ko daw siyang nakaka-usap. Oo madalas kong kausap ang taong minamahal ng lahat at minamahal ko ng patago. Eh alangan namang hindi? Bestfriend ko kasi siya kaya malamang ako ang lagi niyang kausap at kasama.

Oo, tama ang mga nabasa niyo. Mahal ko ang bestfriend ko. Hindi niya alam at nararamdaman iyon.

Ni minsan, hindi niya man lang ako napapansin gaya ng pagpansin ko sa kanya. Ni hindi niya nga din ako tinitingnan gaya ng pagtingin ko sa kanya.

Maswerte ba 'yun? Sabihin niyo nga! Huhu.

Pero nevermind na. Ayoko namang buong araw akong bagot kaya ite-text ko nalang si bff para naman kahit papano, hindi masayang ang paggising ko.


[To: Love ko]

[Message Content: Goodmorning Mahal--!]


Hala! Burahin mo' yan, loka kang babae ka. Baka hindi ka na pansinin niyan sige ka. Muntik ka na dun ah.


[To: Love ko]

[Message Content: Goodmorning Bestfriend! Gising naaaa!!]

Message sent


Ayan, mas good 'yan. Syempre mamaya pa 'yun magrereply dahil tulog pa 'yun. Tulog mantika kaya ang lalakeng 'yun.

Itutulog ko nalang uli 'to.

^___^

"Goodnight love!" banggit ko habang nakatingin sa picture naming dalawa nung mga bata pa kami.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon