CHAPTER 10

34 4 0
                                    

C  A  E  L

Nagbabasa ako ngayon ng libro about sa mga pinag-aaralan ko sa school. Naga-advance reading ako dahil may quiz agad kami bukas.

*zooot-zoooot* >> phone vibrating

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko pero hindi ko muna iyon pinansin. Sabi ko nga kasi ayoko muna ng distractions diba?

Nagbasa lang ako ng nagbasa. Nag-take down notes din ako. Kailangan ko ng magsipag ngayon dahil hindi na kasi biro ang college. Hindi na ito katulad ng highschool na kahit anong oras pwedeng magpapetiks-petiks.

Bumaba na rin ako kaagad nang tawagin ako ni ate para kumain ng hapunan. Tahimik lang akong kumakain.

"Parang iba ata ang mood natin ngayon? Ang tahimik mo ata Cael. Bago 'yan ah." sabi ni ate.

"Baka mawala kasi 'yung mga nireview ko sa utak ko." sabi ko naman sa kanya.

"Wow! May utak ka pala?" singhal ni ate kaya tiningnan ko siya ng masama. Wala ako sa mood makipagtalo sa kanya ngayon.

"Caila." saway ni lola sa kanya.

"Opo la, alam ko naman po. Hindi naman po kasi ako sanay na ganyan siya. Hindi po ako sanay na malungkot ang kapatid ko." sabi niya. Aw, naramdaman pala ni ate 'yun. 

Oo tama siya, nalulungkot nga ako. Si Jay kasi. Parang nag-iiba na siya. Ayokong lumayo siya sa akin.

"Hindi ako malungkot. Ayoko lang ng maingay." tipid na sabi ko. Tiningnan niya lang ako at hindi na sumagot pa.

Wag kang mag-alala ate, ayos lang ako.

Pagkatapos naming kumain, huhugasan ko na sana ang mga plato kaya lang pinigilan ako ni ate.

"Ako nalang muna ang bahala dito. Umakyat ka na doon at magreview na uli." sabi niya at sinunod ko naman siya. Hindi pa man ako nakaka-akyat, may pahabol pa siyang sinabi. "Cael. Magtigil-tigil ka na dyan sa kahibangan mo sa kanya. Ayokong nakikita kang ganyan." sabi niya. Napayuko nalang ako at dumiretso na sa kwarto ko. Napahinto ako at sumandal sa likod ng pinto.

Kung ganon lang sana kadali ate, matagal ko nang ginawa. Alam ko namang wala na akong pag-asa sa kanya nung una palang. Pero itong pasaway kong puso, pilit parin siyang minamahal.

Humiga nalang ako at nagbasa uli.



(One hour later...)



Isang oras na akong nakatitig sa librong 'to pero walang pumapasok sa utak ko. Bwisit! Si Jay kasi eh! Na-occupied niya nanaman ang buong utak ko!

Hindi ako matatahimik nito kung hindi ko siya kakausapin. Lagi kasing pumapasok sa isip ko si Gwen. Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari kanina.

May gusto na kaya siya kay Gwen?



*Flashback*

Lunch na ngayon at naglalakad ako sa may hallway nang makita ko si Jay na nakatayo sa gilid. Nakadungaw sa may railings. Patakbo palang ako sa kanya dahil yayayain ko siyang sabay na kaming kumain pero napahinto nalang ako.

Lumabas kasi si Gwen galing sa room na katapat ni Jay kaya bigla akong napatago sa isa sa mga poste.

"Kanina ka pa ba dyan? Sorry ah." rinig kong sabi ni Gwen.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon